It's been three weeks since the accident happened. At hanggang ngayon ay wala pa ring malay si Gian. Ang sabi naman ng Doktor nito ay normal naman na daw ang vital signs ni Gian. Mabuti na lamang daw at hindi ito nagkaroon ng internal bleeding dahil sa mga sugat na natamo nito sa mga bubog at sa bugbog na inabot ng katawan nito. Nabangga kasi ang minamaneho nitong kotse ng isang bus na nag-overtake daw sa kotse ni Gian ngunit nagkamali ito ng tapak sa preno dahil hinahabol pala nito ang go signal ng traffic light kaya pagkabig nito ng manibela ay siya namang hagip ang kotse ni Gian.
Yupi ang unahang bahagi ng kotse ni Gian. Ngunit ang hinihintay na lamang ng Doctor ay ang paggising nito dahil tumama ang ulo nito sa windshield kahit pa may airbag ang kotse nito. And she always pray na sana nga ay magising na ito at nang masabi na rin niya ang surprise niya para dito.
Naramdaman niya ang isang kamay sa kaniyang balikat habang nakatitig pa rin sa walang malay na asawa. "Sheena, you should rest, para sa baby." Ang mommy ni Gian.
Tiningala niya ito at ngumiti. "I'm okay, Mom. Nakakatulog naman po ako dito. At mas panatag po ako kapag nandito ako." Aniya bago muling ibinaling ang tingin sa asawa.
"Okay, just make sure hindi mo pababayaan ang sarili mo." bilin naman nito.
Tumango siya. "I will, Mom. Don't worry."
"Aalis muna ako, papupuntahin ko si Daniel dito para may kasama ka."
Tumayo muna siya at yumakap dito. "Thank you, Mom."
Pagkaalis nito ay muli na namang natahimik ang buhay niya. Kung drama din lang sa buhay. Nangunguna na siya doon. Sa love story pa lamang nila ni Gian ay heavy drama na ang tema. Simula pa lamang noong maging mag-asawa sila ay naging madrama na ang buhay niya.
Pero isa siyang palaban na babae. She never gave up, well, almost. Pero ipinaramdam ni Gian kung gaano siya nito kamahal. And for Gian, magpapakatatag siya. Lalo na ngayon, may munting anghel na siyang nagbibigay ng lakas upang muling lumaban.
"Gian, gumising ka na. At paggising mo, matutuwa ka sa sorpresa ko para sayo. Alam ko, matagal mo ng wish ito. Kaya bilisan mo ng gumising diyan." Kausap niya dito habang mahigpit na hawak-hawak ang kamay nito.
"Masyado mo ng ini-enjoy ang pagtulog, tama na. Hindi mo ba ako nami-miss? Andami mo na sigurong napanagini..." hindi niya naituloy ang sasabihin nang biglang gumalaw ang kamay ni Gian. "...Gi-Gian..." hindi niya alam kung ano ang uunahin niya. Kung tatawag na ba siya ng nurse o ang yakapin ito o magtatalon siya sa tuwa dahil nagresponse na din sa wakas ang asawa niya. Pero sa huli, tumawag pa rin siya ng nurse upang ipaalam dito ang naging response ni Gian.
Dumating na din si Daniel. Ang panganay na kapatid ni Gian. "Sigurado ka ba sa nakita mo?" tanong pa nito habang hinihintay ang findings ng Doktor.
Tumango siya at ngumiti. "Yeah, at hindi ko lang nakita. Naramdaman ko pa dahil hawak ko ang kamay niya." Hindi na niya napigilan ang maluha sa tuwa.
"Mabuti naman. Now I can say, hindi talaga naging mali ang desisyon mo noon." Biglang nag-iba ang tono ng boses nito.
"Daniel..."
"Hey, I am just happy for both of you." Isang matamis na ngiti ang iginawad nito sa kaniya. Ngumiti nalang din din dito.
"Mrs. Martinez, with all the findings, we expect that anytime soon, he'll be awake. Sa lahat ng gamot na ibinibigay namin sa kaniya tinatanggap naman ng katawan niya so let's continue to pray and continue to talk to him." Agaw pansin ng Doktor ni Gian.
Ngumiti siya dito. "Thank you, Doc." Iyon lang ang nasabi niya at agad na niyang nilapitan ang asawa. "Hey, you hear that? Kaya dali na, gumising ka na diyan at umuwi na tayo. Promise, pag-uwi natin, ipagluluto kita ng paborito mong Bicol Express. Masarap 'yon, kaya bilisan mo diyan, ah." Lumingon pa siya kay Daniel. Lumabas na din ang Doctor at ang nurse na kasama nito.
YOU ARE READING
Memories of Love-Completed
RomanceNaging maganda ang bunga ng pagpapakasal nina Sheena at Gian kahit na isang arranged marriage lamang iyon. Unti-unti nilang naramdaman ang pag-ibig sa isa't-isa. Kaya naman sobrang natuwa si Sheena nang malaman na magkakaroon na sila ng anak ni Gian...