Chapter three

17.2K 432 7
                                    

Monday morning naisipan kong 'wag na munang pumasok sa trabaho. Pinaalam ko na rin sa mga boss ko na mag-aabsent ako ngayon dahil dadalhin ko si nanay sa doctor. Ipapatingin ko siya sa espisyalista.

Naaawa na ko kay nanay sa tuwing susumpungin siya. Naaawa na rin ako sa mga kapatid ko dahil natatakot na sila kay nanay. Kasama ko si Luigi ngayon. Siya iyong best boy-friend ko. Minsan tinutulungan niya kapag walang-wala na ko.

"Salamat talaga Luigi at sinamahan mo ko ngayon. " usal ko habang nasa loob kami nang taxi.

"Ano ka ba, Ana, wala 'yon noh. Day off ko naman kaya okay lang. "

Ngumiti na lamang ako sa kanya at tumingin na ulit sa labas ng taxi. Hindi niya alam ang ginawa ko noong isang gabi. At natatakot akong malaman niya dahil baka pandirihan niya ko. Natatakot akong mawala siya sa 'kin.

"Mabuti naman at may pera ka ng pampatingin dito sa nanay mo. " basag niya sa katahimikan.

"Oo nga, e. Kahit papaano ay nakapag-ipon ako kahit na marami kaming utang. " kung alam mo lang kung saan ko kinuha ang perang ito.

Pagdating namin sa ospital ay dumiritso na kami sa doctor na titingin kay nanay.

Hiningi niya ang dahilan kung bakit nagkaganito si nanay kaya sinabi ko dahil sa biglaang pagkamatay ni tatay. May mga pinaliwanag si doc about sa iba't-ibang klase ng depresyon pero nahati ang atensyon ko dahil sa cellphone ko na panay ang vibrate sa aking bag.

Mabuti nalang talaga at nandito si Luigi para makinig. Sinubukan kong 'wag pansinin kung sino man ang tumawag hanggang sa matapos ang doctor.

Ang naintindihan ko lang sa sinabi niya hindi pa gaanong grabe ang depresyon ni nanay. May mga binigay siyang resita ng gamot sa 'min. Binili ko kaagad ang gamot ni nanay at nag-abang na kami ng taxi pauwi.

"Kanina pa 'yang cellphone mo, ah. Hindi mo ba sasagutin 'yan? Baka importante. " ani Luigi.

Kinuha ko ang cellphone sa bag ko at tinignan kung sino ang tumatawag. Numero lang at walang pangalan. Sino naman kaya 'to.

"Saglit lang, ah. Sasagutin ko lang muna. " paalam ko kay Luigi at lumayo ng kaunti. Sakto lang para hindi niya ko marinig.

"Hello---"

"Dammit, woman bakit ang tagal mong sumagot? " isang singhal ang bumungad sa 'kin sa kabilang linya.

Boses pa lang alam ko na kung sino siya. At biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa pagtawag niya.

"P-Pasensya ka na. Nasa ospital kasi ako ngayon at hindi----"

"Hospital? Why? What happen to you? " aniya.

"Wala. Si nanay dinala ko. Bakit ka nga pala napatawag? " tanong ko.

"Pumunta ka ngayon dito sa opisina ko. I need you right now. "

"As in ngayon na? "

"Yes. Hurry up. I'll text you the address. "

Pagkasabi niya nun ay pinatay na niya ang tawag. He's a bit rude.

Bumalik ako sa kinaroroonan ni Luigi at nanay. Nakiusap ako sa kanya kung pwede bang siya na muna ang bahala kay nanay dahil may pupuntahan akong importante. Bilang isang mabuting kaibigan si Luigi ay pumayag naman siya.

••••••••••


Pumara agad ako ng taxi nang natanggap ko na ang text ni Damon. Mga 15 minutes lang ang layo ng opisina niya sa ospital.

Pagdating ko sa lugar ay agad akong bumaba sa taxi na sinakyan ko. Nagulat pa ko 'nung una dahil ang akala ko isang matayog na gusali ang sasalubong sa 'kin pero it turns out na napunta ako dito sa malawak na garahe. May malaking gate pero transparent siya kita ko ang loob. Maraming taxi ang nasa loob.

SECRET LOVER [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon