Gaya ng binilin ni Damon ay hindi nga siya umuwi kinagabihan. Sinubukan kong maghintay sa kanya pero nakatulog naman ako sa paghihintay. Saan kaya siya nagpunta kagabi?
Kinakabahan ako sa iniisip ko. Panu kung? Haysst! Naprapraning lang siguro ako. Tama! Praning lang ako. Busyng tao si Damon kaya hindi siya nakauwi kagabi. Baka may inasikaso siya sa opisina niya.
Mabuti pa siguro ay bumangon na ko at magluto ng agahan para kung umuwi man si Damon ngayon ay may pagkain na.
"S-Sino ka?" May kung sinong na nasa kusina.
Lumingon siya sa 'kin. Nakita ko kung paano niya ko hagurin ng mapanuri niyang tingin. Nang matapos ay tinaasan niya ko ng kanyang perpektong hugis na kilay.
"Ako dapat ang nagtatanong sa 'yo niyan." Aniya at humalukipkip. "Sino ka ba? At bakit nandito ka sa unit ni Damon? "
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa naging tanong niya. Sino nga ba ako? Hindi ko rin alam. Ang alam ko lang pinatira ako ni Damon dito sa unit niya dahil gusto niya ko. Hindi ko rin alam kung anong klaseng gusto ang ibig niyang sabihin. Basta yun lang ang pinanghahawakan ko sa pagtira ko dito.
Napalunok ako at hindi makasagot sa tanong nitong babaeng nasa harapan ko. She's perfect – physically. Ang layu-layo ko sa kanya kung itsura lang ang pag-uusapan. Halos lahat sa kanya ay perpekto. At nangliliit ako sa sarili ko.
"See? Hindi mo masagot ang tanong ko kasi kahit ikaw hindi alam kung ano ang ginagawa mo dito? Well, poor you little bitch you're just Damon's past time. I'm Vanessa, by the way, Damon's fiancee. " Aniya at nginisihan ako.
I don't know what to react. Pagdating kay Damon hindi ko Halos alam kung ano ang gagawin ko. Ganito na ba ako ka hulog sa kanya na hindi ko na namamalayan. Sobra bang nagpalunod ako sa kaisipang gusto rin ako ni Damon.
"Ano pang tinutunganga mo diyan? Gusto mo bang kaladkarin kita palabas ng unit ni Damon para mapahiya ka? O kusa ka nalang aalis para wala ng gulong mangyari? You choose. Madali naman akong kausap."
Ang puso ko nagsasabing huwag akong umalis pero sa oras na 'to hindi ko dapat pairalin ang puso ko. Isip ang dapat na mamayani ngayon. Kaya naman kahit gusto kong manatili dito ay hindi naman makapal ang mukha ko para ipagsiksikan ang sarili ko.
Yumuko ako at dahan-dahang tumalikod sa kanya. Ang gutom na naramdaman ko kanina ay nawala bigla dahil sa 'di inaasahang pangyayaring ito. Pagpasok ko sa loob ng kwarto ay Agad kong inayos ang kaunti kong damit at pagkatapos ay lumabas na.
Hindi paman ako nakarating sa may pintuan palabas sa unit ay narinig kong magsalita na naman si Vanessa.
"Ang mga katulad mo dapat marunong lumugar. Huwag kang sama ng sama sa kahit kanino kung hindi mo pa kilala ng husto ang tao. Maswerte ka at ito lang inabot mo. At maswerte ka dahil mabait ako." Aniya at pagkatapos ay siya na ang nagbukas ng pintuan para sa 'kin.
Lumabas na lamang ako dahil wala na rin naman akong magagawa. Napabuntong hininga na lamang ako at bagsak balikat na naglakad papunta sa elevator.
At hindi ko na rin mapigilan ang mga luha ko. Kusa na itong nagbagsakan. At kahit anong punas ko ay hindi pa rin nawawala ang mga ito. Parang gripo ng tubig na naguunahan sa pagbagsak.
_____
"Ano ba kasing nangyari?" Tanong ni Lucia sa 'kin.
Siya ang una kong tinawagan kanina para humingi ng tulong.
"Hindi ko naman alam na may fiancee na pala siya. Hindi rin naman kasi niya sinabi sa 'kin. Kaya naman para akong aso na pinalayas ng nakapulot sa 'kin. " sagot ko.
"Sino ba kasing fiancee ang sinasabi mo? " kunot noo niyang tanong.
"Vanessa daw pangalan niya."
"Vanessa? Alam mo, wala akong nababalitaan na fiancee ni Damon. Ang alam ko lang may nakatakda sa kanya pero sure akong hindi ang Vanessa'ng sinasabi mo."
"Siya man O hindi ay wala rin akong magagawa. Wala rin akong pinanghahawakan kay Damon. "
"Sus! Hindi ba't sinabi na niyang gusto ka niya. Ano pa ba ang gusto mong panghawakan?"
Ano pa nga ba? Kahit ako ay hindi sigurado sa sinabi ni Damon. Hangga't maaga pa ay kailangan ko ng lumayo at putulin ang nararamdaman ko. Wala paman akong karanasan sa pag-ibig ito't nasasaktan na ko. Paano pa Kaya kung naging kami ni Damon at may Vanessa'ng biglang dumating? Sigurado akong hindi ko Kaya. Matapang ako pagdating sa pamilya ko pero alam kong magiging mahina ako pagdating sa usapang pag-ibig.
"Hindi ko alam. Ang nasa isip ko lang ngayon ay ang lumayo muna sa kanya. Ayokong mag-padalos dalos sa mga desisyon ko. Napilitan lang rin naman akong tumira sa unit niya dahil tinulungan niya ko. Sa ngayon ang tamang gawin ay ang lumayo. Maghahanap nalang siguro ako ng bagong trabaho. Ewan! Basta walang Damon. "
"Tama ka rin. Gusto sana kitang tulungan about sa trabaho pero ayoko namang ipasok ka na naman sa club. Nagulo na buhay mo dahil sa 'kin, ayoko namang dagdagan pa. Magiging kawawa ka na talaga niyan." Aniya habang nakangiti.
Alam kong pinapagaan niya lang ang loob ko Kaya nasabi niya yun. At nagpapasalamat na ko sa kanya dahil dun.
"Okay lang. Basta ba't patitirahin mo ko dito ay sapat na sa 'kin." Wika ko.
"Aba, oo naman. Alam mo bang hindi na ko bumalik sa isa kong bahay dahil sa nangyari nun kay Luigi. Nakakainis na kasi ang lalaking yun e. Kung makapanghusga akala mo kung Sino. Tss! Pero teka, panu pala ang nanay mo?"
"Alam na ni nanay kung nasaan ako. Ayoko munang umuwi dahil alam kong masama pa ang loob ni Angela sa 'kin. Ayokong lumala ang sama ng loob niya at maisipang mag-layas. "
"Ah, sus! Iniisip mo pa talaga yan. Alam naman nating takot mag-isa ang bruhildang sisterlo mo na yun, 'di ba. Lahat sila umaasa sa 'yo Kaya bakit kailangan mo pang alalahanin ang nararamdaman nila."
"Kasi pamilya ko sila, Lucia. Kahit na hindi ako tunay na anak ni nanay at tatay tinuring ko pa rin silang tunay na pamilya at mahal ko sila."saad ko.
"A-Anong sabi mo? Hindi ka tunay na anak ng nanay at tatay mo?"
Parang huminto sa pag-ikot ang mundo ko. Wala palang may alam na ampon lang ako. Kahit si Lucia ay hindi rin alam ang tunay kong pagkatao.
BINABASA MO ANG
SECRET LOVER [FINISHED]
DragosteMy series #3 Read at your own risk. Be open minded to handle the scene. R-18. WARNING. SPG Alert