5th

52 2 2
                                    

{ Chapter 5: }

Pagkatapos noong gabing ‘yon naging okay naman ang lahat, nagte-text kami ni Rj paminsan-minsan, though kadalasan dahil lang sa mga gm’s niya kaya kami nagkakausap, nag re-react lang kasi talaga ako doon sa mga sinesend niyang gm’s at after ng ilang balikan ng reply wala na. It’s either ako ang mag e-end ng conversation o siya. 

Hindi rin ako nakapag thank you kay Terrence, sa kadahilanang hindi kaya ng pride ko, at baka tuksuhin nanaman ako pero magpapakabait nalang ako sa kanya as a sign of thank you kahit hindi niya alam.

Sabado ngayon, mahigit dalawang linggo na rin ang nakakalipas. Medyo hindi pa rin ako makapaniwala na nagkakausap na kami ni Rj. Binuksan ko na ang laptop ko dahil mag hahapon na rin.

Nag log-in na ako sa Wattpad at Facebook account ko.

“Hmm..” I started humming, pinatugtog ko ang isa sa favorite songs ko, Magkabilang Mundo by Jireh Lim.

Dahil kay Jj.

“Ah! Ba’t ko ba ‘yun iniisip?” napailing ako at ginulo ang buhok ko, nakatinggala ako dahil nagsimula nanamang tumulo ang luha ko.

JamesJefferson: Hi Arene, it’s Karl.

Instant na napakunot ang noo ko nang nabasa ko ang chat ni Karl sa meebo ko.

CallMeArene: Please stop bothering me Karl. I don’t need you.

JamesJefferson: nag online lang ako para sabihin sayo ang buong katotoohanan.

Katotohanan?

CallMeArene: kung pinaglalaruan mo lang din ako, please tama na. Ayoko na, nakakasawa na kayong mga pinsan ni James.

Tumayo muna ako saglit, para bumaba sa unang palapag ng bahay, kumuha ng malamig na tubig para medyo ma-cool down ang ulo ko.

JamesJefferson: It’s about James, me chatting you and about our cousins, pero kung pwede sana Skype tayo.

Weird.

I asked why, para raw mas madali for the both of us lalo na’t mag ta-type raw siya ng mahaba. Walang sabi-sabi pumayag na ako, nagsuklay muna ako at inayos ang sarili para magmukhang prisentable.

I immediately log into my Skype account, nag send ng friend request sa akin si Karl, ina-accept ko naman ‘to agad. Few minutes after, he called. I answered.

I froze. Nakita ko ang mukha niya, very manly, maputi ito, medyo patayo ang buhok, nakaputing t-shirt ito, he smiled. Hindi ko ipinakita na nagulat ako, yes he is handsome indeed.

Just like James.

“James’ mom died because of cancer, one year ago. Sinisisi siya ng tatay niya sa lahat nang nangyari. Sarado ang utak ng tatay nito, kahit wala naman talagang kasalanan si James. Dahil doon naisipan naming magpipinsan na mag vacation somewhere in Palawan, para mag unwind sa tensyon na nangyayari sa pamilya ni James.”

He started, I didn’t even bother to say a word. He just did. I felt my tears flow once more, inalis ko ang tingin ko sa screen para hindi niya makita ang pagiyak ko.

“Habang papunta roon, may sumundo sa aming kotse. Hiwalay kami ni James nang sasakyan dahil kanila iyong sinakyan namin, at bilang close kami, sa kanya ako sumabay. Unexpectedly, a truck hit us. HARD. Nawalan kami ng malay parehas, yung driver? Ayun, tumakbo nalang, hindi man lang kami tinulungan.”

It feels like his reminiscing, parang fresh pa rin ang alaalang iyon. 

I know these, pero bat naiiyak ako?

Yesterday's MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon