12th

32 1 4
                                    

{ Chapter 12: }

“Sa’yo lang ako sumasaya, kahit ‘di tayong dalawa, lahat ng gusto ko ay na sayo.” I started singing.

Sumabay namang nag hum si Alison sa akin, theme song of the week kasi namin ‘to! Also, it’s been two weeks since my grandmother died, medyo na realise ko na rin na masaya na siya sa Heaven kaya hindi na ako madalas umiiyak.

“Hay! Tigilian niyo na please? Nakakarindi na!” tinakpan ni Riezel ang teinga niya.

Tumawa lang kami ni Alison, at pinagpatuloy ang kanta.

“At sa tuwing ika'y nakikita araw ko'y gumaganda para bang ako'y inlove sayo.” 

“Porque dumaan lang ang Guevarra brothers eh parang tinusok na ng karayom ‘yang mga pwet niyo. Ang haharot!” Umirap ‘to, sabay inom ng tubig.

“Hala, galit na ang lola!” sabi ko, sabay tawa. Eh ba’t ba? Inspired eh.

“Edi ayan, harutin mo rin si Ryan! Kami hanggang tingin lang eh. Ikaw?” 

Tumingin kaming tatlo kay Ryan, kasalukuyang nakikinig ng paborito niyang kanta, Superheroes, bago ng The Script.

“Ha?” agad na sabi ni Ryan pagkatapos tanggalin ang isang ear piece sa teinga niya.

Tahimik naman ‘tong si Riezel. Oh kitams? Nagtatampo lang ‘yun kasi hindi siya pinapansin ni Ryan, at busy ‘to sa pakikinig ng bagong kantang paborito niya, mukhang pinagaaralan din ang chords neto sa guitara.

Ngumuso naman ako sa gawi ni Riezel, na kasalukuyang nagsusulat, kunwaring nagsusulat. Kunwari’y ‘di niya naririnig pero rinig na rinig ng teinga niya ‘yan. 

“Nagtatampo.” mouthed Alison

On cue, tumayo si Ryan at tumabi kay Riezel, ayun kinantahan ng superheroes. Edi ang gaga masaya nanaman. Inis!

“Mag bi-birthday na ako! Regalo man lang.” parinig ko sa kanila.

Hindi naman nila ako pinansin, kunwari hindi nila narinig. Bukas na birthday ko, aalis nga kaming mag ba-barkada. Mag s-sm.

Binato ko ng notebook sina Riezel at Ryan, tapos tinulak naman si Alison sa tabi ko. “Mga walangya kayo! Walang libre bukas ha?” I said, smiling.

“H—huy, h—hindi, joke lang naman ‘yun Arene, syempre meron kaming regalo, sorry kung ganun lang kasi kapos sa allowance namin eh.” sabi ni Alison, tumango-tango naman si Riezel at Ryan.

Tumatawa ako sa loob-loob ko. Nasa akin din pala ang huling halakhak. Nag pakita naman ako nang isang ngiting tagumpay.

“Pwede na ba kaming kumanta uli?” asked, Alison.

Yesterday's MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon