{ Chapter 1: }
“Anak, bangon na, kahit na may lagnat ka eh kailangan mo paring tumayo diyan. Entrance exam mo na ngayon para sa kolehiyo.” ‘yan ang mga salitang narinig ko sa nanay ko ngayong umaga.
“Ugh, yes ma. Eto na po tatayo na.” pag sangayon ko nalamang.
“Oo sige, dalian mo na diyan, maligo ka na’t bumaba ka nalang para sa umagahan mo.” sabay alis nalang. Siguro naghanda na ‘yun ng umagahan ko.
Agad nalamang akong naligo’t nagbihis na ng civilian. T-shirt at jeans lang ang suot ko, simple lang at isa pa tinatamad parin ako dahil may lagnat nga ako.
Ang sarap nang hinanda ni mama para sakin. Scrambled egg at hot dog, may pandesal pa. Kaya nama’y ginawa kong palaman ‘yung hot dog.
"Ma, sige po mauuna na ako." pagpapaalam ko pagkatapos kong kumain
"Oh sha, magiingat ka." sabi niya sabay hinalikan ako.
Nagmadali na akong pumara ng tricycle at sumakay na doon pagkatapos, mala-late na rin kasi ako, lalo pang naging haggard ang itsura ako dahil mahangin sa labas, na iyon ang dahilan kung bakit nagkagulo ang buhok ko, 'yung tipong sinabunutan ako ng bakla.
Maya-maya pa'y nakarating na rin ako ng kolehiyong papasukan ko. Malaki ang school grounds, nakakita pa ako ng basketball court kanina at dahil late na ako agad akong pumunta sa lobby at nagtanong sa guard kung nasaan ang mga nag ta-take ng extrance exam para sa kursong Education, na agad naman niyang tinuro.
Dire-diretso akong pumasok at nakakita ng bakentang upuan na malapit sa teacher's desk. mga siguro dalawa o tatlong upuan ang pagitan. Buti nalang at medyo maaga pa ako kahit papano, siguro mga lima o sampung minuto rin bago dumating 'yung assigned teacher sa room namin.
"Okay, keep your reviewers and lets start your exam, goodluck." agad nitong tugon pagkapasok niya sa room at hayun na nga, nag simula na ang exam.
I wrote my name. "Arene Chanel Ramos" At tska nagsimula.
Habang nag e-exam eh biglang nahulog 'yung folder ko pero hinayaan ko nalamang iyon dahil nasa gitna ako nang pagiisp sa sasagot sa isang numero.
"Ah, miss folder mo." napalingon ako doon sa lalaking nagsabi noon nang mapahinto ako.
Di ko mapapagkailang gwapo siya, matangkad, maganda ang mata, mahaba ang pilikmata, matangos ang ilong at mapula ang labi. Moreno siya. Talagang gwapo.
Nawala na yata ang lagnat ko.
"A-ah miss?" sabi nito, nagtataka siguro kung bakit napako ang tingin ko sakanya
"Ay, o-oo salamat." at tska ko siya nginitian.
Nag simula na ulit akong sumagot pero na co-concious ako sa mga magagawa kong facial expressions habang nagiisip dahil pag nakita niya iyon ay malaking ekis ang makukuha ko galing sakanya.
Pagkatapos kong mag exam ay napalingat-lingat muna ako para makita kung saan siya nakaupo at nang makita ko siya, namula ako bigla. Halos nasa likuran ko lang pala siya, diagonally nga lang at nakatingin rin 'to saakin. Nginitian ko nalang siya noon tska pinasa ang exam paper.
Pagkalabas ko ng room na iyon ay agad pumora ng isang ngiti ang mga labi ko, para bang kinikilig ako kahit wala namang dapat ika-kilig.
Naglibot-libot na rin muna ako bago ako umuwi. Maganda ang sahig ng school, tiles na, halatang moderno na at ang ganda rin ng kulay ng mga ding-ding, puro kulay berde, may pagka mint pa. Ang mga classrooms ay may LCD Projector na rin, maganda ang gym, malaki.
May mga tambayan pa roon, maraming benches at may waiting shed pa. Napangiti ako, balang araw pag nakapasa ako dito diyan kami tatambay ng mga magiging kaibigan ko, sabi ko sa sarili at pagkatapos noon ay umuwi na ako.
Pero hanggang ngayon hindi parin matanggal sa isipan ko ang mukha ng lalaking nakita ko kanina. Gwapo't mala-anghel ang mukha.
"Uy Aria, shemay! may nakita akong poging lalaki kanina noong nag e-entrance exam ako para sa kolehiyo." Nakangiti ako habang tina-type ko ang mga 'yan. Pagkauwi ko sa bahay, Chinat ko sa Facebook ang isa sa mga pinakamatalik kong kaibigan na si Aria Jimenez. Best friend ko 'yan, 'yun nga lang eh lumipat ang pamilya na sa Australia.
Nakita ko naman siyang nag type agad. Ayos, online siya.
"Ay, sira ulo ka talaga ang hilig mong mag boy hunting. Hahaha. I miss you bes. :)"
Iyan ang reply niya saakin, napatawa naman ako ng wala sa oras pero tuloy lang ako sa pagchat sakanya at kwinento ko ang nangyari sa araw ko, lalong lalo na dun sa nangyari kanina, sa paglaglag ng folder ko't sa pagpulot niya.
Nagpapantasya nanaman ako ng wala sa oras. Hay, kailan ko uli siya makikita? Sana sa darating na pasukan ay maging kaklase ko siya.
Oh~ how I wanted to see him again.
BINABASA MO ANG
Yesterday's Memory
Romansa{ In the midst of falling, I found out his deepest darkest secret. } [ Disclaimer: iamissinfinite's property, please respect me as the author of this story. Thank you very much. Read, Vote Comment and Promote. ^O^ -ayeejayy ]