Chapter 5

51 2 2
                                    

One.

Two.

Three...

Nandito na siya sa harap ko–namin. At parang hinahabol na ng kabayo yung tibok ng puso ko. Sobrang kinakabahan ako sa maari niyang malaman. Pesteng Jalen na 'to walang talagang katinuan sa isip!

"What is it asshole?"

"You're really sweet, dude" lumingon saakin si Jalen at tumingin pa ng nakakaloko "Ano kasi..."

What the fucking fuck! Para na akong yelo sa sobrang lamig dahil sa kaba ko

"Huy, nilalamig ka ata?" rinig kong bulong ni Jalen saakin

"Fuck you!"

"Haha. Don't worry. Tinutulungan na kita sa pag-amin mo."

"Gago! Subukan mo lan-"

"Jalen, what the hell are you going to tell me?!"

Bigla akong napatigil at napalingon sa naiiritang mukha niya. Why is he like that? He looked annoyed yet handsome at the same time.

"Ang gwapo mo daw, sabi ni Faye"

"Boom!"

"Puso!"

"Galawang Mendez!"

Pakiramdam ko binagsakan ako ng sampong malalaking kaldero sa ulo. Tama ba yung narinig ko? Naman! Lupa lamunin mo na ako ngayon na. Nagmamakaawa ako!

"Yeah. I know." tumingin pa siya saakin at ngumiti ng nakakaloko bago umupo.

Naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Pinalibutan na nga ako ng pang aasar ng mga kaibigan namin. Nginitian niya pa ako ng ganon! The hell.

"Hey, thank me later." bulong ni Jalen at umupo narin

Wala na. Hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Gutom na gutom ako pero parang nawalan ako ng gana kumain. Para binaliktad yung sikmura ko. Oo, iba naman yung sinabi ni Jalen kay Ry. Pero shempre baka mag-isip ng iba yun! Aish!

"Faye, ba't di ka pa umuupo diyan? What? Speechless?"

Imbes na umupo ako, naglakad ako palabas ng cafeteria. Na kahit sobrang bilis ng lakad ko narinig ko parin yun mga sinabi nila at tanong nila kung saan ako pupunta, pero hindi ko 'yun na sinagot. Hindi ko nalang pinansin. Hiyang hiya talaga ako! I don't know how to face him–them!

Para naman kasi akong sira. 'Yun lang ang sinabi ni Jalen pero yung reaction ko, akala mo naman binuko niya yung feelings ko! Shempre nakakahiya talaga. Lalo na't nakita niya pa yung mukha ko. Alam ko pulang pula ako kanina! Faye naman!

Lakad lang ako ng lakad dahil hindi ko naman alam ang pupuntahan ko. Hanggang sa nadala ako ng paa ko sa isang garden.

"Wow!"

Ngayon ko lang to nakita ha. I was stunned. Halos mapanganga ako. The view is so beautiful! I didn't know there is a place like this in school. Sobrang peaceful ng paligid. Yung carpet grass na sobrang ganda ng pagkagreen, na pwedeng pwedeng paghigaan. Tapos yung mga bulaklak at halaman na nakapaligid sa buong garden, ang ganda! So colorful!

May nakita akong iisang puno na maliit lang sa dulo ng garden. Naglakad ako papalapit dun sa may puno. Maliit lang naman, kaya ko 'tong akyatin! Dito nalanag akong magpapalipas ng hiya.

Dahan dahan akong umakyat sa puno. Baka kasi mahulog ako. Pero dahil malas ako. Isang tapak nalang makakaakyat na sana ako nang magkamali ako ng tapak, napapikit ako sa kaba...

"Ah!"

"Hey," akala ko masasaktan na ako, akala ko mahuhulog na ako pero may biglang sumalo saakin.

Thought of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon