Ch. 2 Meet Mikha

527 7 0
                                    

Mihka's P o.v

Andito ako ngayon sa mall naghahanap ng poster ng Jadine, Kathniel at siempre ang aking pinakamamahal na Lizquen kahit matatanda na yung mga yon love na love ko parin sila para kasi silang totoo, kahit totoo naman ang Jadine at Kathniel pero ang Lizquen kasi para ding totoo ehh hindi gema gema lang, habang nagiikot ako ay napapansin ko na parang ang daming santa na nakasabit at kung ano ano na pang pasko hmmm... malapit na nga ang pasok haha btw.. Im Mikha Salvejo and Im no. 1 fan of those 3 famous loveteams here in the Philippines and im Proud to be filipino... haha daldal ko ba? yaan na...

Pauwi na sana ako ng may makita akong babae na parang natatakot kaya nilapitan ko at nakita kong mukang pagtitripan ito ng mga tambay kaya inawat ko na sila.. pumunta ako sa harap ng babae.

"Hep hep mga chong wag tong kaibigan ko iba nalang okay... sige tuloy niyo nayang inuman niyo" sabi ko sa kanila at hinila yung babae baka kung maano pa kami ng mga tambay nato, dinala ko siya sa bahay tutal mukang naliligaw siya ehh kaya tinangay ko na pauwi pinapasok ko siya sa bahay at siempre hindi mawawala ang mga ususero kong mga kuya sina kuya Mark at si kuya Mike na may tattoo sa daliri kambal kasi sila pero matino naman sila pareho at may trabaho na sila si kuya Mark Doctor na siya at si kuya Mike ay Fashion designer at makeup artist yeah he's gay pero hindi naman siya kagaya ng iba na nagsusuot ng pangbabae panglalaki parin ang sinusuot niya ayaw kasi ni ate at ganun din naman siya kaya okay lang samin kahit ano pa siya at ang isa naman ay ang panganay namin si ate Myra Doctor yan sa ospital namin oo namin siya nagpatayo nun kaya amin yon tse.. hehe siya ang nagtaguyod samin habang lumalaki kami wala na kasi mga parents namin naaksidente daw si dad at namatay daw si mom ng kakapanganak ko palang kaya hindi ko sila nakita.... aiii tama na nga ang drama di ko naman kwento to no eeksena lang hahaha....

Pinapasok ko ko yung babae sa kwarto ko na puno ng poster ng Jadine, Kathniel at siempre malalaki ang sa Lizquen pero mukang hindi pa niya iyon napapansin dahil nagsalita ako.

"Sorry pala kung hinila kita kanina ahh kung hindi ko kasi ginawa yun pagtitripan ka ng mga tambay ehh, ako nga pala si Mikha Salvejo at wag kang magalala nandito ka sa bahay namin... ano palang pangalan mo?" tanong ko sa kanya..

"Ahh Eriza nga pala" sabi naman niya na medyo nahihiya hmm... cute siya at parang kamuka niya ng konti si Liza at Enrique.. ayy ewan baka naadict na akong masyado sa kanila .

"Bat ka nga pala napadpad sa lugar namin? naglayas kaba?" tanong ko sa kanya ng pabiro para kasi talaga siyang naglayas ehh mejo malaki ang bagpack na dala niya... tumango naman siua sakin bilang sagot..

"Seryoso!" di makapaniwalang tanong ko... grabe nagbibiro lang naman ako kanina...

"Oo nga actually wala nga akong tutuluyan ngayon kasi wala naman akong kilala dito kaya ayun ang problema ko" sabi niya sakin nagpaparinig bato... tinignan ko lang siya... hayy.... bakit kasi ang bait ko ehh....

"Kung gusto mo dito ka muna sa bahay namin hanggang wala ka pang matutuluyan" sabi ko sa kanya bigla namang nagliwanag ang mikha niya sa sinabi ko hahaha parang bata...

"Really!... for real!.. i can stay here!?" sabi niya ayy.. nag-english naexcite yata masyado tong babaeng to.... tumango naman ako yumakap naman siya sakin at nagpasalamat...

"Ahhh hehe okay lang... ehh nga pala bakit ka pala naglayas?" tanong ko sa kanya natahimik naman siya at parang nagdadalawang isip kung sasabihin ba niya o hindi sakin ang nangyari...

"Okay lang kahit hindi mo sagutin" sabi ko naman sa kanya... pero umiling siya at nagkwento...

Habang nagkkwento siya ay hindi ko alam ang mararamdaman ko kung maaawa bako sa kanya na ganun siya katagal nakulong o matutuwa dahil sa wakas ay nakalaya na siya and for her parents ewan ko din kung mabbwisit ako dahil sa ginawa nila sa kawawang si eriza oh maiinis ako dahil sa ginawa nila kay eriza o may choices ahh wag kayong ano.... naikwento niya saakin lahat lahat at nalaman ko rin na may dalawa siyang kaibigan hindi nga ako naniwala na ngayon lang siya nakalabas ng bahay nila ehh pero ang sabi niya ay totoo daw kaya no choice ako pero hindi parin kapani paniwala na ngayon lang siya nakalabas... ikinwento niya sakin lahat hanggang sa kung papano siya nakarating sa lugar namin....

"Hayy... hindi ko alam kung maaawa bako sayo oh ano .." sabi ko sa kanya "ako nga rin ehh haha... pero okay nayun basta nakalabas nako ng bahay nayun... ahhh... mikha... alam mo kasi ano..." sabi niya na parang nahihiya.. problema nito sakin....

"Ano?" tanong ko naman sa kanya "ahhmm... pwede ba kitang maging kaibigan kung okay lang sayo feeling ko kasi mabait ka ehh at kung papayag ka" nakangiting tanogn niya sakin nginitian ko nalang  din siya at nilahad ang kamay ko kinuha naman niya ito na may ngiti sa mga labi niya..

"Yey thank you talaga Mikha at tinulungan mo ako kanina kung hindi baka kung napano nako doon sa mga lalaki nayon.. tska salamat at tinangap moko bilang kaibigan hindi mo alam kung gaano moko napasaya..." sabi niya ulit ng nakangiti... kaya napangiti nalamg din ako mas lalo pa nga siyang nagiging kamukha ni liza at enrique pag ngumungiti kuhang kuha ng labi niya ang ngiti ni liza at ang mata ni enriquen...

"Tska may isa pa sana" sabi niya na parang nagaalangan "ano yun?" tanong ko naman sa kanya.. "Ahh... diba sabi ko sayo ngayon lang ako nakalabas ng bahay namin" sabi niya na tinanguan ko naman"At dahil ngayon lang ako nakalabas di ko pa alam ang mga lugar lugar dito" sabi niya na tinanguan ko nalang ulit.."Kung pwede sa~~" pinutol ko na ang sasabihin niya dahil mas lalo pa tong hahaba at alam ko naman nadin ang gusto niyang sabihin.

"Yes pwede kang tumira dito kakausapin ko nalang sila ate at alam kong hindi mo alam ang pabalik sa inyo kaya wala kang tutuluyan diba?" sabi ko sakanya at tinanguan naman niya ako natawa nalang ako sa inasal niya hahaha ang cute niya kase...."Salamat talaga promise babawi ako" sabi nan niya natawa nalang ulit ako ang cute kasi talaga niya..

"Ahhh... Eriza since magkaibigan naman na tayo gusto mo ba ipasyal kita bukas para mas malaman mo ang pasikot sikot dito sa lugar namin para naman hindi ka na maligaw sa susunod!" sabi ko sa kanya wala lang gusto ko lang maranasan niya ang buhay ng isang teenager grabe naman kasi ang parents niya kung bakit ganun kahigpit sa kanya... hayyy... buti nalang ang lizquen sana kung magiging sila at magkakaanak man at maging isang mabuting magulang sila sa bata...

Pumasok ako sa cr at nagbihis nako ng pangbahay at nagugutom narin ako at lumabas nakita ko na nakapangbahay narin si eriza kaya inaya ko na siyang kumain at saktong lalabas na kami ng kwarto ng kumatok si kuya mike para ayain kaming kumain kaya bumaba na kami...

LizQuen's Daughter {Complete}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon