"Shane!" tawag ni Sheena sa anak. Ang bilis ng panahon. Tatlong taon na ang lumipas at halos hindi siya makapaniwalang malaki na ang anak niya. Napakabibo nito. Akala mo ay matanda na kung makipag-usap sa kanila ni Gian. Nakikipaglaro ang anak kay Gian. Ngunit sa pagtawag niya ay sabay ang mga itong tumakbo palapit sa kaniya. Nagpaligsahan yata ang mag-ama kung sino ang mauunang makakalapit sa kaniya. Sad to say, nauna si Shane na sinadya ni Gian.
Pagkalapit na pagkalapit ni Shane sa kaniya ay agad itong humalik sa kaniya. Iyon yata ang pustahan ng mga ito. "I won!" tuwang-tuwang sambit ng kaniyang anak.
"You're just lucky." Kunwaring hinihingal pang sabat naman ni Gian at sinamahan pa nito ng paglabi.
Natawa na lamang siya sa kaniyang mag-ama. Sobra-sobra ang regalong natanggap niya sa Diyos simula nang humingi siya ng tulong dito. Siya na siguro ang pinakamasayang babae sa mundo dahil buo at masaya ang kaniyang pamilya. Minsan nagkakaroon sila ng tampuhan ni Gian ngunit normal lang naman iyon sa mag-asawa. At kapag nangyayari iyon, makita lamang nila ang bunga ng lahat ng kanilang pinagdaanang sakit ay kusa silang napapatitig sa isa't-isa at mapapangiti na lamang.
"Kiss Daddy, Mommy. Hindi naman po ako bad. Share nalang kami ni Daddy sa kiss mo, Mommy." Inosenteng sabi ni Shane. Kulang nalang ay pupugin niya ito sa halik. Kamukhang-kamukha nito si Gian. Pero 'pag ngumiti ay hawig sa kaniya.
"Sure, Baby." Aniya at bumaling kay Gian na akala mo kawawang bata ang hitsura. Natawa na lamang siya. "Ano? Ayaw mo? Kung hindi lang hiniling ng baby ko..." hindi na siya pinatapos ni Gian at hinalikan na siya nito sa labi.
"Dami pang sinasabi." Anito sabay kindat sa anak. Tumawa naman si Shane at nakipag-high five pa kay Gian.
"Like father, like son nga." Nasabi na lamang niya.
WAKAS
YOU ARE READING
Memories of Love-Completed
RomanceNaging maganda ang bunga ng pagpapakasal nina Sheena at Gian kahit na isang arranged marriage lamang iyon. Unti-unti nilang naramdaman ang pag-ibig sa isa't-isa. Kaya naman sobrang natuwa si Sheena nang malaman na magkakaroon na sila ng anak ni Gian...