Ch. 5 Mall show

337 9 0
                                    

Eriza's P.o.v

"Eri bilisan mo baka nagsisimula nayon dali!!" pagmamadali sakin ni Mikha nandito kami ngayon sa mall hindi ko alam kung bakit basta dinala niya nalang ako dito ng walang pasabi may artista daw na pupunta ehh wala naman akong hilig sa kanila ehh..

"San ba kasi tayo pupunta... tska sinabi ko na sayo na wala akong hilig sa mga artista diba?" sabi ko sa kanya ng walang gana totoo naman kasi sabi ko sakanya yon kani kanila lang..

"Ehh si papa Quen kasi may mall show sya kaya samahan mokong manuod.. bilisan mo na baka mahule pa tayo ano ba!" sabi niya habang hawak hawak ang kamay ko at kinakaladkad ako.. papa Quen as in Enrique Gil! my dad!... no... hindi pwede...!

"Ahh... Mikha magccr lang ako pwede ba?" tanong ko sa kanya please sana umobra ang palusot ko sana...

"No... sasamahan moko kakaihi lang natin ehh tska alam kong tatakas kalang... sige na kasi friend kahit ngayon lang ang tagal ko na kasing hinitay na makita ulit si Papa Quen sa personal ehh please.." sabi naman niya sakin.. aisshhh... bahala na nga...

"Fine let's go" sabi ko naman at natuwa naman siya pumunta naman kami sa venue ng show ni Enrique which is my dad at buti nalang at maraming tao kaya mejo nasa dulo kami at madilim pa sa gawi namin..

"Aish... di ko makita... excuse me.... excuse me... aii aray.. excuse me.." sabi ni mikha pano kasi sumisingit siya papuntang harap at pati ako at dinadamay pa...

"Miss ano ba!.. nauna kami dito kaya doon kayo sa likod!" Pagtataray samin ng babae.. grabe naman to nageexcyse na nga kami ehh..."Bakit miss pagmamayari mo ba tong mall huh!.." ganti naman ni mikha.. aish... eto namang babaeng to manong hindi nalang niya pansinin... "At bakit sayo rin ba tong mall huh...!" sigaw naman ng babae kaya napatingin saamin ang ibang tao buti nalang at nag start na ang show ni dad kundi mukang magkakainitan pa silang dalawa ng babae...

Habang nagsasayaw si dad ay hindi ko maiwasang hindi mamangha sa kanya dahil magaling siya ako rin naman ay marunong sumayaw siempre King of the Gil ang dad ko sa katunayan ay may youtube account nga ako at doon ko inuupload lahat ng sayaw ko doon ko lang din kasi nalalabas ang sama ng loob so sa mga magulang ko oh hah... masingit lang... back na....

Kahit alam kong magaling si dad ay namamangha parin ako pag nakikita ko siyang sumayaw kung hindi lang siguro siya ang dad ko ay baka isa rin ako sa mga fangirls niya kagaya nalang nitong si Mikha at ng babaeng muntik na niyang makaaway kanina na tili sila ng tili na kala mo wala ng bukas ako naman ay nakatakip lang ang tenga ko dahil sa ingay nilang lahat.. natapos ang sayaw ni dad at ngayon ay kumakanta na siya at isa isa niyang nilalapitan ang mga fans niya at kinakamayan.. kung sila ay kinikilig ako naman ay kabang kaba na at natatakot na baka makita niya ako...

Unti unting lumalapit sa pwesto namin si dad.. No.... please no.... kinakabahan nako dahil konting konti nalang ay nasa tapat ko na si dad isa isa na niyang kinakamayan ang mga fans niya.. hanggang sa makalapit siya samin kinamayan niya si Mikha na kala mo mamamatay na sa kilig at sobrang makatili pati ang babaeng muntik ng makaaway ni Mikha kanina ay ganun din ang reaction ako naman ay nakayuko lang nagbabakasakaling hindi niya ako mapansin at buti nalang magkaibigan kami ni panahon pagkakataon at ng sitwasyon kaya eto hinihitak ako ni dad papuntang gitna bwisit!... malapit ng matapos ang kanta ni dad at ang iba ay halatang ingit na ingit sa sitwasyon ko tss... akala lang nila ako nga kabang kaba na baka kasi anong gawin nitong si dad alam kong galit din sakin yan dahil sa pang ssnob ko sa texts at calls niya..

Nang matapos ang kanta ay niyakap ako ni dad at mas lalong kinilig at naingit naman ang mga fans ni  dad.. "Pumunta ka ng fansigning ko mamaya" sabi niya sakin bago siya bumitaw sakin at hinatid ako pabalik sa pwesto ko kanina... ano yun... yun na yon? tska aanhin ko yung sign ni dad ehh dad ko naman siya pwede kong hingin sa kanya yon anytime ay oo nga dati umalis na nga pala ako ng bahay, pero kahit na..

Natapos ang mall show ni dad at ngayon ay fansigning na niya sinunod ko nalang ang utos niya na pumunta doon sabi niya kasi ehh... at kanina pa rin sinasabi sakin ni mikha na naiingit daw siya dahil siya raw ang fan na fan ni dad ako daw ang inakap hayy.... sana nga ikaw nalang...

Nandito na kami ngayon sa fansigning ni dad at napakaraming tao dito wow huh.. para lang sa sign up pumupila sila ng napakahaba grabe.... matagal tagal narin kaming nakatayo at si Mikha na ang binibigyan ni dad ng sign niya at siempre ayun halos mahimatay sa kilig ng biglang natahimik ang mga fans ng may isang tao ang papunta sa tabi ni dad na malanding lumalakad palapit sa pwesto ni dad kaya sakanya napunta ang atensyon ng lahat.. well siya lang naman si Jana Aguilar isang runway model ang so called girlfriend ni dad marami ang galit sa kanya dahil panira daw suya ng Lizquen ehh para sakin naman panira siya ng pamilya tse!... nakita kong kiniss niya si dad sa pisngi at nginitian naman siya ni dad at umupo pa talaga siya sa tabi ni dad huh... fan signing niya.. imbitado... edi siya na.. tss... nakakawalang gana.. aalis na sana ako eh nakatalikod nako kay dad eh kaya lang nag nagsalita siya..

"Miss it's your turn" rinig kong sabi ni dad at alam kong ako ang sinasabihan niya.."No it's okay sinamahan ko lang ang kaibigan ko" sabi ko sa kanya at nginitian ko naman siya tumingin siya sakin na parang sinasabi niya na hindi-ka-ba-lalapit look pero hindi niya pinahalata sa mga fans niya..."No it's okay since sinamahan mo naman ang kaibigan mo dito pasasalamat ko nalang sayo dahil sinamahan mo ang isa sa mga fans ko" sabi niya sakin kaya no choice ako dahil pinagtitinginan narin kami ng mga fans niya kaya lumapit nako sa kanya at ibinaba ang papel na hawak ko at pinirmahan naman niya ito... "Tss... aarte pa kasi" rinig kong sabi ni jana kaya tinignan ko siya at nakangiti naman siya sakin oh diba... ang ganda ng ugali niya inirapan ko nalang siya sanay naman ako nun no napapanood ko kaya yon... binigay na sakin ni dad ang papel at ng kinuha ko ay parang may matigas sa ilalim nito kaya tinignan ko..

"Card?" tanong ko ng mahina at tinignan ko si dad tumayo naman ito at binulungan ako pero parang nakayakap siya sakin "use it in case of emergency" sabi nito saakin at umuoo na ulit nginitian ko naman ito at binaling ko ang tingin ko kay jana at dunilaan ito.. huh... manigas siya dun...

끝!

LizQuen's Daughter {Complete}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon