Chapter twenty-four

12.6K 306 4
                                    

Pinilit ko ang sarili kong burahin ang mga salitang binitiwan ni Damon kanina. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko, ang puso kong naghuhumerantado.

Pero nakaabot na ko sa mansyon at lahat ay iyon pa rin ang laman ng isip ko.

Wala sa isip akong lumabas ng sasakyan. Nakayuko habang papasok sa loob ng mansyon.

"Where have you been? " isang baritonong boses nya ang agad na sumalubong sa akin.

Napaangat agad ako ng tingin sa kanya.

"Uhm-binisita ko lang ang kaibigan ko. Bakit ka pala andito? "

"Gusto kitang makita. Bakit masama bang makita ang fiancé ko? "

Fiancé?

Ang sarap pakinggan. Pero bakit kay hirap paniwalaan?

"H-Ha? A-Ah... " tipid na lamang akong ngumiti sa kanya.

"Kumain ka na ba? " tanong ko sa kanya.

Wala kasi si lolo ngayon dahil may mga business ventures sya kasama ang lolo ni Damon.

Habang ang auntie naman nya kasama ang mga amega nito.

"Not yet. I'm waiting for you. " sagot nito.

"Ganun ba! Let's eat? "

_________

Pagkatapos namin kumain ni Damon ay nagpaalam muna ako sa kanya. Nagpunta ako sa kwarto ko upang magbihis.

Pagkatapos ay bumaba agad ako ulit. Naabutan ko si Damon na nasa may garden. Agad ko naman syang pinuntahan doon.

"Hey! "

Napalingon sya agad sa direksyon ko.

"Are you staying for the night? " tanong ko sa kanya nang makalapit na ako sa kanya.

"Of course! Ikaw lang kaya mag-isa ngayon. " ani Damon.

"By the way, pagkabalik nina lolo for their business trip they are planning for our engagement party. Are you excited? " pagpapaalam ni Damon sa akin.

Excited? I don't know.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin matukoy kung handa na ba ako. Kailangan kong makausap si nanay. Ayokong magpakasal na may mabigat na nararamdaman sa aking puso.

"D, uhm... p-pwede mo ba kong samahan hanapin si nanay? " pakiusap ko kay Damon.

Napatingin si Damon sa akin ng seryoso. Hindi man lang ito kumurap.

"Why? Bakit mo pa sila kailangang makausap? "

"For peace of mind. Honestly, hindi ako sigurado sa ideya na kasal. Ikaw, ako-ikakasal. " napayuko ako para maghanap ng mga salitang sasabihin.

"D, ang dami pang tumatakbo sa isip ko. Gusto kita-oo, aaminin ko pero kailangan ko munang makausap si nanay. Gusto ko ng mga sagot sa mga tanong na matagal ng bumabagabag sa akin. Please. "

He looked at me trying to understand everything na sinabi ko. I am hoping na sana ay pumayag sya sa hiling ko.

"Okay. Pero kailangan nating ipaalam ito sa lolo mo. He has the right to know everything. " ani nito.

Napangiti na lamang ako at yumukap sa kanya.

"Thank you so much. "

"Anything for you, babe. "

__________

Kinabukasan nga ay sinamahan ako ni Damon na hanapin sina nanay. Nagpatulong sya sa mga kaibigan nya na mga imbestigador.

Habang naghihintay ng resulta ay hindi ako mapakali. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Miss na miss ko na sila nanay.

Gusto kong malaman kung okay na ba sya. Nakakainom ba sya lagi ng gamot nya. Si Aron at Angela, okay ba sila sa school nila ngayon.

"Relax, babe. Mahahanap din natin sila. " ani Damon na nakayakap ngayon mula sa aking likod.

Agad namang sumidhi ang kakaibang init ng aking katawan sa pagyakap nya lang. Napapikit na lamang ako habang palihim na nilalanghap ang mabango nyang amoy.

"Sobrang miss ko lang siguro sila kaya ako nagkakaganito. " sagot ko sa kanya.

"Don't worry. My men are the best in this field. Mamaya lang e tatawag na ang mga yun. " aniya tela pinapakalma ako.

Tumango na lamang ako at ngumiti. Isang senyales na naniniwala ako sa kanya.

Ilang lakad pa ang nagawa ko bago may tumawag kay Damon. Agad akong lumapit sa kanya upang marinig ang kanilang pag-uusap.

"Nahanap na nila ang nanay at mga kapatid mo. " nakangiting wika ni Damon. "See? I told you. Mahahanap natin sila. "


Sa tuwa ko ay hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin at halikan si Damon.


Nang matauhan ay bigla akong naistatwa dahil sa hiya. Pero si Damon ay ngumiti lang at niyakap ako ulit.


__________

Agad kaming bumyahe sa lugar na sinabi ng mga imbestigador ni Damon. Sa lugar kung saan na nakatira sina nanay.

Habang nasa kotse ay aligaga pa rin ako. Parang may nag-uunahan sa dibdib ko na gustong lumabas.

Si Damon naman ay lagi napapatingin sa akin. Nag-aalala siguro sya sa akin.

Ilang minutong byahe ay nakarating na rin kami. Excited akong bumaba ng sasakyan at agad na tumakbo papasok sa bahay kung saan nakatira sina nanay.



Si Angela ang una kong naabutan na naglilinis ng bahay. She's with someone na hindi ko kilala.



"A-Ate? " usal nya. Nahihimigan ang pagkagulat sa boses nya.



"Si nanay? " hindi pa rin mawala ang ngiti sa mga labi ko.



Ang kabang nararamdaman ko nung papunta kami dito ay napalitan ng pananabik.

"U-Uhm... nasa kwarto po. Nagpapahinga. " sagot nya.

Nagmadali akong nagtungo sa kwarto na sinasabi ni Angela. Hindi na ko kumatok at dumiretso na ko sa pagpasok.

Doon nakita ko si nanay na payapang natutulog. Naiiyak ako ngayong nakita ko na sya.

Miss na miss ko pala talaga si nanay. Kahit alam kung may mali syang nagawa noon hindi pa rin nawawala sa isip at puso ko ang pagmamahal sa kanya-ang pag-aalala sa kanya.

Alam kong may rason sina nanay at tatay sa mga nagawa nilang pagkakamali noon-ang pagkuha nila sa akin sa tunay kung mga magulang-sa tunay kong pamilya. Kaya nandito ako upang malaman ang dahilan upang mapanatag na ang loob ko.

Upang buo ko ng matanggap sa sarili ko ang katotohanan. Upang maging masaya na ko sa piling ng taong mahal ko.



__________

Ask me anything guys. And don't forget to leave a comment and vote na rin para masaya.

Salamat pala at nakaabot na naman tayo ng four digits. Sana suportahan nyo pa ang mga gawa ko.


Maraming maraming salamat! Mahal ko kayong lahat! Mwaaahh

SECRET LOVER [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon