"Thank you." Nakangiting sambit ni Gian matapos niya itong mapainom ng gamot. Ngali-ngali niya itong yakapin ngunit hindi niya iyon puwedeng gawin.
"It's my job so don't thank me." Nakangiti ding turan niya dito habang inaayos niya ang mga ginamit.
"Still, I want to thank you. I don't know but, it's weird. I feel like I have known you for a long time." Nagugulahan na sambit ni Gian na siyang nakapagbigay sa kaniya ng pag-asa.
Matamis siyang ngumiti dito. "Well, for that. I'll take it as a compliment. At least hindi sasakit ang ulo ko sayo." Nakuha pa niyang magbiro dito.
Natawa ito sa sinabi niya. Parang pinipiga ang puso niya dahil simula noong maaksidente ito, ngayon nalang na naman niya ulit narinig ang tawa nito. Pilit niyang pinigilan ang luhang nabubuo sa kaniyang mga mata. Baka kung makita siya nitong umiiyak ay kung ano pa ang isipin nito at tanungin siya nito kung ano ang problema. "I promise, hindi sasakit ang ulo mo sa akin. I'll be a good boy." Biro pa nito.
"At dahil diyan, kailangan mo ng magpahinga. Bukas, maglalakad tayo sa village niyo para ma-exercise ang mga buto mo." Aniya at sa wakas ay natapos na rin niyang maayos ang mga ginamit niya.
"Yes, Ma'am." Anaman ni Gian at sumaludo pa ito. Ngumiti siya dito at akmang lalabas na sana ng silid nito nang tawagin siya nito. "Sheena..." bigla tuloy bumilis ang tibok ng puso niya dahil sa pagbanggit nito sa pangalan niya. Parang may malamig na kamay ang humaplos sa puso niya dahil doon. Ilang linggo na din na hindi nito binabanggit ang pangalan niya.
"May kailangan ka pa?" tanong niya dito nang lingunin niya ito. Nakagat pa niya ang kaniyang labi.
"Ah, nothing." Parang naguguluhan ito na hindi niya maintindihan. Pagkasabi nito niyon ay humiga na ito. Hindi na rin naman siya nagsalita at lumabas na lamang sa silid nito.
Hindi niya maintindihan ang kaniyang sarili. May pakiramdam talaga siyang hindi niya lang personal nurse si Sheena pero hindi niya maalala kung ano ang totoong papel nito sa buhay niya. "Iba ang pakiramdam ko sa tuwing nasa malapit ka. Isa ka ba sa mga hindi ko matandaan na nangyari sa buhay ko gaya ng aksidenteng nangyari sa akin?" mga tanong na hindi niya mahanapan ng sagot. Dahil sa tuwing nag-iisip siya at pinipilit na may maalala ay kumikirot lamang ang ulo niya at bigla siyang nahihilo.
He knows. Na mayroon siyang amnesia. Kahit na ayaw sabihin sa kaniya ng kaniyang pamilya ay ramdam niya sa mga kilos ng mga ito na mayroon silang itinatago sa kaniya. At 'di rin sinasadyang marinig niya noon ang kaniyang doctor at kaniyang ina na nag-uusap sa loob ng kaniyang silid dahil ang akala ng mga ito ay tulog siya. Ngunit ang hindi niya maintindihan ay kung bakit may iba siyang pakiramdam sa personal nurse niya. Iba ang tibok ng puso niya kapag ito ang kasama niya. At alam niyang hindi iyon normal.
Nag-aayos si Sheena sa silid ni Gian ng mga gamit nito. Nakatalikod siya sa kama nito kung saan ay mahimbing pa rin itong natutulog. Kaya naman nagulat na lamang siya nang magsalita ito.
"You're married." Hindi iyon tanong. Nang tingnan niya ito ay nakita niyang nasa likod na pala niya ito at nakatitig sa kamay niyang may suot na singsing. Napatingin tuloy siya sa kaniyang singsing. Itinago niya ang singsing ni Gian. Ibinigay kasi iyon ng Doctor sa kaniya sa Ospital nang araw ding maaksidente ito.
Tumango siya dito at ngumiti. "Yeah." Iyon lang ang nasabi niya. Ano ba ang dapat niyang sabihin?
Ngumiti ito. "Happy?" hindi niya alam kung bakit biglang nagtanong nang ganoon si Gian. May naaalala na ba ito? Sabagay, may nabasa kasi siya na ilang oras lang na nawalan ng memorya matapos ang isang aksidente. May isa din namang hindi na talaga bumalik ang alaala nito. At iyon ang ipinapanalangin niyang huwag mangyari kay Gian.
BINABASA MO ANG
Memories of Love-Completed
RomanceNaging maganda ang bunga ng pagpapakasal nina Sheena at Gian kahit na isang arranged marriage lamang iyon. Unti-unti nilang naramdaman ang pag-ibig sa isa't-isa. Kaya naman sobrang natuwa si Sheena nang malaman na magkakaroon na sila ng anak ni Gian...