I'm Analise. 20 years old at nagtatrabaho sa isang restaurant na pagmamay-ari ng mag-pinsang Keejan at Karrie Sandeja. Matagal-tagal na rin akong nagtatrabaho sa kanila. Halos dito ko na kinuha ang pinakain ko sa mga magulang ko at ang pinag-aral ko sa mga kapatid ko.
Tatlo lamang kaming magkakapatid at ako ang panganay. Hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral. Hanggang High School lang ang natapos ko. Ang hirap ng wala kang pinag-aralan. Bukod sa mahirap humanap ng trabaho nilalait ka pa ng iba.
Ngayon, mas humirap pa ang buhay namin dahil namatay na si tatay. Kakalibing lang niya noong isang buwan. Kasangga ko sana si tatay sa paghahanap buhay pero ngayon ako na lamang mag-isa.
Si nanay may sakit pa. Depresyon dulot 'nong pagkamatay ni tatay. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Baon na kami sa utang dahil sa na-confined si tatay ng ilang linggo sa ospital. Pero mabuti nalang sinagot ng amo ko ang bayarin sa ospital, kaya ngayon sa kanila ako nagbabayad ng utang.
May bayarin pa kami sa upa ng bahay. Ilang buwan din kaming hindi nakakabayad. Nagpapasalamat ako dahil mabait ang landlady at iniintindi ang sitwasyon namin.
Para na kong mababaliw dahil sa mga utang namin. Ang mga kapatid ko pa, ang baon nila araw-araw. Mga projects at kung ano-ano pang kailangan nila sa schooo. Ayoko namang matulad sila sa 'kin. Gusto kong umangat naman sila sa buhay nila.
"Napag-isipan mo na ba ang inaalok ko sa 'yo? " tanong ni Lucia.
Kapitbahay namin siya na isang pok-pok. Inalok niya ko na magtrabaho sa club nila.
"Alam mo, isang gabi lang bayad lahat ng utang mo. May extra ka pa dahil sa tip. Kaya pag-isipan mong mabuti. "
Ilang beses ko ng pinag-isipan ang inalok niya sa 'kin. At ilang bese na rin akong natetempt na pumayag at sumama sa kanya. Pero may pumipigil sa 'kin kapag humahakbang na ko papunta sa apartment na tinutuluyan niya.
"Natatakot ako. "
"Wala kang mapapala kung takot ang iisipin mo. Isipin mo ang pamilya mo, ang nanay mo. Isipin mong mapapatignan mo na siya sa doctor. "
Bumuga na lamang ako ng hangin. Naguguluhan na ko. Gusto kong matulungan ang mga kapatid ko, ang nanay ko pero natatakot ako sa diyos. Natatakot ako na baka mas mabigat ang parusang ibabalik niya sa 'kin.
"Sa panahon ngayon hindi na natin kailangan ang magdalawang isip sa mga desisyon natin sa buhay. Kung pamilya mo ang iniisip mo, gagawin mo lahat 'wag lang silang magutom kahit masunog pa ang kaluluwa mo sa impyerno. Ito ang buhay natin, Ana. Nasa sa 'yo na kung makikipaglaban ka ba ng patas o mandadaya ka. "
Tinitigan ko lang si Lucia habang sinisindihan ang kanyang segarilyo.
Tama siya. Nasa sa 'kin na kung makikipaglaban ba ko ng patas o mandadaya para mabuhay. Pamilya ko na ang nakasalalay dito, kaya gagawin ko ang lahat para sa kanila.
"Sige, pumapayag na ko. "
•••••••••••
Kinagabihan ay nagpaalam ako sa mga kapatid ko na aalis ako. Day off ko bukas sa restaurant dahil linggo. Sinabihan ko si Lucia na sa malapit na mall nalang kami magkita para walang makahalata sa 'min. Napapalibutan kami ng mga tsismosa dito sa barangay at baka ano pa e-tsismis nila. Ayokong mapahamak ang mga kapatid at nanay ko.
BINABASA MO ANG
SECRET LOVER [FINISHED]
RomanceMy series #3 Read at your own risk. Be open minded to handle the scene. R-18. WARNING. SPG Alert