"Remember this, Sheena. Hindi ako magpapakasal sa'yo dahil gusto kita o may pagtingin ako sa'yo. Magpapakasal ako para maisalba ang kompaniya ninyo. I know it's not reasonable dahil puwede naman na ang kapatid ko nalang ang pakasalan mo pero ako ang magma-manage ng kompaniya namin kapag nag-retire na si Dad. At walang interes si Kuya sa kompaniya. So you better not expect me to love you just what our parents wants us to be."
Nginitian niya ito ng matamis. Pareho lamang sila ng dahilan. It is all for business. "Don't worry. Pareho lamang tayo ng dahilan. At kapag kasal na tayo, malaya nating gawin ang mga gusto nating gawin dahil hindi ako magde-demand ng kahit ano kahit na asawa mo na ako." Sagot niya dito.
Ngunit lahat ng sinabi ni Sheena dito ay parang hanging nawala. Dahil sa paglipas ng mga araw, kahit pa hindi sila magkasama sa iisang silid ay unti-unti niyang natututunan na mahalin ang asawa.
"What's for dinner?" tanong ni Gian. Kakarating lamang nito galing sa trabaho. Simula noong makasal sila ay ibinigay na dito ang responsibilidad sa kompaniya nila.
Nilapitan niya ito at kinuha ang Coat nito. "Nagluto ako ng Sinigang na Baboy. How's your day, Love?" nagulat siya sa nabitawang salita. Kung siya nagulat, mas nagulat si Gian. Hindi niya alam kung ano ang idadahilan sa nabitawang salita kaya kinagat na lamang niya ang kaniyang pang-ibabang labi saka siya yumuko at naglakad paalis sa harapan nito. Ngunit hindi pa man siya nakakalayo dito ay nagsalita na ito.
"What did you just call me?" tanong nito.
Hindi niya alam kung lilingon ba siya at sasagutin ang tanong nito o magkukunwaring hindi niya ito narinig at dideretso sa itaas at magkukulong na lamang siya sa kaniyang silid dahil sa kahihiyan. Sa huli ay mas pinili niyang harapin ito at sagutin ang kung anuman ang tinanong nito. "Ah, sorry. Hindi na mauulit. Sige na, nakahain na ako. Susunod ako sa kusina." Aniya na hindi naman sinagot ang tanong ng asawa.
Nakita niya pa ang pagkunot ng noo nito bago siya tumalikod at nagmadaling umakyat sa taas. Pagdating niya sa kaniyang silid ay agad siyang dumapa sa kama. Nadaganan pa niya ang hawak-hawak niyang coat nito.
"My gosh, bakit ba kasi hindi ka nag-iingat?" sita niya sa sarili. Hindi niya alam kung kailan nagsimula ngunit sa tuwing nakikita niya ang asawang kasama ang nobya nitong si Hennesy ay parang gusto niyang sugurin ang mga ito at sabihing, 'ako ang asawa'. Pero may usapan sila ni Gian kaya kailangan niyang tuparin iyon. Pero habang tumatagal ay mas lalo siyang nasasaktan dahil alam niya na hindi masusuklian ni Gian ang damdaming unti-unting lumalalim sa kaniyang puso.
Akala ni Sheena ay maaga na siyang nagising. Ngunit mas maaga pa palang nagising ang asawa niyang si Gian. Kagabi matapos ang kahihiyang ginawa niya ay tahimik na lamang silang kumain ni Gian. Hinintay naman siya nito ngunit nakakabinging katahimikan naman ang namayani sa kanilang dalawa. Ngayon naman ay naunahan siya nitong magising at pagbaba niya ng hagdanan ay nakita niya itong masayang nakikipag-kuwentuhan sa nobyang si Hennesy. Yes, wala pa ring balak si Gian na hiwalayan ang nobya nitong si Hennesy at wala siyang magagawa doon. May usapan sila at kailangan niyang tuparin ang usapan na iyon. Ngunit siya, hindi na niya magagawa iyon sa sarili niya dahil nahulog na siya ng tuluyan sa asawa.
Nakatalikod si Gian sa kaniya dahil nakaharap ito kay Hennesy. Nang makita siya ni Hennesy ay bigla itong tumahimik at umupo ng maayos. Nang mapalingon sa kaniya si Gian ay bigla siyang kinabahan dahil may kakaiba siyang nakitang emosyon sa mga mata ni Gian, hindi niya matagalan ang tingin nito kaya naman nagbaba na lamang siya ng tingin at tumuloy sa may kusina upang tulungan ang katulong para maghanda ng agahan. Masakit. Pero pumayag siya sa ganitong set up nila ni Gian. Pero tama pa ba na sa mismong bahay nilang mag-asawa? Puwede namang sa ibang lugar. Para kasing may mga kamay na pumipiga sa puso niya at halos hindi na siya makahinga dahil sa sakit. May karapatan siyang paalisin ito, ngunit ayaw naman niyang magalit sa kaniya si Gian. Anong katangahan ang ginagawa ko ngayon? Martyr na din ba siya?
YOU ARE READING
Memories of Love-Completed
RomanceNaging maganda ang bunga ng pagpapakasal nina Sheena at Gian kahit na isang arranged marriage lamang iyon. Unti-unti nilang naramdaman ang pag-ibig sa isa't-isa. Kaya naman sobrang natuwa si Sheena nang malaman na magkakaroon na sila ng anak ni Gian...