Chapter twenty-five

12.3K 277 5
                                    

"Anak! " mangiyak-ngiyak na sambit ni nanay pagkakita nya sa 'kin. "Buti naman at bumalik ka. Miss na miss na kita, anak! " agad na hinawakan ni nanay ang mukha ko.

Hindi na rin nya napigil ang mga luha nya na nag-uunahan sa pagbagsak.

"Miss na miss ko rin po kayo, nay. " wika ko at napayakap kay nanay.

Ramdam ko ang panginginig ng balikat ni nanay dahil sa iyak nya.

"Patawarin mo 'ko, anak. Patawarin mo 'ko sa lahat ng kasalanan ko sa 'yo. "

"Nay, matagal ko na po kayong pinatawad. Ang gusto ko lang pong malaman ngayon ay kung bakit ninyo nagawa ni tatay ang pagkuha sa akin sa tunay kung mga magulang. 'Yon lang po ang kailangan kong marinig mula sa 'yo nay. "

Pinahid ni nanay ang mga luhang tumatakas sa kanyang mga mata.

"Nagtatrabaho kami ng tatay mo noon sa mansyon ng mga Sebastian. Bagong kasal ang mga magulang mo noon. Ako at ang tatay mo ay matagal ng mag-asawa ngunit hindi kami nabiyayaan agad ng anak. Ilang taon ang hinintay namin hanggang sa mainip kami.

Hindi namin alam kung bakit sumagi sa isip namin ng tatay mo ang kunin ka sa kanila. Nakita kasi namin kung gaano kayo kasaya. Gusto din namin makaranas na magkaroon ng masayang pamilya. Naiinggit kami sa mommy at daddy mo dahil iba ang nahahatid mong saya sa kanila.

Nung kunin ka na namin ay nagpakalayo-layo na kami. Iba't-ibang lugar ang napuntahin namin dahil sa kakatago. Dahil sa takot namin na baka ipakulong kami ng lolo mo. At mas lalo kaming natakot ng mabalitaan naming naaksidente ang mga magulang mo dahil sa paghahanap sa 'yo.

Balak ka na sana naming ibalik sa kanila dahil sa konsensya namin pero biglang may nangyaring masama sa kanila. At alam naming malaki ang tiyansa na makulong kami o pahirapan ng Don dahil sa galit. Nawala ang anak at apo nya. At ngayon, naiintindihan ko sya kung bakit nya kami itinago rito. Kung bakit inilalayo nya kami sa 'yo.

Hanggang ngayon galit pa rin ang lolo mo sa akin. Sana dumating ang panahon na mapatawad nya kami ng tatay mo. "

Mahabang paliwanag ni nanay. Ngayon naiintindihan ko na sya.

Hindi ko rin sya masisisi sa ginawa nya. Siguro ang pagkakamali lang nya ay ang pagdukot sa akin.

Naging uhaw lang sya sa ideya na gusto nilang magkaroon ng anak ni tatay kaya nya nagawa ang pagkuha sa akin.

Pero may mali rin naman sila. Mas nangingibabaw ang inggit sa kanila. Umabot sa punto na may nasaktan dahil sa ginawa nila.

"Nay, alam ko pong takot kayo na humarap kay lolo pero para po sa akin at sa namayapa ko pong mga magulang, kailangan nyo pong humingi ng tawad kay lolo ng harapan. Dahil kung ako po ang tatanungin nyo, matagal ko na po kayong pinatawad. Matagal na matagal na po, nay. "

Yumakap si nanay sa akin at mas lalong humagulgol.

"Patawarin mo ko anak. Patawarin nyo 'ko. " aniya habang umiiyak.

Hindi ko na rin napigilan ang maiyak. Sobrang sakit na makita si nanay na nahihirapan na ganito. Kahit na nagkasala sya alam ko na pinagsisihan na nya ang mga iyon.

____________

Pagkatapos naming makausap si nanay ay dinala ko sya pag-uwi ko ng mansyon. Ngayon ang uwi ni lolo galing sa trip nila.

Pagkasabi kasi ni Damon kay lolo tungkol sa plano ko ay nagdesisyon agad syang umuwi.

Alam kong galit sya. Pero ito lang ang paraan para maging masaya ako. At alam kong kapag nalaman nya ang dahilan ko ay maniniwala sya sa 'kin.

"'Wag po kayong mag-alala, nay, andito lang po ako. Tutulungan ko po kayong ipaliwanag kay lolo ang dahilan nyo. " sabi ko kay nanay habang nasa kalagitnaan ng byahe.

Nasa backseat kami ngayon at si Damon ang nagda-drive. Tahimik lang at paminsan-minsan ay tinitignan nya kami through the rear view mirror.

Hawak-hawak ang kamay ni nanay na nanlalamig dahil sa kaba.

Malayo palang kami ay tanaw na namin ang imahe ni lolo na nasa may bukana ng pintuan. Nasa malayo palang kami ay nakikita ko na ang galit sa mukha nya.

Pagka-park ni Damon ng kanyang kotse ay hindi muna kami lumabas ni nanay.

Pinapakiramdaman namin ang sunod na galaw ni tatay.

"I'll talk to him first. Lumabas lang kapag ok na. " ani Damon.

"Pasensya ka na anak at kailangan pa umabot sa ganito ang lahat. Kung hindi lang sana kami nagpadalos-dalos ng tatay mo sana kasama mo pa ang mga magulang mo. Sorry anak kung hindi mo na sila nasilayan. "

"Nay, tama na po. H'wag nyo pong sisihin ng sisihin ang sarili nyo. Nay, alam ko po na masaya sina mommy at daddy ngayon dahil napalaki nyo ko ng maayos. Kung nandito sila ngayon, alam kung mapapatawad din nila kayo agad. "

"Tulad ka nga talaga ng mommy mo, sobrang bait. "

Nag-usap pa kami ni nanay hanggang sa bumalik si Damon at pinapasok na kami sa loob.

Alam kong sobrang kaba na ni nanay kaya naman pinakalma ko muna sya bago kami pumasok.

Pagkapasok namin ay nasa salas si lolo at tiim bagang na naghihintay.

"Lo! " tawag ko kay lolo at agad din syang lumingon.

"Bakit mo dinala ang babaeng 'yan dito sa pamamahay ko?! " galit na sigaw ni lolo.


"Lolo please, makinig naman po muna kayo. Matagal na po syang nagsisisi sa ginawa nila ni tatay. Lo, gusto ko pong maayos ang lahat sa atin. Ayoko ko pong magpakasal na ganito ang sitwasyon. "

"'Wag mong idahilan ang kasal mo, Myracle. Hindi ko mapapatawad ang mga kriminal na 'yan! Maibabalik ba ng sorry nila ang mga magulang mo?! "

Dinuro-duro ni lolo si nanay. Galit na galit na si lolo dahil lumalabas na ang mga ugat sa leeg nya.



"Lolo... "



________

Happy Valentine's Day everyone. 💚💜💓💕💖💗💘💝💞💟

SECRET LOVER [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon