7th

53 1 2
                                    

{ Chapter 7: }

Sinundo ako ng alas onse ng umaga ni Alison sa bahay, sabay kaming pumunta ng SM para makipagkita sa magkapatid.

 

Grey shirt, pants at chucks lang ang suot ko, simple lang naman kasi akong babae kaya ganoon lang ako kung magsuot.

 

“Good Afternoon!” bungad ni Terrence

 

Sa grounds ng mall kami nagkita-kita, para madaling magkita-kita.

 

“Walang maganda sa hapon kung ikaw at ang mukha mo ang makikita.” pagtataray ko

 

“Ouch.” aniya, humawak pa sa dibdib ang loko

 

“Pero pag si Rj ang babati ayos lang eh noh?” sabat ni Alison

 

“Mas lalong hindi.” sagot ko at inirapan siya

 

“Ouch.” sabi naman ni Rj, humawak rin sa dibdib.

 

Ano ba ‘tong magkapatid na ‘to?! Natawa nalang ako, si Alison din. Naglakad na kami papuntang Greenwich dahil doon daw kami kakain, nakakatawa nga’t dahil parang by ‘pair’ ang lakad namin, magkatabi kami ni Rj, ganun din sila Alison at Terrence.

 

“Order niyo?” tanong ni Rj.

 

“Wow, ikaw ang mag o-order? Ang gentleman.” ngiting-ngiting sabi ni Alison

 

Kumindat naman si Rj, at nag pogi sign pa, baliw talaga

 

“Kamo gentledog!” sabat ko

 

“Aray! Di naman ako mukhang aso.” he pouted

 

“Yeah you look like one.”

 

“Tama na ang LQ, nagugutom na ako.” sabat ni Terrence

 

Sinabi na namin ang kanya-kanya naming order, at tsaka bumili si Rj, maya-maya pa’y dumating na ang order at kumain na kami.

 

Nagyaya naman mag laro ng 10 questions si Terrence, if I know, gusto lang niyang makilala pa ng lubos si Alison, kaya ang mangyayari, ang nagtanong ang unang sasagot, pangalwa ‘yung katabi niya, so on and so fourth.

 

“First question, nagka boyfriend/girlfriend na ba kayo? at bakit kayo nag break?” tanong ni Alison

 

“Ako, meron isa first love, Nagbreak kami sa kadahilanang hindi magkasundo ang mga kaibigan namin, what’s worse is? minura pa ako.” aniya

 

“Isa palang din, first love din kaso pinagpustahan ako. Wala eh, gago eh.” sabi ko

 

“Isa lang din, first love kaso hindi proud sa akin at binabalewala lang ako.” madiin na saad ni Terrence

 

Yesterday's MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon