8th

42 1 0
                                    

{ Chapter 8: }

“Arene!” aniya, he smiled

“Ano nanaman Karlitos?” I teased

“Ano ba, wag mo nga akong tawaging Karlitos, makaluma masyado. Isa pa, ibaba ko ‘tong skype call.”

“Aba! Aba! Nananakot ka pa? Tch, ‘di mo ‘yan kaya, mamimiss mo ako agad.” biro ko

“Oo nga.”

He smiled, I froze tsaka nagsimulang maginit ang pisngi ko. Ba’t ba ganito nanaman? Tsk.

Ilang araw na rin ang nakakalipas simula noong mga nakakabaliw na endearment. Naging okay naman kami ni Rj pagkatapos noon, hindi nga lang gaanong nagkakasama. Nag ngi-ngitian at tanguan lang kami pag nagkakasalubong sa corridor, samantalang si Karl, heto halos parati kong ka chat o kaya kausap sa skype.

“Nga pala Karlitos.” I laughed.

“Ano?”

“Anong bi ang pinagsasabi mo sa message mo noong isang araw?!” I raised an eyebrow

“Hmm, baby? bi for short.”

“Gago ka talaga!” 

Binelatan ko siya, tumawa naman siya. Gosh, a very manly laugh. I think I’ll melt.

“Bakit? Masama bang may endearment tayo?”

“Baliw ka ba?! Hindi naman tayo.”

“Soon!”

“Asa Karlitos!”

“Oo na! Tch.”

Nagtawanan lang naman kami, hindi talaga kaming nagsasawang kausap ang isa’t-isa at for the record hindi kami nawawalan ng topic, parati kaming naglolokohan, nakakatuwa nga eh.

“Hmm. Arene, paano kung pumunta talaga ako diyan?”

“Ano naman?”

“Address?”

Tumawa naman ako tsaka tinaype ang address ko, sabi niya’y hahanapin niya raw ‘to pag nakarating siya sa Pinas.

“I’ll be going there Arene, not now, just wait for me.” He smiled

I nodded.

“Karl, can you sing for me?”

“What song bi?” He asked, napapangiti nalang ako pag tinatawag niya ako by that.

Yesterday's MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon