Chapter twenty-six

12.9K 293 10
                                    

This chapter is dedicated to GreenMindedGal.

Thank you at nakaabot na naman ng libong reads ang story na ito. Noon, pinangarap ko talagang mapansin dito sa wattpad—mapansin 'yong gawa ko at dahil sa My Hidden Activity, nabigyan ako ng break bilang isang manunulat.

Hindi man po ako kagalingan tulad ng mga iniidolo nyo pero pag-sisikapan ko pong mas pagbubutihan pa ang pagsusulat.

Malapit na namang matapos ang istoryang ito at sana hanggang sa huli ay samahan nyo ko.

Sana rin ay suportahan nyo ang mga on-going ko pa na mga stories like: Starving, hot list and Daxx Martin.

Sana rin suportahan nyo parin ang mga finished stories ko gaya ng mga: My Hidden Activity and My Stained Innocence.

Muli ay Maraming maraming salamat po sa inyong lahat!!!

_________

"Maibabalik ba nila ang buhay ng mahal kong anak?! Huh?! Hindi! Kaya ano pa ang silbi ng paghingi nila ng kapatawaran ko. Wala nang maibabalik pa kaya lumayas kang babae ka dito sa pamamahay ko! "

Mabuti nalang at mabilis si Damon dahil kung hindi ay baka natamaan na si nanay sa tungkod na dala-dala ni lolo.

Agad ko rin namang tinago si nanay sa likod ko upang maprotektahan.

"Kung andito lang po sana sina mommy at daddy, alam ko pong papatawarin nila sina nanay at tatay. Hindi naman po nila ginusto ang nangyari dati, lo. Lahat tayo biktima. Biktima ng sitwasyon. Kaya please po patawarin nyo si nanay. Ito nalang po ang hihilingin ko sa inyo bago po ako magpakasal. Sa kasal na itinakda nyo para sa 'kin. "

Mahinang sambit ko sa huling pangungusap na binitiwan ko.

"Hindi! " matigas na sigaw ni lolo.

Hindi ko alam kung anong dapat ko pang gawin para mapatawad na nya si nanay ngayon.

_________

"Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ayokong habang nabubuhay si lolo ay may hinanakit pa sya kay nanay at tatay. Ayokong may galit sya sa puso nya. "

Pagkatapos naming ihatid si nanay pauwi sa bagong bahay nila ay nagtungo kami ni Damon sa unit nya.

Nakiusap ako sa kanyang huwag nya muna akong ihatid sa mansyon dahil ayoko munang umuwi doon.

"Bigyan mo muna ng kahit konting oras ang lolo mo. Mahirap din sa kanya ang nangyari. Para sa kanya parang kahapon lang nangyari ang lahat. " ani Damon habang yakap-yakap ako ngayon.

Nanonood kami ng movie dito sa sala nya. Action movie ang pinanood namin pero parang lalanggamin na kami dahil sa kasweetan namin.

Nakahiga kasi kami ngayon sofa. Sya ang nasa likod ko habang yakap-yakap ako.

"I'm glad that you already made up your mind. Masaya akong magpapakasal ka na rin sa akin. Alam mo bang natakot ako nung makita ang reaksyon mo nung sinabi ng lolo natin na ikakasal tayo. Akala ko hindi ka papayag na makasal sa 'kin dahil sa nangyari noon. " aniya habang lumalandas ang kamay nya sa braso ko.

Nagbigay iyon ng kakaibang kiliti sa katawan ko.

"Sa una nagdadalawang isip ako dahil parang may pumupigil sa 'kin. Pero nung nalaman ko kung ano ang nagpapabigat sa loob ko doon ko naisip na kailangan ko munang ayusin ang pamilya ko bago ako pumasok sa bagong yugto ng buhay ko. Bago ako magpakasal sa 'yo. "

"Maayos din ang lahat. Maniwala ka lang. " aniya.

And that night we made love. Kinabukasan ay umuwi ako sa mansyon. Hindi na ko nagpahatid kay Damon dahil may mahalaga daw syang aasikasuhin sa opisina nya.

