3rd

69 3 2
                                    

{ Chapter 3: }

Mabilis nagdaan ang mga araw pagkatapos noon, ni hindi ko na uli na kita si Rj. What’s weird is ang kuya niya pang si Terrence ang nakakausap ko, medyo naging close na nga kami nitong mga nakaraang araw.

Kasalukuyan din akong nakatambay sa bench na pinagtatambayan namin nila Alison at Ryan, nang maya maya pa’y dumating si Terrence. Wag ko na raw siyang tawagin kuya masyado raw pormal.

“Psst, Arene.” tawag niya sa akin pag karating niya

“Oh?” inirapan ko siya

“Wala lang, tanghaling tapat kaya mainit ulo mo noh?” tumawa siya

“Tss, umayos ka Terrence, sasakalin kita. Wag kang mang-asar please?”

“Oo na, ano iniisip mo nanaman ‘yung ka LDR mo? ano ngang pangalan nun? J—ja”

“James” sagot ko naman, napairap muli ako sa kawalan, nakailang ulit na ako sa pangalan ni James, hindi pa rin niya kabisado

“Ah oo ‘yun! Siya nga?”

Napatango nalang ako, totoo naman kasi at wala na akong magagawa roon. Wala na siya, iniwanan na niya ako.

Tumulo nanaman ang mga luha ko, pero pinunasan ko rin ’t agad bago pa makita ni Terrence

“Nag lunch ka na ba?” tanong nito makaraan ang ilang saglit.

Umiling ako.

“Tara, lunch na tayo, papayat ka niyan nako!”

Siniko ko siya sa tiyan, at natawa kaming parehas. Wala sina Alison at Ryan dahil kami lang yata ni Terrence ang walang prof. Higher ng isa sa amin si Terrence pero hindi ko rin alam, naging close ko nalang siya bigla.

“Oh eto.” abot niya sa pagkaing pinabili ko.

“Thanks.” ngumiti ako, na alala ko nanaman si James, hindi ko alam, lahat yata ng mga bagay na nakikita ko siya ang naaalala ko. Paborita niya kasi ‘tong adobo.

Tumitig lang ako sa pagkain ko, nawalan ako bigla ng gana, sa kadahilanang iniisip ko hinding-hindi na makakakain pa si James neto, kasi wala na siya, asa taas niya siya, kasama ni Lord.

“Eat up Arene!” natauhan nalang ako ng sumigaw si Terrence

Kumain naman ako kahit bawat subo ko, si James ang naaalala ko, tahimik lang din kami ni Terrence, hindi ko alam kung bakit, pero pagkatapos niyang kumain ay eto nakipagkwentuhan nanaman.

“Oh maiba tayo, malapit na ang socials ah.” aniya

“A-ah, oo nga.” 

Ang socials ay isa sa pag titipon-tipon ng mga kumukha ng course ng Education, ang aim nito ay para mag kakila-kilala ang lahat. May ganito rin ang ibang courses.

“May isusuot ka na ba?” tanong niya

“Wala, tss. Di naman kailangang nakadress eh, kahit jeans lang okay na.”

“Kailangang naka dress Arene, dress code ‘yun sa babae.”

“Ah, ganun ba? sige bibili nalang ako sa SM, yayain ko nalang si Alison.”

Instant na namula ang mukha ni Terrence ng banggitin ko ang pangalan ni Alison, hmm. I smell something fishy.

“Type mo?” tanong ko

“Huh? Sino?” pa-inosente pa, halata naman.

“Alison.”

“H—hindi.” agad naman siyang nagiwas ng tingin, kinamot pa ang batok. 

Yesterday's MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon