9th

40 1 0
                                    

{ Chapter 9: }

“Tara Arene! Uwi na tayo!” he exclaimed 

“Sige tara Rj, whew! Nakakapagod ngayon.” pabalik na sabi ko sabay pinahid ang pawis na umaagos sa mukha at noo ko.

Oo, litiral na umaagos. Malapit na kasi ang Intrams at puro practice na ang ginagawa namin, nakakakilig nga eh! Mag ka-team kami ni Rj kaya heto halos parati kaming magkasama.

Ganito na rin ang set-up namin halos isang linggo na, sina Alison kasi may kanya-kanya ring ka-grupo kaya we’re stuck in each others company. Masaya naman eh, so there’s nothing to rant about.

“Rj, nga pala.”

“Oh?” nilingon niya ako

“Ba’t mo pa ako hinintay? Halos dalawang oras din ‘yun ha? Pwede ka namang umuwi na.”

“Dapat ang prinsesa, ganoon trinatrato.”

I felt my cheeks blushed, literal na nahulog ‘yung puso ko sa sahig. Shaks nakakakilig!

“Baliw.” natatawa naman ako, sabay hinampas ‘yung braso niya

“Sus, kinilig ka naman eh.”

“Asa naman Rj! at isa pa, ikaw naman ‘yung alipin.” I laughed

“Okay lang ‘yun, may mga fairytales na nagkakatuluyan ang alipin at prinsesa. Wag ka, si Cinderella nga oh? Alipin lang napangasawa ang prince charming.”

“Ewan ko sayo, ang dami mong alam! Tsaka tunay na mayaman naman si Cinderella eh, hindi naman siya ‘yung basta-basta inalipin lang siya noong mga walanghiyang step mom at step sisters niya.”

“Bakit? Hindi naman sa lahat ng oras prince charming o princess lang ang makakatuluyan ng bida, minsan ang mga extra o alipin sa storya may happy ending din naman.”

Weird, pero naging malungkot ‘yung expression niya, tiningnan ko lang siya habang hinihintay na ipagpatuloy ang sinasabi.

“Ang hirap abutin ng isang pangarap kung ‘yung pangarap na ‘yun nakatingin sa ibang direksyon at para bang napakalayo sa kilingkingan mo para abutin.” he sighed

Nakakaloko si Rj, ano bang iniisip niya?

“Everyone deserves to be happy naman diba?” tanong niya sa akin.

Napatingin naman ako sa kanya, “Oo naman.”

Natahimik lang kami habang naglalakad palabas ng school grounds, malabo pero parang bigla akong nakadama ng lungkot at ganoon din siya, hindi ko alam kung dahil saan pero ang weird talaga.

“Ano ba ‘yan! Ba’t ang tahimik nabibingi ako.” pagbabasag ko ng katahimikan, hindi ako sanay. Ang awkward

Yesterday's MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon