CHAPTER 4
Jerick's POV
Akalain mo nga namang magka-subdivision pa kami nitong school clown?
Dinala ko si Anika sa bahay ko dahil napuruhan ko yata ang ulo niya.
Mag-isa ako ngayon sa bahay dahil kakaalis lang ni Mama nung isang linggo. Nagpunta siyang abroad for another business venture. Sa sales at marketing in line ang business namin.
Sabihin ng mayaman kami pero broken family naman. Si Papa, matagal na kaming iniwan. Mga 5 years na nang iwan niya kami at sumama sa bago niyang pamilya sa Australia.
Ang bunso kong kapatid na babae at ako na lang ang magkasama ngayon, kasama na rin ang mga maids dito. Malaki nga ang bahay namin, kakaunti lang naman ang tao.
Sa living room ko siya pinag-stay. Binigyan ko siya ng ice bag at siya na ang nag-asikaso sa sarili niya. Wala akong kaalam-alam sa mga ganyan eh.
Iniwan ko muna siya at mukha namang ayos lang siya. Nagpaluto ako ng fries para naman may kainin siya.
Nakakahiya dahil natamaan ko ng bola ang kaawa-awang babaeng 'to. Kahit pala sa labas ng school, malas siya noh. *laughs* Kaso kasalanan ko naman ngayon.
Pinuntahan ko siya ulit at nakita kong katabi niya sa sofa yung kapatid kong babae. Nagtititigan lang silang dalawa.
"Anilka.! Halika nga dito. Wag mo siyang tignan nang masama"
Nagulat ko ata siya sa sinabi ko. Napaturo siya sa sarili niya.
"Ay. Hahahaha. Nakalimutan ko. Magkapangalan kasi kayo ng kapatid ko eh.."
"Ah, ganun ba. Kapatid mo pa la 'tong batang to."
Dinilaan ni Anika na kapatid ko, si Anika. Tumakbo siya papalapit sa 'kin tapos nagtago sa likod ko.
"Kuya, inaaway niya ako kanina.."
Nagulat si Anika sa sinabi ng kapatid ko.
"Teka, hindi. Hindi talaga.. Ibibigay ko naman talaga sa'yo yung swing eh. Joke lang yung sinabi ko."
Pinipigil kong tumawa dahil nakakaaliw ang itsura ni Anika. Para siyang aligagang bata.
"Ewan ko sa'yo!" tapos tumakbo na yung kapatid ko palabas.
Tinabihan ko si Anika sa sofa. "Pagpasensyahan mo na yung kapatid ko ah. Spoiled brat eh."
Natahimik lang siya at halatang di kumportable. Lumabas yung maid dala yung fries at chips tsaka dalawang baso ng coke.
"Kumain ka oh.! Pasensya na nga pala kanina. Hindi ko sinasadyang matamaan ka. Napalakas ata ako nang hagis kanina eh. Sorry." sabi ko habang hawak ang batok ko at tumawa.
"Hindi. Ayos lang yun. 'Di mo naman kasalanan eh." Binaba niya yung ice bag na hawak niya. "Ah teka, sino ka nga pala?"
Ay sira.! "Oo nga pala." Napahawak ako sa noo ko.
Nakalimutan ko. Hindi nga pala ako nakapagpakilala tapos hinatak ko pa siya papunta sa bahay ko. Sira talaga.
"Ah... Ako nga pala si AJ" tapos inabot ko yung kamay ko para makipag-shakehands.
Nakipagshakehands din naman siya pero mukhang nagtataka.
Ang labot ng kamay niya. Kung titignan nang malapitan at kung tatanggalin lang ang eye glasses niya, maganda siya eh. Mas maganda siyang di hamak dun sa tatlong maaarte na laging naka-violet.
"AJ?"
"Oo, bakit?"
"May kilala rin kasi akong AJ eh. School heartthrob." tapos lumapit siya ng kaunti sa akin. "Paano mo nga pala nalaman ang pangalan ko?"
"Ah, si Andrei Jayden?." nagcross ako ng arms at pabirong sumimangot. "Mas kilala mo pa ang mokong na yun kaysa sa akin."
Lalo lang siyang nagtaka sa mga sinabi ko. Hindi pa rin ba niya ma.gets?
"Ikaw si Crazy nerd di ba? Yung laging pinagtitripan nung mga naka-violet?"
"Oo, ako nga. Schoolmate ba kita?"
"Ayun. Tumpak! Pak na pak!" tapos tumawa lang siya. Lalo siyang gumaganda 'pag nakangiti at tumatawa.
"Ace Jericho ang AJ ko."
"Ahh.. Ace Je....richo?! Ace Jericho?!"
Oh, bakit? Anong meron sa pangalan ko?
"Ikaw ba yung two-time MVP ng Smashers? Si #7 Ace Jerick Lopez?"
Whoah.! Sikat naman pala ako eh. *Laughs* Akala ko hindi niya ako kilala.
"Kilala mo naman pala ako eh."
"Kilala lang kita sa pangalan. Ngayon lang kasi kita nakita sa personal eh."
"So you mean, hindi ka nanunuod ng mga laro namin?"
"HINDI!! Hindi.. sa ganun.. Ang ibig kong sabihin, hindi pa kita nakikita nang malapitan. Kagaya ng ganito. Yun.. yung gusto kong sabihin." tapos bigla siyang yumuko.
"Sa totoo nga eh, wala pa akong namimiss na laro niyo. Lagi akong nanunuod. Kaso madalas sa pinakadulo ako nakaupo dahil hindi na ako makasingit sa harap sa dami ng mga babaeng nagchecheer sa inyo."
Mukha namang nagsasabi siya ng totoo. Halata kasing masaya siya sa mga sinasabi niya eh. Yung mga ngiti niya lampas tenga.
"May inaabangan ka bang player namin?"
Ayan na naman, nagulat na naman siya sa tanong ko. Ano bang nakakagulat dun?
Hindi siya sumagot at tumingin lang sakin tapos ngumiti. Bakit, ako ba yung pinapanuod niya?
"Si AJ..."
Sinong AJ? Andrei Jayden o Ace Jericho?
Ako ba o si bestfriend?
BINABASA MO ANG
He's That Guy
Fiksi RemajaThe bullied nerd meets her hard court heartthrob. For Anika, her lovestory is quite tragic. She was rejected long ago before she could actually confess her feelings. Although those words of rejection made her heart broke into pieces, she continued l...