"Hi!" muntikan na akong mahulog sa kinauupuan ko ng may biglang tumabi saakin "Nasaan yung iba?" siya pala
"A-ah nasa c-classroom na ata." tae nauutal nanaman ako, lagi nalang ako ganito pagdating sakanya! Umagang umaga e!
"Eh bat nandito ka pa?"
"Boring kasi dun, wala ka e." bulong ko
"Huh? Ano 'yon? 'Di ko narinig." tas umusog siya ng konti.
Jusme! Yung braso namin magkadikit na. Para akong kinukuryente. Kinakabahan nanaman tuloy ako. Ano ba yan! Ba't ba kasi nandito siya?
"Hmmmm?" ngayon nilapit naman na niya yung mukha niya.
Nako naman! Maawa ka naman. Wag ganyan. Mas lumapit ka pa lalo e. Mababaliw na ako. Konting konti nalang baka hahalikan na kita...
"W-wala!" tumayo nang kusa yung katawan ko.
Aba! Mahirap na baka mademonyo ako, makagawa pa ako ng kasalanan.
Hindi na ako makatingin sakanya. Hindi ko siya kayang tignan. Nakakahiya kaya. Alam kong sobrang pula ng mukha ko kanina. Kaya tinaligilid ko nalang yung mata ko para tignan siya... Sa peripheral vision ko kita ko na nakangiti siya ng mukhang aso. Ang asar niya. Bwisit!
"Halika na nga." 'tas hinila niya ako.
Shit! Yung kamay niya. Yung kamay niya nakahawak sa kamay ko. Yung kamay namin magkahawak at di pa basta bastang hawak. Damn!
Habang papunta pa kami sa classroom yung mga ulo ng estudyanteng nadadaanan namin napapalingon. 'Tas biglang silang mapapatingin sa kamay namin. Hays! Atensyon nanaman. Ba't ba kasi sikat 'tong gwapo na 'to?
Bahala na nga. Malapit naman na kami sa classroom. Konting nalang. Konting hakbang at pagpigil ng kilig. Makakaraos din.
"Oh!" biglang sumulpot sa harap namin si Ken.
"Woah!" muntikan na kaming magbanggan kaya napalingon yung mga classmates namin. Nakita kong nakatingin narin yung mga kaibigan namin, saamin.
Pagkalingon nila akala mo nakakita ng multo. Isali mo pa 'tong si Ken na nasa harapan lang naman namin. 'Tas wow, yung mga ulo nila sabay sabay na napatingin pababa sa kamay namin... W-what?! Kamay namin?
Nagkalingunan kami ni Ry at napatinign din sa kamay namin. Omg! Agad kong binawi yung kamay ko at umiwas ng tingin.
"Hoy! Kayong dalawa ha," Jersey stood first at lumapit saamin "Anong ibig sabihin non?!" dinuro duro niya pa kami.
"Oo nga" tumayo rin si Jalen "Naks. Holding hands pa talaga?" lumapit narin siya
Biglang pinalo ni Dria ng napakalakas iyong arm chair niya "Ry! Faye! Sabihin niyo nga yung totoo saamin!" at lumapit din siya "Is there something happening between the two of you?!"
"Nawala lang kami bigla, may something na." Ange
"Bilis mo, pare!" Ken
"Ibang klase." Gil
Isa isa na silang lumalapit saamin. Nako naman! Pinalibutan pa talaga nila kami.
"Yie naman!" Arci
"Hoy, Kelan pa?!" Jersey
Tuloy tuloy at sabay sabay na rin silang nagsasalita.
"Pare, ba't naman 'di kayo nagsa-" Jalen
"Hep!" sumigaw na ako dahil hindi na talaga sila matigil e "Ang oa niyo ha!" ayan tumahimik din.
"Hahahahahaha!" ay ang gago biglang humalakhakz
Ang sarap tirisin ng lalaking 'to! Sa sitwasyon naming ito, tatawa lang siya? Lakas ng tama niyang tumawa ha. Pasalamat siya crush ko siya.
BINABASA MO ANG
Thought of You
Teen FictionAkala ko kasi abot na kita. Akala ko kasi akin ka na. At ang pinakamasakait sa lahat ay akala ko kasi pareho na tayo ng nararamdaman, pero... Akala ko lang pala lahat. Hanggang kailan ba ako lalaban ng patago? Hanggang kailan ba ako aasa sa mga akal...