Nauna siyang nagising kinabukasan. At dahil sa mahimbing pa ang tulog ng asawa at ayaw niyang maistorbo ito ay hindi na niya muna ito ginising. Baka maging dahilan pa iyon ng pag-aaway muli nila imbes na maayos na silang mag-asawa. Well, hindi pa totally ayos dahil wala pa naman silang pag-uusap nito pagkatapos ng nangyari kagabi pero in-assume na niya sa sariling ayos na sila ni Gian.
Bumaba na siya ng hagdanan upang siya na sana ang maghanda ng agahan nila ni Gian ngunit hindi pa man siya tuluyang nakakababa ng pinakahuling baitang ng hagdan ay bumungad na sa paningin niya ang bulto ng babaeng ayaw na sana niyang makita.
"Good morning." Bati pa nito. Ang kapal ng mukha! Sa isip-isip niya. Nakita pa niya itong matamis na ngumiti. Nagtaas siya ng tingin na animo'y nagmamalaki bago tuluyang bumaba ng hagdanan. Dumiretso siya sa sofa ng kanilang sala at doon naupo. Iminuwestra niya ang katapat na couch at doon pinaupo si Hennesy.
"It's just six in the morning. Maaga ka masyado kung may usapan kayo ng asawa ko." May diin ang pagkakasabi niya sa huling dalawang salita. "Tulog pa si Gian." Kahit na mukha siyang matapang sa hitsurang ipinapakita niya sa babae ay para pa ring may nakadagang isang sako ng bigas sa dibdib niya dahil para siyang pinapangapusan ng hininga. Narito ngayon ang babaeng unang babaeng minahal ni Gian at hindi pa siya sigurado kung mahal na nga talaga siya ng asawa.
"Hindi si Gian ang sadya ko, Sheena. It is you I want to talk to." Natigilan siya at napatitig kay Hennesy. At ano naman ang sadya nito sa kaniya? Papakiusapan siya nito na hiwalayan na niya si Gian? Ngayon pa? Ngayon pa kung kailan may kung ano'ng pag-asa na siyang nakikita sa relasyon nila ni Gian?
"About what?" iyon lang ang kinaya niya itanong kahit na napakaraming mga tanong ang tumatakbo sa isip niya ngayon. Pero gusto muna niyang malaman kung ano nga ba talaga ang sadya nito sa kaniya at napakaaga pa nitong nagpunta sa kanilang tahanan. Maaari rin namang i-text na lamang siya nito at makipagkita sa isang lugar kung saan wala ang kaniyang asawa ngunit bakit dito pa? Ano ba talaga ang gusto ng babaeng ito?
Bago ito magsalita ay nakita niya itong humugot ng malalim na buntong-hininga. Umayos pa ito sa pagkakaupo bago nito iangat ang kaliwang kamay nito. Napasinghap na lamang siya nang mapagtanto ang ibig nitong ipahiwatig. Naroon kasi sa isang daliri ni Hennesy ang isang sing-sing na mayroong maliit na Kristal sa gitna. Ang ibig noong sabihin ay engaged na ito. Kanino? Kay Gian? Pero kasal pa sa kaniya si Gian. Ibig bang sabihin n'on ay nangako na si Gian dito ng kasal kaya nito binigyan ng engagement ring si Hennesy? Muling nabuhay ang sakit sa kaniyang puso nang mga sandaling iyon hanggang sa hindi na niya napigilan pa ang pagdaloy ng kaniyang luha.
Iniiwas niya ang tingin kay Hennesy nang makitang bigla itong nataranta. Alam niya, kahit kailan ay walang patutunguhan ang pagmamahal niya kay Gian dahil iisang babae lamang ang itinitibok ng puso nito at si Hennesy iyon.
"Sheena, it's not what you think." Natigilan muli siya sa sinabi nito. Nagagalit siya dito. Ano pa ba ang dapat niyang isipin? Ipinapamukha na nito sa kaniya na hindi siya ang pinipili ni Gian. Wala naman siyang magagawa doon. Hindi naman natuturuan ang puso kung sino ang dapat nitong mahalin. Dahil kung ganon nga, dapat ay pinigilan na niyang mahulog siya sa kaniyang asawa.
"Then what? Ano pa ba ang gusto mong sabihin?" she burst out. Hindi na niya napigilan ang sariling hindi magtaas ng boses. Naiinis siya sa sarili kung bakit nai-insecure pa rin siya kay Hennesy samantalang siya naman na ang legal na asawa.
"Gian was just my friend. My bestfriend," Napatitig siya dito, ang alam lang niya ay nakipag-hiwalay si Gian kay Hennesy bago ang kanilang kasal. Dapat na ba siyang magsaya? Pero para saan at nagpunta ito ngayon dito? Ngumiti ito sa kaniya at tumayo na. "I just want to invite the both of you to my wedding." Iyon lang at iniwan na siya nitong natutulala.
YOU ARE READING
Memories of Love-Completed
RomanceNaging maganda ang bunga ng pagpapakasal nina Sheena at Gian kahit na isang arranged marriage lamang iyon. Unti-unti nilang naramdaman ang pag-ibig sa isa't-isa. Kaya naman sobrang natuwa si Sheena nang malaman na magkakaroon na sila ng anak ni Gian...