Nauna na kong bumalik sa kanya sa loob ng mansyon. Bigla kasing sumama ang pakiramdam ko dahil sa sinabi nya. Biglang may kung anong tumusok sa puso ko sa huli nyang binanggit.
Nakatakda na pala syang ikasal sa iba nagawa pa nyang maglandi. At ako naman iton si uto-uto at naniwala sa kanya. Wala na talagang magandang idulot ang lalaking 'to sa 'kin. Puro nalang sya kasinungalingan.
"Ana, wait! " mabilis nyang hinawakan ang braso ko kaya napahinto ako sa paglalakad.
Mabilis kong binawi ang braso ko at hinarap sya. Nanggigigil na ko sa lalaking 'to.
"Ano?! Ano na naman bang kasinungalingan ang itatanim mo sa utak ko? Okay na naman 'di ba? Nakapag-explain ka na. Narinig ko na ang paliwanag mo. Okay na. Kaya pwede ba, 'wag mo na kong kausapin at 'wag ka na ring magpakita sa 'kin! " galit kong bulyaw sa kanya.
"Hindi ko maipapangakong magagawa ko ang mga sinabi mo. " aniya habang nakayuko.
"At bakit hindi?! Subukan mo, Damon. Subukan mo dahil ayoko ng may ugnayan pa ko sa 'yo. "
"It won't happen. Gustuhin mo man o hindi may ugnayan na tayo noon pa man. Dahil... "
"Dahil ano? " hindi na nagawang makasagot ni Damon ng dumating ang mga lolo namin.
"Oh, ano? Nagkakamabutihan na ba kayo? Nagkakakilala na ba kayo ng husto? " tanong ni lolo.
Tinagilid ko ng kaunti ang ulo ko at binalik rin agad kay lolo.
"Okay naman po. " maikli kong sagot.
"I hope na magkakamabutihan na rin kayo. " dugtong ni Don Roman.
Ngumiti na lamang ako sa kanila ng tipid.
"Uhm pwede po bang mauna na kong magpahinga sa inyo, lolo? "
"Sure. Sure, apo. " sagot nya sa akin at lumipat ang tingin nya kay Damon na tahimik lang na nasa likod ko. "Bakit hindi mo ihatid ang apo ko sa kwarto nya, hijo. " ani lolo na kinagulat ko.
"P-Po? N-Naku 'wag na po. N-Nakakahiya naman po b-baka may pupuntaha pa sya. Okay lang ako. M-Mauuna na po ako. " hindi ko na hinayaang may makapagsalita sa kanila at mabilis na lamang akong umalis.
Nagmadali akong nagtungo sa kwarto ko. Pagkapasok ko ay parang lumuwag ang paghinga ko. Para akong aatakihin sa puso dahil sa sinabi ni lolo.
Ayokong makasama si Damon lalo na kung dito sa kwarto ko. Baka...
Hay! Ano ba naman!
Pinikit ko na lamang ang aking mga mata at bumuga ng hangin. Kinalma ko ang sarili ko. Nababaliw na ata ako dahil sa mga kahalayang naiisip ko.
Pumasok na lamang ako sa banyo upang makapaglinis ng katawan. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi ni Damon kanina.
Naging masaya ako ng malaman na hindi pala totoo ang sinabi ng Vanessa na yun na ikakasal sila. For that parang gumaan ang pakiramdam ko at nagkaroon ng maliit na pag-asa para sa aming dalawa.
Pero agad rin namang binawi dahil nakatakda pala syang ikasal sa ibang babae. Iyon ang mas masakit na marinig. Iyong ikakasal sya sa iba at iyong mismong sya ang nagsabi sa akin ng totoo.
Sa kakaisip ko sa mga sinabi nya hindi ko na namalayang nahalo na pala ang mga luha ko sa tubig na dumadaloy sa 'kin. Kahit malamig ang tubig ay hindi pa rin mawawala ang bigat ng nararamdaman ko.
Pagkatapos kong maglinis ay lumabas na ko at nagtungo sa closet upang magbihis. Pagkabihis ko ay lumabas na ko at humiga sa kama. Binalot ko ang katawan ko ng comforter at nakatingin lamang sa kisame.
I'm just staring it hoping na sana dalawin ako ng antok. Pero ilang oras na siguro ang lumipas ay hindi pa rin ako makatulog kaya naman ay bumangon ako. Siguro naman nakaalis na ngayon sina Don Roman at Damon. Siguro naman hindi iyon matutulog dito. Lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa kusina upang uminom ng gatas.
Pagkapasok ko palang may anino na kong nakikita. Sumibol ang kaba sa dibdib ko. Baka magnanakaw ang isang 'to. Dinampot ko ang vase na nasa malapit sa 'kin. Ihahampas ko na sana ito sa kanya ng humarap ang lalaki sa 'kin. Natigil sa ere ang kamay ko ng makita ko si Damon na may hawak na isang basong tubig. Kita ko sa mukha nya ang gulat.
"God! You scared me. " bulyaw ko dito at binaba ang vase na hawak ko. "Ano pa ba ang ginagawa mo dito? Bakit hindi ka pa umalis? "
"Dito na kami pinatulog ng lolo mo dahil gabi na raw. " sagot nya.
Tinignan ko sya at inirapan. Lumagpas ako sa kanya at nagtungo sa may counter upang magtimpla ng mainit na gatas. Gusto ko kasi ng mainit na gatas dahil nakakalma nito ang sistema ko.
"Sana umuwi ka nalang. Sumisikip ang buong mansyon dahil sa presensiya mo. " sabi ko.
Naramdaman ko ang paglalakad nya papalapit sa 'kin. At bigla namang naghuhumarentado ang puso ko. Napapikit na lamang ako at pinagpatuloy ang paghahalo ng gatas.
"Bakit ba ganun nalang ang galit mo sa 'kin? Nagsasabi na naman ako ng totoo sa 'yo. Ano pa bang problema? I already said sorry. "
God! Hindi ba sya marunong makaintindi, makaramdam? Manhid ba sya?
Hindi ako nagsalita at ininom nalang ang gatas ko. Mas lalo lamang akong hindi makakatulog nito.
"I like you, Ana. I like you so much. " aniya at niyakap ako sa gilid.
Muntik pa kong maubo dahil sa biglaan nyang pagyakap sa 'kin. Nilapag ko ang baso sa counter at akmang kakalasin ang kamay nya pero ang higpit ng pagkakayakap nya sa 'kin.
"Pwede ba, Damon wag mong sabihin sa akin na gusto mo ko gayong ipapakasal ka naman sa iba. Alam mo napakawalang hiya mo talaga. Hindi ka lang sinungaling manloloko ka pa. Kung ako ang babaeng ipapakasal sa 'yo hinding hindi kita sisiputin sa mismong kasal natin." saad ko at pilit pa ring kinakalas ang braso nya.
Narinig ko ang bahagya nyang pagtawa na kinagulat ko. Tumingin ako sa kanya at bumungad sa akin ang ngising aso nya.
"Hindi ko alam na ganito ka pala kung magselos. " aniya na kinakunot ng noo ko. "Ang cute mo pala. " ang bilis ng reflexes nya dahil napaharap nya ko sa kanya ng isang kurap lang. "Lumalaki butas ng ilong mo. " aniya at tumawa.
Nag-init ang mukha ko dahil sa sinabi nya. Hinawakan ko ang ilong ko, kinumperma ang sinabi nya. Tawa pa rin sya ng tawa kaya hinampas ko ang dibdib nya.
"Ang sama talaga ng ugali mo. " sabi ko habang napanguso.
Tumigil sya bigla sa pagtawa at tinitigan ako. Ang tingin nya ay nagpalipat lipat sa aking labi at mga mata. It took seconds before i realized ang sunod nyang ginawa. He sealed my lips with his kiss. A passionate kiss na nagpatunaw sa galit ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
SECRET LOVER [FINISHED]
RomansaMy series #3 Read at your own risk. Be open minded to handle the scene. R-18. WARNING. SPG Alert