Chapter 7

1.5K 24 0
                                    

Sobrang saya ni Sheena. Sa wakas ay makakauwi na rin sila sa bahay nila. As in bahay nilang dalawa ni Gian. Dininig din ng Diyos ang mga panalangin niya at excited na siyang pagsilbihan ang asawa. Babawi siya dito. Miss na miss na niya ito.

"What do you want to eat, Gian? I'll cook for you." Masayang sambit niya dito. Mukhang naninibago pa si Gian sa mga nangyayari. Naiintindihan niya iyon since galing ito sa isang parang mahabang pagkakatulog dahil sa pagkawala ng memorya nito. "Just stay here, don't stress yourself." Aniya at ngumiti. Aalis na siya at tutungo sa kusina nang pigilan siya nito. Nagtatakang bumaling siya dito. May kakaibang damdamin ang lumukob sa pagkatao niya ngunit hindi niya iyon maintindihan. Hindi siya maaring mag-isip ng kung ano dahil maayos na sila ni Gian. Hindi na siya puwedeng magdesisyon nang siya lamang ang nakakaalam.

"You're pregnant so don't stress yourself, too." Masuyong anito saka siya nginitian ng matamis. There, nawala ang kung anumang pangamba sa kaniyang puso dahil sa sinabi nito.

"I'm okay. Magpapatulong naman ako kay Manang." Aniya to assure him she's really okay. Ayos lang talaga siya dahil sobrang saya niya. Hindi niya alam kung hanggang saan ang sayang nararamdaman niya ngayon. Kompleto na sila. Isa na silang pamilya.

Masaya siyang nagluto kasama ang kanilang katulong. Nagluto sila ng Kare-kare at gumawa din siya ng desert nilang graham cake. It was like the first time she cooked for Gian. Ngunit ngayon, sisiguruhin niyang matitikman na nito ang niluto niya.

Nang makapaghain sila sa hapagkainan ay masaya siyang umakyat sa kanilang silid upang tawagin si Gian. Nakita niyang tulog ito. Hindi sana niya ito gigisingin ngunit nang pag-upo niya sa paanan ng kama ay siya namang pagmulat ng mga mata nito. Ngumiti ito sa kaniya at iniangat ang kamay. Tinanggap niya ito at mahigpit iyong hinawakan. Nakaramdaman siya ng init na bumalot sa kaniyang katawan. Oh no, not now. Is this part of being pregnant? The hormones?

"Sheena..." anas nito sabay halik sa likod ng kaniyang palad. Napakislot siya sa dulot nitong kiliti sa kaniyang katawan.

"Ah, dinner is ready, Love." Pagwawala niya dito. Ewan niya pero parang katulad siya noong una palang na magparamdam si Gian sa kaniya. Natawa naman si Gian sa kaniya at bumangon na ito.

"Let's go." Anito at nauna ng tumayo at dumeretso ng lumabas ng silid. Napasabunot naman siya sa kaniyang buhok. What is really happening? Hindi ba at miss na miss na niya ang kaniyang asawa? Pero bakit ganito ang nararamdaman niya?

"Ugh!" padabog siyang tumayo at lumabas na rin ng silid. Naabutan niya si Gian na prenteng nakaupo sa hapag. Hindi pa ito kumakain at mukhang hinihintay siya. Lumingon ito sa kaniya at ngumiti sa kaniya. Ah, his smile. Sobrang miss na nga niya ito.

"Kanina pa ako natatakam na tikman..." ibinitin pa nito sa ere ang sasabihin kaya mas lalong nag-init ang mukha niya. Nakita pa niyang ngumiti ito ng nakakaloko bago itinuloy ang pagsasalita. "...ang luto mo pero gusto ko sabay tayong kakain. Tayong tatlo." Anito sabay baling sa tiyan niyang wala pa namang umbok. It feels good to know that he is happy having his child with her. Kailangan nga lang niyang kumalma.

"Let's eat." Iyon lang at siya na ang nagsandok ng kanin para dito. Nang matapos malagyan ng kanin at ulam ang pinggan ni Gian ay doon palang siya umupo at nang magsasandok na siya nang para naman sa kaniya ay naunahan siya ni Gian.

"I should be the one serving you. Buntis ka at hindi ka dapat nai-stress." Anito habang naglalagay ito ng kanin sa kaniyang pinggan saka nito isinunod ang ulam. Lumunok muna siya ng laway saka nagsalita.

"Hindi ka pa tuluyang magaling kaya ayos lang. Hindi naman nakaka-stress ang mga ginagawa ko. At saka, tinutulungan naman ako nina Manang." Tukoy niya sa kanilang mga katulong na ngayon ay nagsasalin ng juice sa kanilang mga baso. Hindi pa niya namalayan na naroon ang mga ito.

Memories of Love-CompletedWhere stories live. Discover now