Nasa balkonahe siya nang tawagin siya ng isa sa mga kasambahay. Lumingon siya dito at nagulat nang kasama nito si Hennesy. Lumapit ito sa kinauupuan niya. Hindi pa rin siya at ease sa presensiya nito dahil na rin sa mga kaibigan ni Gian pero wala naman talaga siyang dapat na ikabahala.
"Hi!" bati nito. Ngumiti naman siya at iminuwestra ang upuang nasa tabi niya.
"Manang, pakibigyan naman ng meryenda si Hennesy." Aniya sa katulong. "What do you want?" baling niya kay Hennesy.
"Anything could do."
Nakuha naman ng katulong ang ibig nitong sabihin kaya tumalima na ito upang maghanda ng pagkain. Saglit silang natahimik. Hindi niya kasi alam kung bakit ito narito ngayon, ayaw naman niyang magsungit at usisain kung bakit ito naparito ngayon.
"Are you okay now? I heard what happened," kita niya ang concern sa mga mata nito.
"Yeah, I'm fine now. Masyado lang siguro ako nag-isip ng kung ano ano."
"Sheena, alam kong dati na kayong nagkaproblema ni Gian dahil sa akin," umpisa nito. So she's bringing the past.
"Kalimutan na natin ang nakaraan, maayos na pareho ang mga pamilya natin." Nakita niya ang pag-iling nito.
"No, Sheena. Hindi mo pa alam kung gaano ka talaga kamahal ni Gian," parang nainis naman siya sa sinabi nitong iyon. At ano pa ang alam nito na hindi niya alam? Alam na alam niya iyon dahil napatunayan na niyang lubos siyang minamahal ni Gian.
"Do you think I don't know?" kumunot ang kaniyang noo.
"Hindi mo alam na sa simula palang ay patay na patay na si Gian sayo. Na g-nive-up niya ang teatro para sa kompanya dahil iyon ang sinabi ng Daddy nila. Na kapag minahal niya ang kompaniya nila ay makukuha ka niya. Akala ko noong una ay trip lang niya pero nakita ko siya kung paano ka niya titigan mula sa malayo. Kung paanong ayos lang sa kaniya na tinatarayan mo siya. Na ayos lang sa kaniya kahit na napapahiya na siya sa mga kaibigan niya.
"Nakiusap siya sa Daddy niya na gumawa ng paraan para makasal kayong dalawa. That time, alam na niyang kayo na ni Daniel. Pero hindi siya sumuko. Naniniwala siya na sa huli, siya pa rin ang mamahalin mo kapag mag-asawa na kayo. She even ask me to pretend as his girlfriend. Ayaw ko, pero dahil mahal ko siya ginawa ko dahil alam kong hindi ko na mababago ang puso niya 'di gaya ng paniniwala niyang, mamahalin mo rin siya."
Napanganga siya sa mga narinig. What's this for? Mas lalo tuloy siyang naawa sa asawa. All this time, siya pala dapat ang sinisisi at sa kaniya dapat nagagalit hindi kay Gian pero hindi. Minahal siya ni Gian noon at ngayon kahit pa hindi pa nito naaalala ang dati nitong nararamdaman para sa kaniya.
Hinawakan ni Hennesy ang kaniyang kamay. Tuluyan ng tumulo ang kaniyang mga luha. "Ikaw ang mahal ni Gian sa simula palang kaya sana, huwag mo ng isipin pa ang nakaraan. Wala siyang ibang babaeng minahal kundi ikaw lang."
"Why are you telling me this?"
"Dahil gusto kong mapanatag ka na. Gusto kong magkaayos tayo. Hindi ako katulad ng iba naming mga kaibigan, Sheena. Naiintindihan kita at sa nakikita ko sa inyo, alam kong mahal na mahal niyo ni Gian ng isa't-isa."
"Do I need to believe you?" sarkastikong tanong niya dito.
Umiling ito at ngumiti sa kaniya. "Alam kong alam mo sa puso mo na totoo ang mga sinabi ko." Tumayo na ito. "I have to go, a-attend ako sa kasal niyo." Sabay pakita nito ng invitation na hindi pa niya nakikita. Ibig sabihin ay nagplano na talaga si Gian. Somehow, gumaan ang pakiramdam niya sa mga sinabi ni Hennesy. Nasagot ang mga tanong niya kung kailan siya unang minahal ni Gian. Kung kailan unang tumibok ang puso ni Gian para sa kaniya.
YOU ARE READING
Memories of Love-Completed
RomanceNaging maganda ang bunga ng pagpapakasal nina Sheena at Gian kahit na isang arranged marriage lamang iyon. Unti-unti nilang naramdaman ang pag-ibig sa isa't-isa. Kaya naman sobrang natuwa si Sheena nang malaman na magkakaroon na sila ng anak ni Gian...