Umuwi nga si Sheena sa kanilang bahay. Ang bahay nila ni Gian. Doon niya ibubuhos ang mga damdaming hindi niya kayang ipakita kay Gian nang ganoon ang kalagayan nito. Akala niya kanina ay kakayanin niyang magpanggap. Ngunit dahil lamang sa simpleng tanong nito sa cellphone nitong hindi nito mabuksan ay bumalik na naman ang mga damdamin na pilit niyang iniignora. Maging ang simpleng PIN code ng cellphone nito ay hindi maalala ni Gian. Siya pa kaya?
Paano nga naman maaalala ni Gian ang bagong PIN code niyon, eh ang petsa kung kailan sila ikinasal nito ang PIN code. Habang pinupunasan niya ang kaniyang mga luha ay saka naman nag-ring ang kaniyang cellphone. Si Daniel ang tumatawag. May namuong kaba sa dibdib niya. Hindi niya alam kung para saan ang kabang iyon.
"Yes, hello,"
"Sheena, Gian was rushed to the hospital." Sukat doon ay kusang naglandas ang kaniyang mga luha. Hindi pa niya naririnig ang kabuuan ng kuwento ngunit nakaramdam na siya ng dobleng kaba. Kaaalis pa lang niya doon ay heto na ang balitang bumungad sa kaniya.
"What happened, sino ang kasama niya? Kasama mo ba siya ngayon? Gising ba siya? Puwede ko ba siyang makaus---" pinutol agad ni Daniel ang kaniyang sunud-sunod na mga tanong.
"He's fine now. Sinubukan niyang maglakad. Bumaba siya ng hagdan pero nawalan siya ng balanse sa pang-huling baitang kaya bumagsak siya. Thank God, Mom was there kaya agad niyang tinawag ang driver at itinakbo agad siya dito sa hospital. Akala ko kung ano ang nangyari. Nag-panic lang talaga si Mommy. And I called you para sabihin sanang huwag kang mag-alala pero nahuli ako ng sabi sayo. Nag-react ka agad. I'm sorry if I scared you." Mahabang paliwanag ni Daniel. Nakahinga naman siya ng maluwag. Akala niya ay kung ano naang nangyari kay Gian.
"Pupunta ako diyan. Please, huwag mo muna siyang iwan. Kailangan ko rin kasi makausap si Doc tungkol sa sitwasyon niya." Aniya at naglakad na siya palabas ng kanilang bahay. Bubuksan na sana niya ang pinto nang may maalala siya. "Ah, Daniel. I need to end this call. May kukunin lang ako sandali," um-oo naman agad si Daniel ay in-off na niya agad ang tawag.
Tinungo niya ang kanilang silid ni Gian at dumiretso sa kanilang bedside table. Naroon kasi ang singsing nito. Noong ibinigay sa kaniya ang mga gamit ni Gian ay ang singsing ang una niyang kinuha doon. Isusuot nga sana niya ito nang magkamalay na si Gian ngunit hindi natuloy nang hindi siya nito makilala. Naitago na lamang niya sa likod ang kaniyang mga kamay na mahigpit na hawak-hawak ang singsing.
Ngumiti siya. This time, sana ay maisuot na niya ito dito. Alam niyang magtataka ito pero bahala na ang Diyos. Masakit pa rin sa dibdib na hindi siya naaalala ni Gian pero ramdam niya na naroon pa rin ang pagmamahal nito sa kaniya. Tanging ang kaniyang isipan lamang ang nakalimot sa kaniya at hindi ang puso nito.
Nakangiti siyang lumabas ng kanilang bahay. Masaya niyang binaybay ang daan patungo sa ospital. Hindi niya alam kung bakit ang saya-saya ng pakiramdam niya. Parang noong nalaman niyang buntis siya. Ngunit nang maalala iyon ay bigla siyang binundol ng kaba. Hindi! Walang mangyayaring masama. Hindi na mauulit ang nangyari dati.
Nakahinga si Sheena ng maluwag nang makarating siya ng maayos sa Ospital. Agad siyang dumeretso sa kuwarto ni Gian. Nasabi na rin kasi ni Daniel sa kaniya kung ano'ng room number ito naroon. Nang nasa tapat na siya ng silid nito ay humugot muna siya ng malalim na buntong-hininga bago pinihit ang knob ng pinto. Nadatnan niya doon si Daniel. Wala ang mommy nila, marahil ay umuwi muna ito. Tumayo agad si Daniel nang malingunan siya nito. Tulog si Gian. Dala siguro ng gamot.
Lumapit siya dito at nginitian si Daniel bago muling binalingan si Gian. "How's he?" tanong niya habang nakatutok pa rin ang paningin sa asawa.
"He's okay. Wala namang pinsala. Ang ipinagtataka lang ni Mommy ay kung bakit daw siya biglang nawalan ng balanse samantalang nang makita naman daw niya itong pababa ng hagdan ay mukhang kaya naman na daw niyang maglakad." Doon siya napabaling kay Daniel. Kumunot ang kaniyang noo. Ano ang ibig nitong sabihin? May ibang dahilan kung bakit ito nawalan ng balanse? Hindi pa naman kasi nila nae-exercise na mabuti ang mga paa nito pero mukhang may ibang tumatakbo sa isip ni Daniel na hindi niya mapangalanan kung ano.
YOU ARE READING
Memories of Love-Completed
RomanceNaging maganda ang bunga ng pagpapakasal nina Sheena at Gian kahit na isang arranged marriage lamang iyon. Unti-unti nilang naramdaman ang pag-ibig sa isa't-isa. Kaya naman sobrang natuwa si Sheena nang malaman na magkakaroon na sila ng anak ni Gian...