4th

69 3 3
                                    

{ Chapter 4: }

“Alison yari ka sa akin!” iyan ang mga katagang sumalubong sa isang Alison Mae Reyes pag pasok ko palang ng gate

“Ano? Bakit?” tanong niya

“Halika ka nga dito gaga ka.” hinila ko siya papunta sa benches na madalas naming pinagtatabayan

“Oh bakit ba?” pumiglas siya sa hawak ko, sabay irap

“Hoy, ako wag mo akong irap irapan ha! Bakit mo sinabi kay Terrence na intersado ako sa kapatid niya?”

“H—ha? Eh nagtanong siya eh, close naman kayo diba?”

“Eh gaga ka pala eh! Kapatid niya ‘yun! Iba ‘yun!” 

Napahawak nalang ako sa noo ko.

“S—sorry?” 

“Sasakalin talaga kita, alam mo bang sabi niya sa akin na ipapakilala raw niya ako kay Rj mamaya.” 

“Socials na nga pala mamaya.” Alison giggled.

“Wag kang tumawa-tawa diyan, walanghiya ka, manlalaglag ka pala.”

Umiwas siya ng tingin pero nakita kong lumaki ang mga mata niya sa parating na tao.

Ah, Terrence. Tsk.

“Hi, Alison. Hi rin sa future Mrs. Rj Guevarra.”

“Damn you.” inirapan ko si Terrence

“Hi Terrence.” pa cute naman ‘tong si Alison, hindi bagay tsk.

“Half day lang ngayon yes!” 

Sumulpot naman bigla si Ryan, yes half day lang ang lahat ng educ. students ngayon para sa gaganaping socials mamaya, binigyan kasi kami ng sapat na oras para magpaganda’t magpagwapo.

“I’ll surely be the most handsome guy later.” ani ni Terrence

“Oh please, ang hangin.” sabat ko

“Agree Arene, dahil ako ang magiging pinakagwapo mamaya. Walang kokontra.” sabi naman ni Ryan

“Woo! Bagyo.” sabi ni Alison

Pag si Terrence hindi? pero pag si Ryan oo? Ay oh, alam na.

Naghiwa-hiwalay naman na kami pagkatapos ng paguusap na ‘yon dahil may kanya-kanya na rin kaming klase. 

Sabay kaming umuwi ni Alison noong tanghali, si Ryan naman umuwi sa kanila samantalang si Terrence namn daw ay tatambay nalang sa school dahil dala na rin naman daw niya ang damit.

“Arene, dapat mag paganda ka, papakilala ka pa naman ni Terrence kay Rj.” she teased

“Nako, ako tantanan niyo na ni Terrence please. Papapana ko talaga kayo kay Kupido.”

“Edi mas maganda, para magamahalan na kami.” 

Ibinaba naman niya ang plantsa na gamit, nagcu-curls kasi siya at ako rin pagkatapos niya. Napailing nalang ako sa sinabi niya. Tsk.

“Ang landi mo Alison, mandiri ka nga sa mga sinasabi mo, at isa pa sa ibang babae ko ipapana ang kapares na pana na ipinana ko kay Terrence para nga-nga ka diyan.”

“Panain kita eh.” she pouted, pikon.

“Maghanda na nga kayong mga bata kayo, ano bang ginagawa niyo?” saway ni mama, naglalakad na palapit sa amin.

Oo, sa bahay namin kami tumuloy ni Alison.

“Opo tita.” sabi naman ni Alison.

Nag-ayos lang kami, nag lagay ng konting make-up para hindi mukhang haggard, lalo na pag nagpawis baka magmukha kaming bangkay.

Yesterday's MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon