Chapter 9

1.6K 29 0
                                    

Agad na sinundan ni Gian si Sheena. Kinabahan siya. Paano kung mangyari ang nasa panaginip niya? Dati akala niya ay naaaliw lamang siya kay Sheena. Noong unang makita niya ito sa ospital at pilit niyang inaalala kung ano ang koneksyon nito sa buhay niya ay nakaramdam na siya ng kakaibang damdamin para dito. Nang sinabi sa kaniya na ito ang kaniyang magiging personal nurse ay nakaramdam siya ng excitement. Hindi niya noon maintindihan kung ano ang mga damdaming nabubuhay sa tuwing nakikita niya ito ngunit alam niyang natutuwa siya kapag nakikita niya ito lalo na ang kimi nitong pagngiti.

Nang nagsabi itong magbabakasyon muna kahit isang araw lang ay iba ang naramdaman niya. Uuwi daw ito ng bahay nila ng asawa nito. Nainis siya noon. Hindi niya alam kung bakit kaya hindi niya ito kinibo hanggang sa makaalis ito. Naroon ang kaniyang Mommy noon. Mag-isa siyang bumaba at kukuha sana ng makakain sa opisina nang marinig niya ang kaniyang Mommy na may kausap sa telepono at tungkol ito kay Sheena. He then realize that they were talking about him and Sheena, being husband and wife. Na masyado ng nai-stress si Sheena dahil sa kalagayan niya.

Nang marinig niya iyon ay nagmamadali siyang bumaba ngunit nagkamali siya ng tapak sa isang baitang ng hagdanan na naging dahilan kung bakit siya isinugod ng kaniyang Mommy sa ospital sa pag-aalala. He then insist to tell him the whole story between him and Sheena. How did they met and when did he finally proposes a marriage to her.

'You didn't propose to her. It's a fixed marriage, Gian.' Iyon ang sinabi sa kaniya ni Daniel. That time, Daniel was her boyfriend.

Hindi niya alam kung kailan at kung paano nangyaring minahal siya ni Sheena but knowing that she really love him, hindi na mahalagang malaman kung paano nangyari, ang mahalaga ay mahal siya nito. But him, alam niyang dati pa ay baliw na baliw na siya dito. Kung hindi pa nasabi sa kaniya ni Hennesy ang mga kabaliwan niya dati kay Sheena ay hindi niya maiintindihan kung paanong siya ang napangasawa ni Sheena.

"Sheena, please. Open the door. Let's talk...please..." gusto mang buksan ni Sheena ang pinto ay hindi maaari. She was betrayed. And it hurts a lot. Ilang beses ba siyang makakaramdam ng sakit? Sakit dahil pakiramdam niya ay isang rejection na naman sa pagkatao niya ang ginawa nilang pagsisinungaling.

Siya ang asawa pero siya ang huling nakaalam na maaaring hindi na gagaling si Gian. Na kailanman ay hindi na siya maaalala pa nito. Paano na siya? Paano sila ng anak niya kung hindi na siya maaalala pa ni Gian? Kung kailan siya unang minahal nito?

"Sheena..." napatingin siya kay Gian nang mabilis itong dinaluhan siya. Nabuksan na pala nito ang pinto. Naroon sa labas ang kanilang mga magulang maging si Daniel. "...I'm sorry." Tiningnan niya ito. Trying hard to make him remember her. Kung kaya lang niya. Kung may kapangyarihan lang siya.

"You don't know me, right? Hindi mo alam kung kailan at kung saan tayo nagkakilala? At kung paano mo na-realize na mahal mo ako?" umiling ito. Doon mas lalong dumami ang parang mga karayom na tumutusok sa kaniyang puso.

"Hindi ko matandaan. Pero ang puso ko, kilala kung sino ka sa buhay ko." Gusto niyang paniwalaan ang mga sinasabi ni Gian ngunit narinig niya mismo ang sinabi nito na hindi na nito kaya. At ginagawa lamang nito iyon dahil pinakiusapan ito ng mga magulang niya. Paano siya makakasiguro na totoo nga ang sinasabi nito ngayon? Nagsinungaling sila sa kaniya at naniwala siya. Pero ngayon, may totoo pa ba sa mga sinasabi nila?

"Nagpanggap ka. At kayang-kaya mo pa ring magpanggap na may nararamdaman ka nga sa akin dahil napaniwala niyo ako na may naaalala ka na." napahagulgol na siya. Hindi niya lubos maisip na lahat ng inakala niya ay wala palang katotohanan. "Naiintindihan ko kayo na inaalala niyo ang pagdadalantao ko. Pero sana inalala niyo din na ako ang asawa. Na may karapatan akong malaman ang totoong sitwasyon ng asawa ko. Na maaaring hindi na pala ako maalala pa ng taong mahal ko." Baling niya sa mga magulang. Napasigaw na siya dahil iyon lang ang alam niyang paraan upang mabawasan ng kaonti ang bigat na nararamdaman ng kaniyang puso. Hinila naman siya ni Gian at niyakap ng mahigpit.

Memories of Love-CompletedWhere stories live. Discover now