Start

121 3 2
                                    

Bakit ganon? Kung saan imposible doon pa tayo naghahangad? Kung ano pa yung mahirap abutin yun pa yung pinipilit nating makamit?

Sabi nga sa kanta "Susungkitin mga bituin para lang makahiling na sana'y maging akin ang puso mo't damdamin..." sana nga diba? sana ganon lang kadaling sungkitin ang bituin, pero wala e, malabo talaga.

Yun bang parang siya na rin yung bituin. Hindi mo basta bastang makukuha. Hindi kasi madaling sungkitin 'yan. Kahit pa titigan mo siya ng buong buhay mo, hinding hindi siya mapapasayo.

Bituin nga hindi mo maabot, siya pa kaya? Kahit sobrang lapit niya na, parang ang layo layo parin talaga.

"Gabriella Faye!"

Halos matauhan at maibalik ako sa realidad ng may sumigaw sa pangalan ko.

"Oh?!"

"Kilos pagong ka nanaman dyan! Bumaba ka na nga, aalis na tayo!"

Oo nga pala! I almost forgot, may pupuntahan pala kami ni kuya ngayon. Kung ano ano pa kasing pinag-iisip ng utak ko e.

Nagbihis na ako agad. Nagsuot lang ako ng simple tee shirt, jeans at sneakers. Buti nalang naligo na ako kaninang pagkagisisng ko. Ngayon kasi dating ng pinsan namin na galing sa New York. Kaya heto kami ngayon pupunta sa airport para sunduin siya.

"Pagong ka talaga kahit kailan." inakbayan niya ako "Let's go." sabay ginulo yung buhok ko.

Hays! Lagi nalang niya akong tinatawag na pagong. Samantalang halos magmukha na akong si flash kanina sa pagbaba ng hagdanan.

Nathan Jes Mendez, kuya ko. Madalas natatanong ko ang sarili ko kung kapatid ko ba talaga siya o hindi? Ang ganda ko kasi tapos siya mukhang napag iwanan.

Isa kasi akong dyosa, dyosa ng kagandahan. Samantalang siya hari, hari ng kapangitan sa loob ng nakakatakot na kagubatan.

Char!

Malayo layo pa naman ang airport kaya matutulog nalang muna ako. Ang aga ko pa naman nagising kanina. Pinasok ko sa magkabilang tenga ko yung earphones ko 'tsaka sumandal sa binta ng sasakyan. Matutulog na ako...

I'm in love with you and all your little things~

"Catch!"

"What the heck?!"

Siraulo talaga naman oh! Bigla nagbukas yung pintuan ng sasakyan kaya muntikan na akong mahulog palabas dito. Kalahati ng katawan ko nasa labas na hawak ng siraulong kapatid ko!

"Bitawan mo nga ako!" sigaw ko kay kuya tapos tinanggal ko yung kamay niya na nakahawak sa dalawang braso ko.

"Napakatulog mantika mo naman kasi," inalalayan niya ako papasok sa loob ng sasakyan "Dalian mo."

Aba't iniwan talaga ako. Is he really my brother?

Sweet naman saakin yan, once in a blue moon nga lang. Sobrang protective naman siya. Possessive. Loving. Caring. Pero meron talaga yung mga araw na dinadalaw siya. Wagas kung mang-inis o mang-asar.

Sobrang close nga kami ni Kuya. Pero pag dating sa ibang lalaki hindi ko kayang makisalamuha sakanila. Ewan ko ba. Sometimes I feel uncomfortable with boys, kahit nga sakanya e.

Tinignan ko ang sarili ko sa rear mirror ng sasakyan. Nag-ayos muna ako, bago sumunod kay kuya.

"Kuya Nate, what time?" tumabi ako sakanya at hinawi ang buhok ko pakanan.

"Right now."

Habang nakatayo kami sa paghihintay, pinagtitinginan kami ni kuya dito, o si kuya lang? Ah siguro nga si kuya lang, ang pangit niya kasi e. Joke!

"Nathan! Faye!"

Sabay kaming napalingon ni kuya sa sumigaw. I was stunned. Ganda talaga niya, parang ako. Hihi!

Lumapit siya saamin patakbo, at agad na niyakap ni kuya. Sobrang close talaga ng dalawang ito. Akala mo sila 'yung magkapatid. Well, close din naman kami ni Dria, sadyang mas close lang kasi siya sa lalaki.

"Chandy, finally!" masayang sabi ni kuya

Chandria 'Dria' Cruz is my cousin from dad's side. She'll be staying here for good in the pH. I don't get this girl, ang ganda na ng buhay niya sa N.Y.C dito pa piniling manirahan.

"Faye, ins, I missed you!" niyakap niya rin ako sabay hinalikan sa pisnge, still clingy.

"I missed you too, Dria!"

Almost 1 year din kaming hindi nagkita nito. Sa pagkakaalam ko nagmove on yan. Nagbreak sila nung great love niya last year, I think. Kaya ayun hindi nagparamdam saamin ng halos isang taon.

After ng yakapan we decide to go home. Mukhang pagod si Dria sa byahe kaya deretso uwi nalang muna.

"Nate, Faye, akyat na ako ha. Sorry, I'm really tired."

"It's okay, we understand." sabi ni kuya habang binubuhat nila ni manong bert yung mga bagahe.

Lumingon siya saakin "Yeah." I said and smiled to assure her that it's really okay.

She smiled back saka tuluyan ng pumasok sa bahay. She have her own room here anyway, since madalas siyang magbakasyon dito noong hindi pa siya heartbroken.

"Kuya, pasok narin ako!" pagpapaalam ko

I run immediately inside without hearing his response, then went to my room. Grabe! Medyo napagod din ako konti sa pagsundo. Humiga ako. I closed my eyes to think.

Two days nalang pasukan nanaman. I'm not yet ready. Sana classmates kami. Simple lang naman 'yung pangarap ko na maging classmate ko siya. Sana kahit yun lang mangyari naman...

Sa lalim ng iniisip ko hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising nalang ako ng biglang tumunog yung cellphone ko. Gabi na pala. These past few days parang napapadalas na ang pag iisip ko about him.

"Hello?" sabi sa kabilang linya

"Jersey."

"Omg! Faye!" aray ha kailangan sumigaw? "May good news ako sayo!"

"Hinaan mo naman boses mo. Nakalunok lang ng speaker?!"

"Ay sorry, so eto na nga... Waaah!"

Wth? Kasasabi ko lang na hinaan ang boses nilakasan naman ulit. Kulit ng lahi ah.

"Ano na? Pabitiin pa e"

"Ano kasi, ah ano, ah-"

"ANO?!"

"Classmate natin si Ry!"

"Ah classmate lang pala natin si R- what?!"

Shit.

Thought of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon