Prologue

3K 42 0
                                    

"You need to marry Gian Martinez whether you like it or not. Hindi ka puwedeng tumanggi dahil para din ito sa inyo." Matigas na sambit ng kaniyang ama at umalis na ito. Hindi na niya mapigilan ang hindi mapaluha. Matagal ng magkaibigan ang pamilya niya at ang pamilyang Martinez. Kilala niya si Gian dahil kilala ito sa kanilang University. Matinée idol ito dahil miyembro ito ng teatro. Ngunit kahit na sila ang magkaedad ay mas napalapit siya sa nakatatandang kapatid nitong si Daniel. Bukod sa mas matured itong mag-isip kaysa kay Gian ay mas kasundo niya ito pagdating sa pagpipinta. Pareho kasi sila ng kurso kaya mas lalo silang naging malapit sa isa't-isa. Minsan na ding sinubukang makipaglapit ni Gian sa kaniya noon ngunit siya mismo ang nagtaboy dito. Naisip niya kasi na baka magaya siya sa mga babaeng luhaang naghihintay pa ring pahalagahan nito. Ewan niya pero may kakaiba kasi kay Gian na hindi niya kayang tagalan. Maybe his stares? Ang intense kasi nitong tumitig kaya marahil ay iyon ang inayawan niya at isa na rin ang pagiging sikat nito.

Lumipas ang mga taon at naging magkasintahan sila ni Daniel ngunit isinikreto nila ang bagay na iyon dahil nang mga panahon na iyon ay tutol ang ama niyang makipag-boyfriend siya dahil bata pa daw siya at pag-aaral daw muna ang asikasuhin niya. Tanging ang ina lamang niya ang nakakaalam. Iyon ang pagkakamaling nagawa nila.

Naramdaman niya ang paghagod ng ina sa kaniyang likod. "I'm sorry, Sheena, baby. I can't do something about it." Kahit kailan ay hindi pa binali ng ina ang mga desisyon ng kaniyang ama. Pero hindi ba at kalabisan na pati ang buhay pag-aasawa niya ay pakikialaman pa din nito?

Hindi siya nagsalita at niyakap na lamang ang ina. Kapag ang Papa niya ang nag-utos ay hindi na siya makatanggi. Lahat ay sinusunod niya. Ngunit bakit si Gian pa? Bakit hindi si Daniel na siya namang panganay?

Parang nabasa naman ng Mama niya ang tanong ng isip niya. "Daniel's not interested with the Martinez's Business, at alam mo iyan. Kaya si Gian ang ipinagkasundo nila para pakasalan mo. They don't know your relationship with Daniel. What if sabihin mo nalang baka sakaling ipatigil ng Papa mo ang kasunduan?" suhestiyon naman ng kaniyang ina.

Kumalas siya sa pagkakayakap dito at hinarap ang ina. "You think mababago pa ang isip ng Papa, Mama? You know him more than I do. May isa siyang salita, Ma."

Nagkibit-balikat naman ang ina. "Malay natin. Let's just try. Ama mo pa rin siya at alam kong ginagawa niya lamang ito dahil ito ang alam niyang makakabuti sa iyo in the future."

Napaisip siya. Maiintindihan nga kaya siya ng kaniyang Papa? O baka naman mas lalo pa nitong i-pursue ang kung anong gusto nito para sa merging ng business nila at ng mga Martinez? Pero hindi naman masamang i-try, baka sakali lang naman.

Walang nangyari nang sinabi niya sa kaniyang Papa ang tungkol sa kanila ni Daniel. Mas lalo pa nga nitong in-insist na pakasalan niya si Gian at hiwalayan na ng tuluyan si Daniel. At dahil din doon ay mas pinaaga pa ang petsa ng kanilang kasal. Wala siyang magawa kundi ang kausapin ang katipan upang sabihin dito ang kaniyang desisyon. Ayaw man niyang hiwalayan ang nobyo, ayaw rin naman niyang saktan at kalabanin ang ama.

Nakipagkita siya kay Daniel sa isang restaurant. Doon niya balak na sabihin dito ang desisyon niya. Alam ni Daniel ang tungkol sa kasunduan ng kanilang mga pamilya ngunit hindi ito nagsalita sa kaniya. Nainis siya doon ngunit naiintindihan niya ang dahilan nito. Ngunit may magagawa pa ba sila para mapigilan iyon? Gusto niyang tapusin ang relasyon nila ni Daniel sa tamang paraan. Ayaw niyang may masabi ang ibang tao dito dahil napakabuting tao ni Daniel.

Hindi pa man niya nasasabi dito ang desisyon ay tumulo na ang kaniyang luha. Hinawakan ni Daniel ang kaniyang kamay ng mahigpit.

"Why are you crying?" Halata sa boses ni Daniel ang pag-aalala. Hindi naman siya makatingin sa mga mata nito at nakayuko lamang siya. Hindi niya alam kung paano niya uumpisahan ang sasabihin dito. Hindi niya alam kung paano siya pagkatapos nito.

"D-Daniel..." umpisa niya bago nag-angat ng mukha. Kita niya ang mga mata nitong nag-aalala sa kaniya. "...I... I want to stop this." Halos hindi niya iyon maisatinig.

Naguguluhan naman na umiling si Daniel. "Stop what, Sheena? If this is about the wedding, then I'll talk to Mom and Dad. Pipilitin kong pag-aralan ang kompanya para sa'tin."

Mas lalo tuloy siyang nasasaktan dahil alam niyang mahal na mahal siya ni Daniel. Umiling siya dito. "No, my decision is final. Alam ko kung ano ang makakapagpasaya sa'yo at hindi ang kompanya niyo iyon. We need to stop this. Hindi ko kayang kalabanin si Papa. After all, ama ko pa rin siya at mahalaga siya sa akin."

"Alam mo ang makakapagpasaya sa'kin pero bakit ka nakikipaghiwalay? Minahal mo ba talaga ako, Sheena?"

Doubting her feelings for him was totally hurting her. Mahal niya si Daniel at totoo iyon ngunit ayaw niyang ito ang mag-suffer nang dahil sa kaniya. "Daniel, alam mo kung gaano kita kamahal. Pero mahal ko din ang pamilya ko. I want you to understand that." Masakit man pero kailangan niyang saktan ang binata.

Mariin itong umiling at hinawakan ang magkabila niyang pisngi upang magtama ang kanilang mga mata. "Listen to me, Sheena. I understand you. But please, don't do this. Hindi ko kakayanin. Ikaw ang buhay ko, Sheena."

Kita niya ang luhang naglandas na sa mukha ni Daniel. Mas lalong pinipiga ang puso niya. Umiling siya at muling nagbaba ng tingin. "Daniel..." tawag niya sa pangalan nito bago niya ito tinitigan. "...I love you, that's why I'm doing this. Hindi ko kayang sa bandang huli ay ikaw ang magmukhang masama sa paningin ng iba. Ayokong sa pagkakataong ito, tuluyan ka ng itakwil ng pamilya mo." Matagal ng galit ang mga magulang ni Daniel sa binata dahil nga iba ang kinahiligan nitong gawin kaysa ang pagnenegosyo kaya naman ngayon, ayaw niyang mas lalong magalit ang mga magulang nito nang dahil lamang sa relasyong mayroon sila.

"Look, may nobya din si Gian, kaya wala ding ipinagkaiba kung tatanggi ka dahil masasaktan din ang lahat." Giit naman ni Daniel.

Pinunasan niya ang mga luha sa mukha nito at malamlam ang mga matang tumitig dito. "Always remember that I love you, Daniel." Iyon lang at tumayo na siya at umalis na doon. Narinig niya pa ang pagtawag nito sa kaniya ngunit hindi na niya ito nilingon at deretso ang lakad palabas sa lugar na iyon.

Memories of Love-CompletedWhere stories live. Discover now