Chapter 3

1.5K 30 0
                                    

Nang makarating sila sa kanilang bahay. Hindi na niya hinintay na pagbuksan pa siya ng asawa at agad siyang bumaba ng kotse. Dere-deretso siya sa loob ng kabahayan. Narinig pa niya ang pagtawag ni Gian sa kanilang driver at ibinigay doon ang susi.

Nagmamadali itong sumunod sa kaniya.

"Sheena!" matigas ang pagkakasabi nito sa pangalan niya. Alam niyang nauubos na rin ang pasensiya nito sa kaniya. Pinunasan niya ang luhang bigla nalang naglandas sa kaniyang pisngi. May nakita siyang pagkabahala sa mga mata ni Gian.

"Tell me, do you love me?" kumunot ang noo ni Gian sa tanong niya.

"What the... Sheena," hindi malaman ni Gian kung ano ang tamang salita para sa tanong niya. Mas lalo tuloy siyang naiyak.

"Mahirap bang sagutin ang tanong ko, Gian?" may pait sa tono ng kaniyang boses.

"Is that even the right question? You're doubting me, Sheena,"

Hindi na nagsalita pang muli si Sheena. Aalis na sana siya nang pigilan siya ni Gian.

"Sheena, please. Nagsisimula palang tayo," lumapit ito sa kaniya. "What really happened? What did they say to you?"

Tiningnan niya ito at nagtama ang kanilang mga mata. Halatang pagod ang mga mata ni Gian na nakatingin sa kaniya. "Sinabi nila na hindi mo ako kayang mahalin. Na pinipilit mo lang ang sarili mong gustuhin ako dahil ikakasal na si Hennesy. Shit, Gian. Mahal mo si Hennesy at wala akong laban doon," Pumiyok siya pagkasabi niyon. Kahit anong pigil niya ay hindi niya mapigilan ang hindi mapaiyak.

"You believe them?"

Umiling siya. Ayaw niyang paniwalaan iyon. Pero nasasaktan siya dahil pati mga kaibigan ni Gian ay hindi siya tanggap. Paano niya tatanggapin ang mga tao sa buhay nito kung ang mga ito naman ay ayaw sa kaniya? Ayaw naman niyang ipagsiksikan ang sarili sa mga ito. "Masakit lang kasing marinig na hindi ako tanggap ng mga taong malapit sayo."

Ramdam niya ang mainit na katawan ni Gian nang yakapin siya nito. Somehow, she feels relieve. Bahagyang nabawasan ang kaninang sakit sa kaniyang dibdib. Nasanay kasi siya na laging kinagigiliwan ng mga tao. Ngayon, may mga tao ng naiinis sa kaniya at itinuturin siyang kontrabida.

"Sheena, please. Don't mind them. Mas mahalaga ang kung ano tayo ngayon," Masuyo nitong hinaplos ang kaniyang buhok. Hindi na siya nagsalita pa at tumango na lamang. Iginiya na siya ni Gian sa kanilang silid. Pagod na din naman siya, pero mas napagod siya dahil sa kung anu-anong pumasok sa isip niya. Paano nga ba niya masisiguro ang pagmamahal ni Gian para sa kaniya? Ni hindi pa nga nito sinasabi sa kaniyang mahal siya nito. Pero ngayon pa ba siya susuko samantalang natiis na naman niya ang pasakit nito noon nang ang akala niya ay nobya nito si Hennesy? Na hindi nito hiniwalayan ang babae kahit na kasal na sila?

Wala siyang pinanghahawakan kundi ang mga ipinaparamdam sa kaniyang kakaiba ni Gian at kung paano siya nito pinasaya nang gabing iyon. Ngunit may isang bahagi pa rin sa kaniyang isip ang hindi naniniwala sa sinasabi ng kaniyang puso. Ano nga ba ang susundin niya? Ang sinasabi ng puso niya o ang pilit na nagpapagulong isipan niya? Gulung-gulo na siya.

Bago pa man magising ang asawa ay dahan-dahan ng umalis si Sheena sa kanilang bahay. Hindi niya alam kung bakit niya ito ginagawa pero ito lang ang alam niyang solusyon para hindi sila tuluyang mag-away ni Gian.

Pinandilatan pa niya ang guwardiya nang ayaw siya nitong palabasin sa gate. Pagkalabas niya ng gate ay agad siyang tumakbo palabas ng subdivision upang pumara ng taxi. Hindi naman siya nahirapan dahil may nakaparada na agad sa may labas na mga taxi.

Noong una ay hindi niya pa alam kung saan siya pupunta ngunit nagdesisyon siyang kay Daniel na muna siya tutuloy. Tinawagan niya muna ito.

"Why?" halatang hindi sang-ayon ang lalaki sa pakiusap niya.

Memories of Love-CompletedDove le storie prendono vita. Scoprilo ora