6th

68 2 3
                                    

{ Chapter 6: }

“Arene!” tinawag ako ni Alison

“Oh?”

“Ang init!” Nagpaypay pa siya gamit ang kamay, akala niya effective.

“Mag payong ka.”

Sarcastikong sabi ko sabay inirapan siya, eh ano ba kasing magagawa ko diba?! Mabibigyan ko ba siya nang hangin o lamig?! Tsk.

“Ang sungit neto.”

“Eh ba’t ba kasi kailangan nating sayawin ‘yung Chinese Dance?”

Oo, Buwan ng Wika na’t lahat kami may kanya-kanyang gagawin, kami nila Dianne, Riezel at Alison ay sasayaw ng Chinese dance na may malalaking paypay, ewan ko! Hindi ko gets.

“Cultural kasi.” Biglang sumlpot si Dianne.

“Ang sakit sa ulo noong init eh.” 

Napailing-iling nalang ako sa sinabi ni Riezel, thou I agree, ang init talaga at maarte pa ang nagtuturo sa amin, kailangan maayos daw ang steps bago kami pinagbre-break.

“Hihintayin pa nga yata ni ma’am na may mahimatay bago tayo mag break eh.” Pagmamaktol ko.

“Hashtag, SOBRANG OA.”

Nagtawanan lang kami sa sinabi ni Dianne at sabay sabay nang nagpunta sa canteen, bumili ng pagkain at malamig na tubig para makapagpahinga na rin, isang oras na break at magsisimula nanaman kami.

“May balita ako guys!”

Sabay-sabay kaming tumingin sa katagang sinabi ni Alison.

“Kakanta raw si Rj ng maalalaala mo kaya.”

“Ma’am Charo?” sabat ni Dianne

Nagtawanan naman kami lahat, loko-loko talaga ‘tong mga kaibigan ko.

“Magkwe-kwento raw siya nang isang nakakaluhang kwento.”

“Corny Riezel!” natatawang asar ko sa kanya

“H—hoy grabe ka ha!”

Tumawa lang kami, at nagpatuloy na uli si Alison sa pagkwento.

“Maganda raw boses noon!”

“Amaze ka na niyan?! Hindi mo pa nga naririnig, at isa pa, sino bang nag sabi sayo? baka exaggerated lang ‘yon, alam mo naman maraming fangirls.”

“Laki nang problema mo kay Rj, Arene!” inirapan ako ni Alison

“Tss, denial lang ‘yan kaya ganyan, halata namang gusto niya.” 

Tiningan ko nang masama si Dianne, ayun nag peace sign lang at tumawa ng malakas.

“H—hoy, tigil-tigilan niyo ko please? Hindi ko nga gusto si Rj!” I exclaimed.

“Talagang hindi?”

May isang ngiting asong ibinigay si Terrence pag karating niya, here we go again.

Tumabi ito sa kaliwa ko, katabi naman niya si Alison, paraparaan.

“1,2,3!” sigaw ni Dianne, tumingin siya sa akin at kay Riezel, tumango naman kami parehas, nagkaintindihan kaming tatlo.

“Paraparaan!” unison naming sinabi sabay tawanan.

Instant na namula ang mukha ni Alison, habang si Terrence naman napahawak sa batok, tila nahihiya. 

“W—wag niyo ngang ibahin ang usapan, kami ang hino-hot seat niyo eh samantalang si Arene ang topic niyo kanina.” sabi ni Terrence

Inirapan ko naman, at hayun mga balimbing ang mga kaibigan ko kaya ako nanaman ang niloko nila. Tsk.

Yesterday's MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon