[POV] - ANALISE
PAGKATAPOS kong magbihis ay nagtungo ako kina Luigi. Medyo na bothered ako sa sinabi ni Aron kanina tungkol sa kanya kaya gusto ko siyang maka-usap.
Baka may problema siya at makatulong ako. Matagal ko ng kilala si Luigi. At masasabi kong hindi naman siya nagagalit ng basta basta kung hindi mabigat ang dahilan.
Kumatok ako sa kanila nang natapat na ko sa harapan ng kanilang pintuan.
"Magandang gabi po, Aling Lina. Pagbibigay galang ko sa nanay ni Luigi. "Si Luigi po ba andyan? "
"Magandang gabi din sa 'yo, Ana. Naku, kanina pa iyon nasa kwarto niya at hindi pa lumalabas. Mukhang may problema. Kausapin mo nga. " pinapasok ako ni Aling Lina sa loob ng bahay nila.
Pinaupo niya muna ako sa salas nila at tatawagin niya muna daw si Luigi sa kwarto nito. Ilang minuto din akong naghintay bago bumalik si Aling Lina. Pero sa kanyang pagbabalik ay di niya kasama si Luigi. Napatayo ako sa aking kinauupuan dahil sa pagtataka.
"Si Luigi po? "
"Nasa kwarto at ayaw bumangon. Sinabi ko nga na andito ka pero ni hindi man lang ako pinansin... " paliwanag ni Aling Lina.
Magsasalita pa sana ako nang lumabas si Luigi sa kwarto niya at madilim ang mukha.
"Mag-usap tayo sa labas. " sabi niya at nauna ng lumabas.
Nagkatinginan muna kami ni Aling Lina bago ako sumunod kay Luigï sa labas. At doon naabutan ko syang nakahilig sa puno habang nakapamulsa.
Lumapit ako sa tabi niya. Agad din naman siyang napatayo ng maayos. Napabuntong hininga siya bago magsimulang magsalita.
"Saan ka nakakuha ng pera pampa-check up sa nanay mo?" tanong niya na nagpayanig sa kalukuwa ko.
Bigla akong nanlamig dahil sa naging tanong nya. Bakit siya nagtatanong ng ganito? At bakit niya tinatanong?
Napalunok muna ako bago sumagot sa kanya. "'Di ba sabi ko nakapag-ipon ako kahit papaano... " sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko at ang boses ko.
"Halos kinse mil ang nabayaran natin sa ospital nang araw na yun. Ang laking halaga nun, Ana. Kahit ako, hindi ko mapag-iipunan yun sa maikling panahon. " aniya. Nahihimigan ko ang galit sa boses niya.
Kusang namumuo ang luha sa gilid ng aking mga mata. Pero hindi ko pwedeng ipakita sa kanya ang reaksyon kong ito.
"Ano bang ibig mong sabihin? Hindi lang naman ipon ko ang andun. May tumulong din sa 'kin para mapagamot si nanay. " paliwanag ko.
"At sino, huh? Si Lucia? Ung lalaking naging costumer mo? " napa-atras ako dahil sa pagsabog ni Luigi.
Napa-atras ako dahil sa pagsigaw niya at lalong napa-atras ako dahil sa sinabi niya. Alam niya ba?
"A-Anong... "
"'Wag ka ng magkaila. May nakakita sa 'yong sumama ka kay Lucia noong gabi bago natin dinala ang nanay mo sa ospital. "aniya at humarap sa 'kin. "Bakit, Ana? Bakit kailangan mong maging put*? Bakit kailangan kay Lucia ka pa humingi ng tulong imbes na sa akin ka lumapit at humingi ng tulong? Bakit kailangan pang umabot sa ganito ang lahat? "
Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Hindi ko akalain na maaga niyang malalaman ang naging desisyon ko. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at pinahid ang luhang lumalandas sa pisngi ko.
"Kung ikaw ang nasa kalagayan ko alam kong ganun din ang gagawin mo. Kakapit ka din sa patalim para lang mabuhay ang pamilya mo. Para lang mapagamot ang nanay mo. Akala mo bang ginusto ko ang mga nangyayari? Akala mo bang madali lang ang lahat ng 'to? Akala mo bang ganun lang kadaling lumapit sa 'yo at humingi ng tulong? " parang walang katapusan ang luha ko sa pagdaloy.
"Pero sana sinubukan mo pa rin akong lapitan at kausapin. Para matulungan kita sa problema mo. May naipon naman akong pera. Handa ko namang ipahiram sa 'yo iyon, ah. Bakit kailangan pati katawan mo ibenta mo? "
"Hindi mo ba ako naririnig? At pwede ba 'wag mong sabihin sa 'kin na handa kang ipahiram ang pera mo dahil alam ko naman na may problema din kayo. Alam ko naman na ilang buwan nang hindi nagpapadala ang tatay mo ng sustento sa inyo. Kaya huwag mong ipamukha sa 'kin na ako lang ang nangangailangan ng pera sa 'ting dalawa. "
Natahimik si Luigi sa sinabi ko at napayuko na lamang.
"Salamat sa malasakit mo pero unahin mo muna ang pamilya mo bago ang ibang tao... "
◀️▶️
Nawala ang ngiting tagumpay ko kanina pag-uwi ko galing sa condo ni Damon. Hindi ko alam kung bakit ganun nalang saya na naramdaman ko kanina. Katawan ko lang ang habol ni Damon at wala ng iba kaya hindi ako pwedeng mag-expect at mag-assume. Dahil sa huli alam kong ako lang ang masasaktan.
At ngayon naman mabigat ang loob ko na umuwi galing kina Luigi. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang bagay na yun. Mabigat ang loob ko dahil nagkasira kami dahil lang sa naging desisyon ko.
Alam kong galit lang siya ngayon dahil sa nalaman niya pero alam kong maiintindihan din niya ako balang araw. Bibigyan ko muna siya ng oras at panahon para matanggap ang lahat ng 'to.
At sa pagitan naman namin ni Damon,kailangan ko ng tapusin ang ugnayan namin. Nakuha na niya ang gusto niya sa 'kin. Sapat na siguro iyong kabayaran para hindi na kami magkita.
Agad kong kinuha ang aking cellphone at agad siyang tinext na magkikita kami bukas. Ako ang mamimili ng lugar kung saan kami magkikita. Tatapusin ko na ang lahat ng ito para mabalik na ang normal kong buhay. Sapat na siguro ang kikitain ko sa reataurant para pambili ng gamot kay nanay.
Nakapagbayad na rin naman ako sa school nina Angela at Aron. Nakapag-advance na rin ako ng bayad sa upa dito sa bahay ng tatlong buwan kaya sapat na siguro ang lahat.
At pangako ko na hindi na ko hahantong ulit sa desisyon kong ito. Ito na ang una't huli.
Naibigay ko man ang pagkabirhen ko sa lalaking hindi ko mahal at hindi ko makakatuluyan habang buhay atleast nakatulong naman ito sa nanay at mga kapatid ko.
Sana mapatawad ako ng Diyos dahil sa naging desisyon ko.
____________
Short update lang kaya pasensya...
BINABASA MO ANG
SECRET LOVER [FINISHED]
RomanceMy series #3 Read at your own risk. Be open minded to handle the scene. R-18. WARNING. SPG Alert