{ Chapter 2: }
Nakapasa ako sa school na tinake-kan ko ng entrance exam at halos isang linggo na rin akong pumapasok bilang isang college student. Hindi ko rin mapapagkaila na marami-rami na rin ang nagbago. Hindi rin ako sanay pero sinusundan ko nalang ang daloy. Iba na ang kapaligiran, wala na akong masyadong nakakausap kaya todo kinig lang ako sa professor pag may klase. May mga kaibigan na rin naman ako pero sa iilang subject ko lang sila kaklase.
Kakaiba rin ang College, halos dalawang oras ang break, hindi siya tulad ng High School na forty minutes lang ang lunch break, dito halos dalawang oras at swertihan nalang din kung absent ang professor niyo sa subject na iyon.
"Arene, tulala ka nanaman diyan?" tanong ng isa sa mga bago kong kaibigan na si Alison, Alison Mae Reyes.
"Ah, wala wala." nakangiti kong saad.
"Sus, iniisip mo nanaman 'yung ka long distance mo noh?" Tila ba'y tinutukso niya ako. "Alam mo Arene, kung mahal ka talaga nun, pupuntahan ka nun dito kahit gaano pa kalayo, kahit nasa East Coast tayo at nasa West Coast siya." pagpapatuloy niya.
Napakibit nalang ako ng balikat, kung sa tutuosin tama siya.
"Tska Arene, frankly speaking parang inuubos mo nalang ang oras mo sa kanya eh, kita mo naman ang dami-daming lalaking nagkakandarapa sayo, why look at someone else who is much further than you are?" eto nanaman siya, manenermon nanaman.
"How many times should I tell you na mahal na mahal ko siya at hindi ko siya kayang iwanan? No matter how much his cousins push me away from him 'cause they think that I'm no good for him." pag tatanggol ko sa sarili.
"I don't know what to do with you anymore." naiinis nitong sabi, sabay tinalikuran ako.
"What's wrong girls?" si Ryan Chavez
"Ayan kasi, pag sabihan mo nga 'yang si Arene, Ryan. Ayaw pa ring matuto." Tinuro-turo ako ni Alison
"Ano nanaman? Eh sa mahal ko siya eh, may magagawa ka ba?" naiinis kong tugon
"Eto nanaman ba yung tungkol kay James? James Jefferson?" tanong ni Ryan
"Oo, siya nga." pagsasang-ayon ni Alison "Ni wala na nga siyang balita eh, ang sabi nga raw patay na. Eh 'tong gagang 'to ayaw pang maniwala, ramdam daw kasi ng puso't isip niya na buhay pa si James." inirapan na ako ni Alison
"Eh, hindi ko mapigilang hindi maniwala na patay na siya, dahil ipinangako niya sa akin na panghabang buhay na ang aming pagmamahalan." napayuko nalang ako.
"Ano?! Mala teleserye at pelikula ba ang buhay mo Arene? Stop being a hopless romantic, wala ka ring mararating. Hindi ito teleserye, hindi ito pelikula. Hindi mo makikita ang habang buhay sa mundo natin." Iniharap na ako ni Alison sa kanya at tinitigan, para bang sinasabing dapat ng pumasok sa kokote ko ang lahat.
"Sorry, wala ka naman kasi sa sitwasyon ko, hindi naman ikaw yung nagmahal, hindi ikaw yung pinangakuan. Ayaw ko rin namang mag bulag bulagan pero ang hirap din kasing isaksak sa buong sistema mo na wala na talaga ang taong mahal mo." pagtatanggol ko sa sarili, naiiyak nalang sa mga pangyayari.
"Oh tama na, hayaan nalang nating lumipas 'yan. Kung saka-sakaling bumalik sayo't buhay pa nga. Edi masaya pero pag wala na talaga, tanggapin nalang natin na wala na talaga. Wag ka nang maghintay dahil wala ka namang babalikan." sabi ni Ryan, napa iling nalang sa pagtatalo namin ni Alison.
Mga ilang saglit, tahimik lang kaming lahat pero binasag 'to ni Ryan.
"Matanong ko lang, ano nga ba ang sakit niya? Paano ba nagsimula ang lahat?"
Bumuntong hiniga ako at nagsimula na sa pagkwento.
"Nagsimula iyon lahat nang na heart borken ako sa walang hiyang first boy friend ko, pustahan lang pala kasi ako. Kaya ayun, nakilala ko ang Wattpad at doon ako nagsimulang magsulat ng story namin, bitter right?" I laughed
"Oo nga. NAPAKA." dagdag ni Alison, natawa na rin
"Hanggang sa ayun na nga, may parating nag co-comment every chapter. Pag nag u-update ako, gusto pa raw makipag kaibigan. Bilang friendly naman ako pumayag ako. May chatbox pa ang Wattpad noon Meebo kung tawagin, kaya ayun todo chat kami. Lalaki siya. Si James." napangiti ako
"Oh, tama na ang ngisi diyan at ituloy mo na ang kwento." Iritang sabi ni Ryan
"Ayun, halos parati na kaming mag kausap noon, parang hindi kumpleto ang araw ko pag 'di ko siya nakakausap. Hanggang sa ayun, umamin siya eh na fall naman na ako. Pumayag na akong maging girlfriend niya kahit medyo hindi magandang pakinggan dahil long distance ay sumugal pa rin ako."
"Ang bilis naman yata niyan." pag puna ni Alison
"Ilang buwan din yun mga anim siguro o lima kaya hindi siya rebound." paninigurado ko
"Ayos naman lahat kaso hindi naman sa lahat ng oras masaya ka diba? Ayun, hindi umayon ang tadhana sa aming dalawa. Isang araw nabalitaan ko nalang na nasagasaan sila ng trak. Hit and Run ang nangyari. Sumunod doon na comma siya at nag karoon ng amensia. Natandaan niya naman ako pagkatapos pero kapalit noon ang breathing problem niya." pag papaliwanag ko.
"Mala tele-nobela pala ang storya mo girl." sabi ni Alison.
"I know. Pero basta magulo at hanggang ngayon 'di ko pa rin talaga matanggap ang pagkawala niya sa buhay ko." nalulungkot kong sabi.
"Hayaan na natin. Kung totoo man ang sinasabi ng mga pinsan niya sayo'y tanggapin mo nalang. Ipagdasal mo nalang na sana'y maging payapa ang kanyang kaluluwa." banggit ni Alison
Hindi ko iyon masyadong pinansin dahil dumman iyong lalaking nakita ko sa board exam, sinundan ko siya nang tingin. Nakita kong tawang-tawa siyang kasama ang mga kabarkada niya. Bago yata. Pogi talaga siya.
"Psst, alam mo ba ang kuya niyan cute." biglang sabi ni Alison
"Aba, sino diyan?" tanong ko. Nakikita ko sa gilid ng mga mata ko na nakikinig din si Ryan sa paguusap namin
"Yung lalaking nakikipag apir sa mga kaibigan niya." sabi ni Alison
"Paano mo naman nakilala. Hoy simula pa lang ng pasukan, nakapag boy hunting ka na ha." natatawa kong sabi.
"Hindi naman, Terrence Guevvara ang pangalan niyan." kinikilig na sabi ni Alison
"Sus, ako wala na akong panahon diyan. Sawa na akong masaktan." sabi ko
"Sus. Rj Guevarra just in case interesado ka." humalakhak si Alison sabay takbo paalis.
Buti nalang at ginawa niya iyon kundi nasabunutan ko na talaga ang mahaba't diretso niyang buhok.
"Sira ulo talaga iyon." sabi ni Ryan
"Sinabi mo pa." pag sang-ayon ko
Rj pala ang pangalan niya, lalaking-lalaki ang pangalan. 'Sana nama'y makausap ko siya sa mga susunod na araw o linggo na pananatili ko rito sa school na 'to.' sabi ko sa sarili.
BINABASA MO ANG
Yesterday's Memory
Romansa{ In the midst of falling, I found out his deepest darkest secret. } [ Disclaimer: iamissinfinite's property, please respect me as the author of this story. Thank you very much. Read, Vote Comment and Promote. ^O^ -ayeejayy ]