Pagkapasok ko pa lang sa mansyon ay bumungad agad sa akin si Auntie.

"Saan ka ba nanggaling? Nag-aalala kami sa 'yo. " salubong ni tita sa akin.

"Si lolo? "


"Nasa kwarto. Ano ba kasi ang nangyari habang wala ako? Bakit galit na galit ang lolo mo? " tanong ni Auntie.

"Gusto ko lang naman pong maging maayos ang lahat, Auntie. Ikaw ba, napatawad mo na sina nanay at tatay? "

Natahimik si Auntie sa tanong ko.


"Anak, masakit man tanggapin ang pagkawala ng kapatid ko pero matagal na panahon na ang nakalipas. Kahit na magalit ako sa kanila hindi rin naman maibabalik sila. Kaya naiintindihan kita—kung ano ang gusto mo, pero, intindihin mo rin ang lolo mo. Mas masakit sa kanya ang nangyari at hanggang ngayon masakit pa rin sa kanyang tanggapin na wala na si ate—ang mommy mo. Bigyan mo pa sya ng konting panahon. "ani Auntie.


Tumango na lamang ako sa kanya at nagtungo sa itaas.


Didiretso na sana ako sa kwarto ko ng mahagip ng mga mata ko ang nakaawang na kwarto ni lolo.


Sumilip ako sa kanya at nakita ko ang lungkot sa mga mata ni lolo habang may hawak-hawak na picture frame.


Nanunubig na rin ang mga mata ko dahil sa nakikita.


Huminga muna ako ng malalim bago ako kumatok. Hindi ko na hinintay ang hudyat ni lolo na papasukin ako kusa na akong pumasok sa loob.


Tumabi ako kay lolo at bahagyang tinignan ang hawak nya.



Picture pala iyon ni mommy.


"Kamukhang-kamukha mo sya dito. Ika-labing walong kaarawan nya ito. Masayang-masaya sya dito dahil ang crush nya ang huling kasayaw nya. " pagkwekwento ni lolo.


Napangiti na lamang ako nang hindi ko napapansin.



"Sayang po at nawala si mommy agad. Sayang at hindi ko sya naabutan. "



Napansin ko kay lolo ang pagpahid nya ng kanyang luha.



"Apo, pasensya ka na. Nasobrahan lang ako kagabi kaya ko iyon nasabi. Alam mo, matagal ko na namang napatawad sina Roberto. Alam ko namang wala silang kasalanan sa pagkamatay ng mommy at daddy mo. Nagalit lang ako dahil sa ideyang sila ang sinisisi ko. "


Naguguluhan ako sa sinabi ni lolo. Kunot ang aking mga noo at nagtataka.



"Ano pong ibig nyo pong sabihin? "




"'Yong mga panahon na nawala ka ay ang panahon ding kumilos ang mga kalaban namin sa negosyo. Marami ang may inggit sa amin ni Roman noon. Marami ang galit. Yong mga panahon na naaksidente sila ay ang panahon kung saan nalaman nila kung nasaan sina Roberto nagtatago. Papunta na sila para kunin ka pero ang hindi nila alam may sumabotahe ng sasakyan nila.


Tinanggalan iyon ng break. Sinabi ko sa mommy mo noon na huwag ng pumunta dahil delikado pero nagpumilit pa rin sya. Nagpumilit pa rin sila. Nabalitaan ko nalang kinabukasan na wala na sila. Masakit. Sobrang sakit dahil ako ang dahilan kung bakit nawala ang mga magulang mo. Sinisi ko pa sa iba an kasalanan ko." humihikbing paliwanag ni lolo.


Niyakap ko si lolo.



"Lo, huwag nyo pong sisihin ang sarili nyo. Alam ko pong napatawad ka na ni mommy at daddy. Tahan na po. " pag-aalo ko kay lolo.



"Nagpapasalamat pa nga ako kina Roberto dahil kung hindi ka nila kinuha siguradong madadamay ka. Patawarin mo sana ako apo. Patawad! "

SECRET LOVER [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon