Chapter sixteen

12.7K 310 3
                                    

Dalawang linggo ang nakalipas simula nung umalis ako sa puder ni Damon. Dalawang linggo na rin ako na nandito sa puder ni Lucia. Nahihiya na ko sa kanya dahil mukhang pabigat pa ko. Hindi kasi siya nakakapasok sa bar na pinagtatrabahuhan niya dahil nandun daw lagi si Damon at hinihintay siya.

Ang sabi niya hinahanap daw ako ni Damon dahil gusto nitong makipag-usap sa 'kin. Nagtataka pa nga ako dahil sa sinabi niya.

Ano pa ba ang dapat naming pag-usapan. Nilinaw na sa 'kin ng fiancee niya ang lahat. Kaya wala na dapat kaming pag-usapan pa.

"Ayaw mo bang marinig ang paliwanag niya? Baka naman kasi tama ang kutob ko na hindi mga fiancee ni Damon ang babaeng yun. Bigyan mo naman ng pagkakataon iyong tao."

Ani Lucia sa 'kin isang gabi na nagkasabay kami sa hapag. Simula noon ay hindi na iyon mawala sa isip ko.

At nahihiya na rin ako sa kanya dahil araw-araw na siyang hindi nakakapasok sa trabaho.

"Lucia, samahan mo ko mamayang gabi. Pupuntahin natin si D. "

Sabi ko kay Lucia na busy sa pagkalikot sa cellphone niya. Napatingin siya sa 'kin at ngumiti bago bumalik ang kanyang atensiyon sa hawak niyang cellphone.

Naging mabilis ang pag-takbo ng oras dahil ngayon ay naghahanda na kami ni Lucia papuntang bar.

"Sigurado ka bang handa ka ng harapin siya?"

Tanong ni Lucia bago kami lumabas ng bahay niya. Tumango lamang ako at tinignan ang sarili sa salamin na nasa harap ko sa huling pagkakataon.

"E, panu kung mali ang kutob ko at totoo ang sinabi nung babae? Anong gagawin mo?"

Hinanda ko na ang sarili ko sa kahihinatnan ng pag-uusap namin ni Damon ngayon. Totoo man o hindi ay buo na ang desisyon kong lumayo sa kanya.

"Handa na ko sa kahit na anong mangyari."

Sagot ko kay Lucia at nauna ng lumabas ng bahay.

Naging mabilis lang ang Naging byahe namin dahil malapit lang naman ang bar sa bahay ni Lucia. Pagdating namin halos puno na ang bar. Agad hinagilap ng mga mata ko si Damon pero hindi nakiki-ayun ang panahon sa 'kin dahil hindi ko siya makita dahil sa kapal ng mga tao.

"Hindi ko siya makita."

Sumbong ko kay Lucia na nasa tabi ko na panay din ang tingin sa mga taong labas masok dito sa bar.

"Sandali lang at may naisip ako."

Aniya at naglakad papunta doon sa harap kung saan nakapwesto ang DJ. Nakita ko ang pag-agaw niya sa mic nito na ikinagulat ng DJ.

"Cyper Damon Montalban, andito ka ba? Kung nandito ka ngayon may gustong kumausap sa 'yo. Handa na siyang makinig sa mga sasabihin mo. Kung nandito ka nasa may entrance lang siya at naghihintay sa 'yo... "

Biglang natahimik at nagsi-hintuan ang lahat. Lahat ng nasa loob ng bar ay maiging nakikinig sa sinasabi ni Lucia. Sana umipekto ang ideya niyang ito.

Pero paano kung wala si Damon ngayon dito? Paano kung sa araw na 'to ay huminto siya sa pagpunta dito dahil pagod na siya sa kahihintay sa Pagdating ko? Paano kung huli na pala ang lahat?

"I'm glad that I'm still here waiting for you."

Biglang may nagsalita sa likod ko dahilan sa paglingon ko. At doon nakita ko ang papasok na si Damon.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko pagkakita palang sa kanya. At aaminin kong sobrang namiss ko ang nilalang na nasa harap ko ngayon.

  •••••

 
 
 

"

Bakit bigla kang umalis ng hindi man lang nagpaalam?"


Tanong ni Damon. Andito kami ngayon sa loob ng sasakyan niya nag-uusap. Pati amoy niya ay nami-miss ko rin–hindi, lahat sa kanya ay namiss ko. Gusto ko sana siyang yakapin, halikan at mag-tanong kung kumusta na siya pero kailangan kung panindigan ang desisyon kong iwan siya. Ang lumayo sa kanya.

"Bakit nagtatanong ka ng ganyan? Bakit kung maka-asta ka ay hindi mo alam ang dahilan ng pag-alis ko. 'Wag na tayong magbulahan pa, Damon. Ano bang gusto mong sabihin sa 'kin."

"Why Are you acting like that?"

Saad niya sa isang nasasaktan na tono o iniisip ko lang ba na nasasaktan nga siya.

  "Why Are you hurting me like this? Bakit sa 'yo ko lang naramdaman ito? Bakit sa lahat ng babaeng nakilala,nakasama at dumaan sa buhay ko ni katiting ay wala akong naramdaman na ganito?"

"Don't play bullshit with me. Pwede ba Damon 'Wag mo na ko pahirapan pa. Pwede ba tama na... ayoko na. Tapusin na natin 'to."

"Ano?! Hindi pa nga tayo nagsisimula tatapusin na natin? Ano ba kasi ang problema?!"

Napataas na ng konti ang boses niya.

"Ang problema?! Ikaw! Manloloko ka! Paasa ka! Sinasabi mong gusto mo ko tapos ngayon may pupuntang babae sa condo mo at sasabihing fiancee mo raw siya. Pinaglalaruan niyo ba ako?"

Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya dahil sa mga pahayag ko.

"And Don't you dare act na hindi mo alam. Please lang... tama na."

Huminga ako ng malalim bago binuksan ang kanyang sasakyan. Wala ng patutunguhan ang pag-uusap na 'to kung puro kasinungalingan lang ang lalabas sa bibig niya. Kailangan ko ring magpahinga sa mga kasinungalingan niya.

"So, ganun na lang yun? Aalis ka dahil sa nalaman mong may fiancee ako? Hindi mo lang ba pakikinggan ang sasabihin ko at maniniwala ka sa kanya? Hindi pa ba sapat ang mga nagawa ko sa pamilya mo para hindi mo ko pagkatiwalaan?!"

Napahinto ako dahil sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin? Nilingon ko siya at hinarap.

"Lahat ng tinulong mo may kapalit. Hindi ba't pinagsawaan mo ang katawan ko para lang mabayaran ang tulong na binigay mo. Hindi pa ba iyon sapat na mabayaran? Kailangan ba Pati tiwala ko ay ipangbayad ko sa 'yo? Hindi mo ba naisip na Baka hindi ka karapatdapat sa tiwala ko kaya ako umalis. "


Natigilan siya sa sinabi ko kaya ginawa ko na oportunidad na umalis at iwanan siya. Hindi siya dapat pagkatiwalaan. Niloko na niya ko minsan at hindi ako papayag na ma-ulit pa iyon. Once is enough ika nga.

SECRET LOVER [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon