Eriza's P.o.v
Andito na kami ngayon sa reception ng kasal nila mom and dad nagtataka nga rin ako kung bakit walang reaction yung mga muka ng bisita ng si mom ang bride eh pero nasagot lang ang tanong ko nayon ng ipakita saakin ni Mikha ang totoong invitation na pangalan pala ni mom ang nakasulat sa invitation yung amin lang daw ang naiba para surprise daw, corny ni dad at talagang nag-aksaya pa siya ng papel doon ahh...
At habang naglalakad si mom papunta kay dad ay maging siya ay nagtataka sa mga nangyayari at mukang alam kong hindi pa alam ni mom ang mga nangyari nang makalapit siya kay dad ay narinig ko pa ang sinabi ni dad kay mom *All you have to do right now is to say i do and i'll explain everything later* oha corny eh oo haha...
"Hoy Eri nginingiti ngiti ko jan?" Natuon naman ang atensyon ko kay Mikha na katabi ko nga pala sa table namin parang dati lang din ang pwesto namin kagaya nung b-day ni mom ang pinagkaiba lang ay nakahiwalay sila mom saamin dahil nasa harap sila at wala na ang witch na si Jana "Ahh, hah, wala naalala ko lang yung kanina sa simbahan" sabi ko naman
"Naku panget move on na andito na tayo sa reception oh tska baka nga masundan ka pa ehh" sabi ni uncle D saakin na nakatikim naman ng batok kay tita Kath, hah buti nga sa kanya napatingin naman kami sa harap ng marinig namin na may nagbabatingting ng baso basta ganun para matawag ang pansin ng iba alam niyo yun? kung hindi bahala kayo...
"Eriza can you come here" sabi saakin ni dad kaya napunta saakin ang atensyon ng mga nakakakilala saakin pero ang ibang mga tao ay hinahanap pa kung sino ang tinatawag ni dad, tumayo nalang ako at lumapit kila mom bigla naman akong nakarinig ng mga click at flash na alam kong nanggagaling sa camera dahil hanggang dito ay may mga reporters parin, pero hindi ko nalang pinansin at tinignan nalang sila dad at mukang alam narin ni mom ang mga nangyare kung makangiti kasi eh.
"Okay every one, sa lahat ng nagtatanong pala kung totoong may anak kami ni Liza" panimula ni dad kinabahan naman ako dahil hindi pa ako ready sa mga gantong bagay at mukang nahalata ni mom yon dahil hinawakan niya ang kamay ko, napangiti nalang ako dahil kilala nga talaga ako ni mom alam na alam niya ang nararamdaman ko sa simpleng pag tingin lang sakin.
"Yes totoo iyon at eto siya ang anak namin, my one and only princess Eriza Soberano-Gil our daughter" sabi ni dad at mas lalo pang dumami ang mga flash at click ng camera hindi ko alam kung anong dapat kong ireact dahil first time namang nangyari to *Ms. Eriza ano po ang masasabi niyo na ipinakilala na kayo ng magulang niyo?* *Ms. Eriza ano po ang nararamdaman niyo ngayon?* at kung ano anong tanong pa ang naririnig ko sa mga reporter "Sige okay lang na sagutin mo ang tanong nila wag kang matakot andito lang kami sa likod mo" rinig kong sabi ni mom kaya naman nagipon ako ng lakas ng loob para masabi ko ang mga nararamdaman ko ngayon..
"Ahemm.... first of all salamat sa inyong mga dumalo sa kasal nila mom and dad, masaya po ako ngayon dahil itong araw nato ang pinaka hihintay ko sa lahat, ang maipakilala ako ng mga magulang ko sa publiko" panimula ko "Nung bata pa ako naiingit ako kila Nath at Rebs dahil buo ang pamilya nila at kilala ng tao na anak sila ng mga bigating artista at ako anak nga ako ng isa sa mga kinakikiligang loveteam pero hindi naman ako kilala at konti lang ang nakakaalam na nageexist pala ako sa mundong ito dahil buong buhay ko ngayong taon lang ako nakalabas ng bahay na kung ituring ko ay kulungan~ sorry about that mom" sabi ko ng natawa ng konti kahit may luha ng pumapatak sa mga mata ko,
"Ng tumakas ako sa bahay namin hindi ko alam kung saan ako pupunta hanggang sa magtagpo ang landas nakin ni Mikha ang isa ko pang kaibigan malas lang dahil bias niya ang mga magulang ko at may koneksyon ang pamilya niya sa parents ko, pero swerte rin dahil siya ang nagturo saakin ng halos lahat ng bagay dito sa mundo isa siya sa mga taong pinagkatiwalaan ko bukod pa kila uncle D kaya nagpapasalamat ako sa kanya" sabi ko at tumingin sa gawi niya at nakita ko na nagpupunas siya ng luha maging sila ate Myra, kuya Mike at kuya Mark
"Dahil din sa pagtakas ko mas lalo ko pang nakilala ang mga magulang ko ang gulo diba dahil nung nasa poder pa nila ako halos hindi ko rin sila makasama dahil busy sila pero nung tumakas ako doon ko naramdaman na ahh~ mahalaga pala ako sa kanila todo kasi ang tawag nila saakin non nung una akala ko kaya nila ako tinatawagan ay dahil natatakot sila na makilala ako ng ibang tao kaya nagalit din ako sa kanila pero nagbago yun ng maaksidente si mom" sabi ko ulit at tumingin kay mom
"Doon sa ospital nayon doon lang ulit kami nakapagusap ni mom ng daughter and mother talk doon ko lang din ulit naranasan ang pagmamahal ni mom saakin at doon din nagsimula akong magalit kay dad hanggang kanina ay galit ako sa kanya dahil sa pananakit niya saamin ni mom pero nung inexplain niya saakin ang lahat nawala bigla ang galit ko sa kanya at napalitan ulit ng pagmamahal ng anak sa kanyang ama at hanggang sa eto na buo na ang pamilya ko masaya ako dahil buong buhay ko eto lang ang pinangarap ko kaya nagpapasalamat ako sa mga taong talagang sumoporta at tumulong saakin sa journey ng buhay ko at proud po ako sa mga magulang ko at proud ako dahil ako ay si Eriza Soberano-Gil anak ng pinaka the best na parents sa buong mundo para saakin" sabi ko ay nakarinig nalang ako ng palakpakan ng mga tao at hiyawan nila naramdaman ko naman ang yakap nila dad mula sa likod ko at masasabi kong ang sarap sa pakiramdam non.
"Hoy panget ang drama mo ahh!" hiyaw ni hayy, sino pa nga ba edi si uncle D lang naman kaya nagtawanan ang mga tao kaya natawa nalang rin ako, nagpatuloy lang ang kasiyahan hanggang sa mukang napagod na ang iba at nagsimula na silang magsipag ubusan hanggang sa kami kami nalang ang natira dito sa venue.
"Tita Kath paki bilinan nga pala si Nath na hindi ako papayag na ligawan niya si Mikha" sabi ko kay tita Kath kahit nandito lang kami ngayon sa iisang mesa at magkakatabi lang kami nakabihis narin si dad ng normal na damit si mom nagbibihis pa ata kaya wala pa, "Hoy ano? bakit hindi ka papayag? may gusto ka sakin no?" mahangin na tanong nito kaya nakatanggal siya ng batok mula kay dad at kay Rebs "Ayan kasi napapala mo wag ka kasing nagsasasama sa dad mo" sabi ni uncle James sa kanya.
"Kaya nga kapal ng muks mo tska bata pa si mikha no alam kong may gusto rin naman sayo si mikha pero wag muna" sabi ko naman "Hoy pinagsasasabi mo jan!" Sabi naman ni Mikha saakin at talagamg may kasama pang palo "Bakit hindi ba totoo?" tanong ko dito pero pinamulahan lang naman ito hahaha.. ang cute..
"Tama na yan at tara ng umalis may pupuntahan pa tayo" singit naman ni dad "Saan dad?" tanong ko sumilay naman ang nakakalokong ngiti sa mukha ni dad "Saan ba nagpupunta ang magasawa pagkatapos ng kasal?" tanong nito saakin at talagang tumataas taas pa ang kilay nito ahhh. sa nga ba? "Honeymoon lang panget" sabi ni uncle D... honeymoon? "Gagawa ng panibagong baby yang mga magulang mo yun lang wag mo ng isipin at wala ka naman non at mukang isasama ka pa nila ahh.. sakto bantay ka nila " si tita Nadine naman yan aba kainis to ahh lagi nalang akong nilalait pansin niyo? pero bagong baby? hindi ko man alam ang sinasabi nila pero natuwa ako sa sinabi ni tita Nadine.
"Anong meron? oh ano ready ka na ba baby?" tanong ni mom na bagong dating at bihis na, "Ah, yeah mom, ahh... mom gusto ko baby girl ulit hah, sabi kasi ni dad aalis daw tayo sabi naman ni uncle D maghohoneymoon daw kayo ni dad at sabi ni tita Nadine eh gagawa daw kayo ng Baby ni dad kaya mom baby girl ang gusto ko ahh" nakangiting sabi ko kay mom bigla naman silang humagalpak ng tawa dahil sa mga sinabi ko maliban saamin ni mom namumula kasi ngayon si mom, ano namang nakakatawa don?
"Kayo talaga kung anu ano sinasabi niyo sa baby ko, umalis na nga tayo" sabi lang ni mom pero tumatawa parin sila, Ano ba talagang nakakatawa sa sinabi ko!?
THE END!!!
끝!
BINABASA MO ANG
LizQuen's Daughter {Complete}
FanfictionIm Eriza Soberano-Gil and yeah Im lizquen's hidden daughter... why hidden lets all find out.. Don't judge my story im not as good as the others but i will try my best... thankz... MU-ah