Eriza's P.o.v
"Anung meron? ba't nandito tayo? tska bakit pati kayo? teka nga ano bang nangyayare?" nagtatakang tanong ko sa kanila, sino bang hindi magtataka eh ikaw ba naman bigla ka nalang hilahin ng kaibigan mo sa isang kwarto at makikita mo nalang na nandun ang iban mo pang kaibigan maging sila uncle D at Uncle James ay kasama rin at pati si Jana na nakaupo sa gitna na galit na galit na nakatingin sakin? bakit nanaman kakapasok ko lang ahh wala naman akong ginagawa ahh..
"Ang kupad mo pangit naiinip nakong makita ang mukha ng witch na nambugbog sayo ehh" si uncle D yan "Huh? pinagsasasabi niyo jan ano bang meron tska ba't nandito tayong lahat konting oras nalang magsisimula na yung kasumpa sumpang kasal oh" sabi ko naman nakita ko naman na mas lalong nagalit ang itsura ni Jana saakin bahala siya jan tse! "Princess okay ka lang? okay lang talaga sayo na maikasal ang dad mo sa babaeng to? kung kami ngang hindi kaano ano todo tanggi kami tas ikaw na anak okay lang." si uncle james yan, eh ano pa ba kasing magagawa ko si mom nga tinanggap na eh ano naman ako wala na rin naman akong magagawa eh diba?
"Siempre hindi no, eh anu pa bang magagawa ko eh maging si mom sumuko na" sabi ko naman "Pss tapos na ba kayo pwede na kayong lumabas ng makapag ayos nako at pwede ba ialis niyo nga sa harapan ko yang anak ng b*tch nayan " ay oo nga pala kasama nga pala namin tong si witch nakalimutan ko at ano anak ng b*tch! ako!"Sino nagsabing pwede kang magsalita aber?" mataray na tanong ni Mikha kay Jana di ko nalang din pinansin ang sinabi niya, tinignan niya naman ng masama si mikha "wag ka munang maexcite at may ipapapanood pa kami sayong magandang movie" ow...kay ano talagang nangyayari?
Lumapit naman si nath sa projector at biglang may lumabas na mga imahe doon "Enjoy" dugtong pa ni Mikha at bilang nag play ang video at mga imahe niya na may kahalikang ibang lalake bukod kay dad at sa lalake sa balita at meron ding mga video..
"Hahahaha... yan naba ang movie na sinasabi niyo?" tanong ni Jana kay Mikha ng matapos ang video at talaga namang nakakapanginig ng buto ang mukha niya aba ang galing niya magtago ahh hindi na siya nakuntento sa isang lalaki niya mas marami pa pala "Pss, kahit anong gawin niyo na pigilan ang kasal ko wala na kayong magagawa, bulag sa pagmamahal sakin yang tanga niyong idol kaya kahit ano pang paninira niyo sakin ay hindi niya paniniwalaan" dugtong pa niya arggg! nakakainis siya nakakabwisit gusto ko siyang saktan sabunutan at itapon sa kumukulong lava at pakainin ng nagbabagang apoy pero wala rin namang mangyayari dahil tama naman siya, tama siya na tanga si dad pag dating sa kanya, napakuyom nalang ako ng kamao ko dahil yun nalang ang kaya kong gawin sa mga oras nato...
"Talaga ba? Jana?" napatingin ako sa likod ko ng marinig ko ang boses nayon "Babe! babe help me pinagtutulungan nila ako oh" sabi ni Jana at talagang may paawa epek pa siyang nalalaman di bagay sa kanya pwe! at oo tama kayo si dad ang nasa likod ko ngayon na kakapasok lang ng pinto "Tama na ang drama Jana, tapos na ang kontrata mo sa istoryang ginawa ko kaya pwede na kitang alisin, tanggalin sa buhay ko ano mang oras" huh? pinagsasasabi ni dad? at wait tama ba yung narinig ko hindi nagalit saamin si dad at kami ang kinampihan niya? ano bang nangyayari kanina pa to ahh..
"Babe anung ibig kong sabihin? pinagtutulungan nila ako oh tulungan moko" sabi pa niya ulit "Tama na Jana! tapos nako sa pangongontrol mo saakin!" sabi ni dad, pangongontrol? anong pangongontrol naman ngayon ang sinasabi ni dad kung kayo naguguluhan ako rin naguguluhan kaya wag na kayong umarte jan piece yow...
Napansin ko naman na nagbago ang timpla ng mukha ni Jana kung kanina ay paawa epek ngayon ay witch na ulit siya at nakatingin siya ng masama kay dad "Enrique andito na sila" sabi ng isang boses lalaki na kakapasok lang at may mga pulis din na pumasok, para saan yung mga pulis?
"Jana Aguilar, may warrant of arrest kami laban sayo kaya mabuti pang sumama ka na lang saamin sa prisinto at doon nalang tayo magusap usap" sabi ng pulis at dinakip nila si Jana pero nagpumiglas ito "Anong palabas to babe! bakit kailangan kong sumama sa kanila! hoy Enrique tandaan mo may hawak akong alas sayo!" pagbabanta ni Jana kay dad "Yeah, dati pero hindi na ngayon dahil kalat na diba." sabi lang ni dad at nginitian ng nangiinis kay Jana "Arrggg! magbabayad kayong lahat!" sabi nito ng tuluyan siyang damputin ng mga pulis at lumabas ng kwarto..
lumingon ako sa gawi ni dad at napansin ko rin ang lalaking huling pumasok kanina pwera sa mga pulis 😱 "Ikaw! dad bakit kasama mo siya! siya yung nangbablackmail sakin eh! dapat ipadampot din siya!" sabi ko kay dad katabi niya kasi si mr. na nang bablackmail saakin yung ilalabas niya raw ang tungkol saakin kapag hindi ko daw napaghiwalay sila dad at Jana, "Hey, hey, relax okay, he's my manager btw" sabi ni dad wait~ what!? manager niya yung blackmailer! "How come dad eh siya nga yung nangbablackmail sakin! at ano bang nangyayare?" tanong ko dahil alam kong kayo rin ay gulong gulo na sa lahat ng nangyayari,
Ikinwento saakin ni dad lahat simula umpisa, noon daw wala talaga siyang balak na iwan si mom nung ipinanganak nako kahit nung ipinagbubuntis palang ako ni mom kaya lang masyado pang bata sila nung mga panahon nayon kaya pinlano nilang itago ang tungkol sakin, naiintindihan ko naman yon dahil bata pa naman talaga sila non.
So ayun nga kaya lang ay biglang pumasok sa buhay nila si Jana na noon palang daw ay patay na patay na kay dad nalaman niya na nagkaroon ng anak sila mom and dad which is ako nga at ayun ang ginawa niyang pang blackmail kay dad, sabi niya ay ilalabas niya raw yun kapag hindi daw napasakanya si dad, kita mo nga naman ang nagagawa ng pagibig sa tao tsk tsk...
Nung mga panahong iyon wala ng maisip pa na ibang paraan si dad kundi ang iwanan kami ni mom at pumayag sa plano ni Jana na maging sila pero ang hindi lang alam ni Jana ay alam ni dad lahat ng sikreto niya maging ang mismong pangblackmail ni Jana kay dad ay nairecord ni dad ng hindi niya nalalaman, marami pang mga sikreto ang nalaman ni dad kay Jana kasama na ang plano nitong agawin ang lahat ng yaman na pinaghirapan ni dad at yung iba hindi na niya sinabi sakin baka daw kasi hindi ko kayanin arte ni dad no..
Hinintay lang ni dad ang dumating ang araw na makawala na siya kay Jana at eto na nga ang araw nayon, nalaman ko rin na pati sila uncle D ay kinunchaba niya dito lahat sila maging ang pag huli ko kay jana at Nath sa elevator ay alam nila pati ang mga balita tungkol sa kanila ay sila dad din ang may gawa at yung manager niya ay alam din ang mga plano ni dad nayon kaya nakisama narin siya pero ang hindi lang daw nila ineexpect ay ang nangyaring pananakit sakin ni Jana.. nung mga panahon daw nayon ay gustong gusto ng saktan ni dad si Jana pero nagpigil siya dahil alam niyang hindi pa oras at yung mga pinapakita niya na walang siyang paki saakin~ saamin ni mom ay acting lang din para daw kapani paniwala.
"So ayun, sana ay mapatawad moko , ginawa ko lang naman yon para sa inyo at para matesting ko na din yang tapang mo at pagmamahal mo sakin bilang ama mo kung hanggang saan ang kaya mong tiisin, pero mukang huli na dahil galit kana saakin dahil sumuko kana saakin" sabi ni dad hindi ko na napigilan ang sarili ko at nakatikim na nang dagok saakin si dad "Loko ka ba dad!, sa tingin mo ba hindi kita mahal ng halos gabi gabi ay hinihiling ko na sana matauhan ka na sa katangahan mo, na halos gabi gabi ay umiiyak ako dahil sa mga pagdedeny mo sakin huh dad!" sabi ko kay dad at napaiyak nalang dahil sa tuwa na nararamdaman ko nalang na niyakap ako ni dad kaya naman napayakap narin ako...
"Dad alam mo ba noon naisip ko na kaya ka naghanap ng iba ay baka panget kami ni mom at kapalit-palit" sabi ko alam niyo ba yung line nayan? hehehe ginagaya ko lang "Siempre hinde" sabi naman ni dad "Then why!?" sigaw ko kay dad aba anak ata ng artist~Aray!! "Tska ka na magartista Eriza hahaha" sabi lang ni dad sakin bwisit si dad ahh kinurot ba naman yung pisngi ko.. *pout*
"Eh dad ano na palang plano mo ngayong wala na yung pakakasalan mo? ihihinto ba natin ang kasal?" tanong ko kay dad pagkahiwalay ko ng yakap sa kanya "Huh? kasama mo ang mom mo diba?" tanong nito saakin tumango naman ako "Edi tuloy ang kasal tara na at magsisimula na ang kasal ko dali" sabi ni dad at hinila ako naguguluhan man ay nagpahila nalang ako kay dad, siguro ay eto nadin ang araw na pinakahihintay ko ang araw na mabuo na ang family ko, goodbye Jana na at goodbye lonely days na..
끝!
BINABASA MO ANG
LizQuen's Daughter {Complete}
FanfictionIm Eriza Soberano-Gil and yeah Im lizquen's hidden daughter... why hidden lets all find out.. Don't judge my story im not as good as the others but i will try my best... thankz... MU-ah