10th

30 1 0
                                    

{ Chapter 10: }

Araw at linggo na ang lumipas, halos ganoon ang routine namin ni Rj, pero hindi naman na namin napagusapan pa ang tungkol sa text niya noong gabing ‘yon.

Medyo worried lang din ako kaya hindi wagas na kilig ang nararamdaman ko, my grandmother’s been sick lately, and since she’s kinda old, it’s really hard for her to fight. 

Syempre, gabi-gabi na rin niya akong hinahatid pauwi dahil gabi na kami nakakauwi dahil dadaan pa kami ng SM para mag dinner, at gabi-gabi ring pagtapak ko sa bahay, walang palya! Niloloko ako parati ni mama.

“Arene!” 

“Oh? Ikaw pala Alison, Bakit?” 

“Ah, wala naman nagpunta lang ako dito para sabihing, break a leg!”

Tumawa naman siya, inirapan ko lang siya. Ramdam kong double meaning ‘yun, sasayaw kasi kami, eh ang kaso hindi ko naman masyadong hilig ang pagsayaw, ang pagkanta pwede pa, pero sayaw? Mukhang malabo, parang kami ni Rj.

Hala! 

“Literal na break a leg! I love you girl, good luck uli!” nag flying kiss pa ang loka tsaka nag lakad pabalik sa ka team niya.

“Nakakatense!” bulyaw ko, nararamdaman ko nang nanginginig ang mga kamay ko sa kaba, malabo nga lang grupo naman kaming sasayaw.

“Kaya mo ‘yan, ikaw pa.” may biglang bumulong sa likod ko’t tinakpan ang mga mata ko.

Dahilan naman para tumaas ang mga balahibo ko. “Sino ‘to?”

“Hulaan mo.” bulong niya muli, ramdam na ramdam ko ang hininga niyang dumadapo sa leeg ko sa sobrang lapit niya.

“Rj?” I asked, wishing and hoping that it was him.

Unti-unti niyang binuksan at ayun siya nga!

Napangiti ako, pampelikulang moment ‘to. Shiz! He smiled back, nakakasilaw. He’s just handsome.

“Yep, definitely me!” he said afterwards, “well, good luck ako rin may gagawin pang preparations for the question and answer plus talent portion. Manuod ka ha? It’s uh—“ he started walking away.

“It’s what?!” sigaw ko

“For you!” sigaw niya sabay takbo na palayo.

Nabato ako sa kinalalagyan ko, it’s what?! wait, what?! Sht.

“Hey Arene!” sigaw ng isa sa mga kasamahan ko.

“Ha? Ano?” tanong ko, still on cloud nine.

“Hindi mo ba narinig? Tayo na. Tara!” she said sabay takbo.

Yesterday's MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon