Chapter 8

1.6K 29 0
                                    

Medyo nawawala na ang pagsusuka ni Sheena tuwing umaga. Matatapos na kasi ang first trimester ng kaniyang pagbubuntis. Mababawasan na ang hirap niya tuwing umaga. Naaawa na rin kasi siya kay Gian. Nagigising din kasi ito kahit na alam naman niyang puyat ito lagi at pagod sa trabaho ngunit sabi naman nito ay ayos lang. Obligasyon daw nito iyon bilang asawa niya. Nakakataba ng puso. Ang sarap sa pakiramdam na may nag-aasikaso sa kaniyang tulad ni Gian. Napakaswerte niya dahil ito ang kaniyang naging asawa.

"Kain na." nanlaki ang mga mata niya nang makita si Gian na naka-topless at tuwalya lang ang takip nito sa pang-ibaba ng katawan nito. Napalunok pa siya ng laway niya. Simula kasi nang maaksidente ito at hindi siya maalala at kahit na nang maalala na siya nito ay hindi pa rin nila nagagawa ang dapat ay ginagawa ng mag-asawa. Muli siyang lumunok ng laway at dahan-dahang lumapit dito.

"Ah, n-nakaligo ka na." alangan siyang ngumiti. Ano ba 'to, para naman ako birhen ne'to." Anang isip niya. Bigla ding bumilis ang tibok ng puso niya nang ngumiti ito ng matamis at ipagsandok siya nito. Napapikit pa siya nang maamoy niya ang bagong ligo nitong amoy. The after shave scent. Tapos na siya sa paglilihi ngunit bakit parang ngayon palang siya nagsisimulang paglihian ang amoy ni Gian? O matagal na siyang naglilihi sa amoy nito at ngayon lang talaga niya inamin sa sarili niya?

"Kakain tayo..." tumaas yata lahat ng balahibo niya sa katawan nang maramdaman niya ang labi ni Gian na dumampi sa kaniyang tainga dahil sa pagbulong nito. Mas lalo siyang nakaramdam ng init sa katawan sa ginawa nito. So, he is seducing her. Hmm...kailangan niyang kontrolin ang kaniyang sarili. Dapat ay siya ang nang-aakit dito. Nilingon niya ito at konting-konti na lang ay magdidikit na ang kanilang mga labi. Naamoy pa niya ang mabango nito hininga. Ngumiti siya dito at hinaplos pa ang pisngi nito. Goodness gracious, may date pa sila ngayong araw.

"Yes, Love. Kakain na tayo." Iyon lang at bumaling na siya sa pagkain. Narinig niya ang buntong-hininga nito na siyang nagpangiti sa kaniya. Better. Siya dapat ang nang-aakit, hindi iyong siya ang inaakit.

"Fuck..." nang marinig niya iyon ay bigla na lamang siyang hinalikan ni Gian. Mapusok at mainit na halik. Animo ay ilang taong hindi nakahalik. Sabik na sabik sa bawat pagdampi ng labi nito sa labi niya. "I love you, Sheena." Anas nito sa pagitan ng mga halik nito. Ngunit natigil sila nang may kung anong nabasag. Agad silang napatingin sa pinanggalingan ng ingay. Si Manang Siling na dali-daling pinupulot ang mga nagkalat na bubog. "Damn it! Manang, huwag ang kamay mo ang gamitin mo para sa pagpulot ng mga bubog." Halata sa boses ni Gian ang pagka-dismaya.

Natawa na lamang siya. "Ah, Manang Siling. Okay lang ho, kumuha ka na po ng dust pan at walis." Nag-angat ng tingin ang matanda. Ito pa ang nahihiya samantalang sila dapat ni Gian ang mahiya dahil sa ginagawa nila.

"P-pasensiya na po." iyon lang at nagmamadali na itong umalis. Nang binalingan niya si Gian ay kitang-kita niya ang frustrated nitong mukha.

"C'mon, let's eat. May date pa tayo, 'di ba?" Natatawang sambit niya. Wala naman ng nagawa pa si Gian kundi ang maupo at kumain na lamang. Bumalik naman si Manang Siling na may dala ng walis at dust pan. Nilinis nitong mabuti ang mga bubog bago sila nito iniwan.

"Don't try to seduce me again. Dahil kahit saan at kahit may istorbo pa, hindi ko na titigilan," May pagbabantang saad ni Gian sa kaniya. Doon na tuluyang kumawala ang kanina pang tawang pinipigilan dahil hindi mawala sa isip niya ang nangyari. "I'm serious, Mrs. Sheena Martinez." Nakagat niya ang pang-ibabang labi upang mapigilan ang pagtawa nang makitang seryoso nga ito. Kung nagkataon ay itutuloy pa rin talaga nito iyon kahit na may tao ng nakakakita. Nakakahiya iyon.

Ngunit kahit na ano'ng pigil niya ay may kumakawala pa ring impit ng tawa sa kaniyang bibig kaya naman napatili na lamang siya nang tumayo at mabilis siyang binuhat ni Gian paakyat sa ikalawang palapag.

Memories of Love-CompletedWhere stories live. Discover now