13th

23 2 3
                                    

{ Chapter 13: }

“Ang gulooo!” sigaw ko, habang nasa harap ng laptop ko.

Sunday ngayon, at heto ako hindi pa rin makarecover sa mga nangyari kahapon, can you imagine? Almost 100 likes na ‘yung pinost na picture ni Alison and almost 90 plus na ang comments, kung sa Twitter lang ‘yun eh malamang trending na kami.

I kept scrolling hanggang sa maya maya pa, may nag notify nanaman. Dali-dali ko namang binuksan ang facebook ko, laking gulat ko na hindi isa sa mga kausap ko sa comments ang nag comment.

“Karl Jefferson commented on a photo that you’re tagged in.”

Instant namang lumamig ang buong katawan ko, hindi ko alam bakit pero naiilang na rin ako, at parang sumakit yung puso ko. 

With hesitation, binuksan ko na ang picture.

“I hate the fact that you’re with another man, but at the same time happy ‘cause I saw you smiling. Belated Arene.”

Pagkatapos noong comment niya na iyon, sumabog na ang notifs ko dahil ni-like na ng halos buong barangay ang status niya at nagtatanong kung sino siya, noong una hinahayaan ko lang ang mga tanong nila pero I got frustrated kaya sinagot ko silang kaibigan ko lang siya.

Sadly, hindi sila naniwala, paanong kaibigan daw kung ganoon ang comment?

“Ang haba naman ng buhok mo Arene!” Alison commented a few minutes later

“Wow, how’s Karl ate? Ang taray mo naman! Mukhang pogi! naka side view kasi sa profile picture, sayang.” Riezel commented, natawa naman ako sa comment niya.

It’s true, Karl’s handsome. I smiled.

“Lagot ka kay Ryan!” I commented, tsaka tinag si Riezel.

Naligo muna ako pagkatapos noon, since init na init na rin ako at mamaya may lakad pa kami ni mama, every Sunday kasi nag sisimba kami ni mama, nakaugalian na naming dalawa yun, kaya never nawala ang simba sa lakad namin.

“I’m here somewhere, still looking for you. Please look for me too, I miss you so much.”

Iyan ang unang bumungad sa akin pagkatapos ko maligo, a minute ago niya pinost. Ako ba? Ako ba ang sinasabihan niya niyan? ‘cause if it’s me, I guess.. I’ll look for him, pero ayoko ring mag assume at the same time ‘cause I don’t wanna get hurt.

I don’t wanna feel the pain that he left me..

and again, I checked my notifs. Nag comment daw si Rj, dali-dali ko namang pinindot, adrenaline rush noong nabasa ko yung comment niya. Gosh, hihimatayin na ata ako.

“She’s mine, all mine Karl. Whoever you are..” iyan ang sinabi niya.

Nag karoon nanaman ng thread, puro haba daw ng hair ko and such, hindi ko alam pero bakit parang iba na ang sinisigaw ng puso ko sa utak ko? o kundi ganoon, bakit dalawa na ang sinisigaw ng puso ko?

Karl. Rj. Karl. Rj.

Karl. Rj. Karl. Rj.

Karl. Rj. Karl. Rj.

Moments later, Rj called.

“H—hello?” nauutal kong sagot.

“Who’s Karl?” he said, may galit sa boses niya.

I don’t want to assume, we’re not official, he’s not even courting me pero bakit galit siya?

“A friend of mine.”

“Friend? pero ganoon ang sinasabi sayo?!” mataas na ang tono ng boses niya.

“I—I honestly don’t know. He’s Jj’s cousin, kilala mo naman siya diba?” I said

“Y—yes.” biglang humina yung boses niya, every time na binabanggit ko si Jj nagiging ganyan siya.

He knows that he’s my greatest love..

“It’s been a month or two since our first talk, basta inexplain niya lang lahat lahat and after nun constant na ang mga messages niya sa akin, I don’t know.” I said.

“Ganun ba? Alright, I’ll hang up then, sorry for bothering you, I’ll see you tomorrow, bye.”

Without waiting for my answer, he ended our call. When I checked my messages, nag message naman si Karl.

“Jealousy was all over me when I saw that picture.” he said.

“Bakit ka naman magseselos?” I replied

“I told you Arene, I like you so much, I want you so bad. I told you once, I’ll be coming home for you, and I won’t get tired of repeating those words until you sync them in your system.” 

Seen 4:05pm

I didn’t have the strength to reply back. Hindi ko na alam ang gagawin ko, I know I like Rj, but why is that every time I feel Karl’s presence or see his comments and messages, I get confuse and doubt my feelings for Rj.

Hindi pa rin natatapos ang comment thread sa post ni Alison pero hinayaan ko nalang, right before laying in bed to get some rest before we go out. 

I wrote a status..

“Should I choose the sweet person I get to see every day? or the loyal person I haven’t met in person, not even once?” feeling confused—.

Alison Mae Reyes, Ryan Chavez and 10 others commented on your status.

I closed my eyes, hoping that this is just a dream.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 23, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Yesterday's MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon