2nd Battle: The East Men

33 0 0
                                    

David got out of his Limo nang makarinig siya ng tilian ng mga babae.

"Oh my goooooosh! D-david! David, I love you!" -A girl shouted.

"David! Be the father of my children!" -Another girl shouted.

"OMG! David please take my virginity!" -Yet another girl shouted.

David Garcia only smirked inwardly and continued to walk na para bang wala siyang naririnig. Well, sino ba naman ang hindi masasanay sa tilian na iyon kung simula noong pagtungtong mo ng college eh ganto na lagi ang eksena?

"Yo! Dave, may meeting with the Dean mamaya." Bungad kaagad kay David ni Gerald Dela Cruz, ang tumatayong Vice-President niya. At syempre si David and President.

Sa totoo niyan, mga Student Council Member sila. At ang East Campus ang kanilang pinamumunuan. Oo, mga Student Council Member din ang mga namamahala sa West Campus. Marahil nagtataka kayo kung bakit may dalawang Student Council sa iisang university?

Sa sobrang laki kasi ng  campus nila, kinailangan nilang gumawa ng dalawang mamamahala sa mga estudyante dahil hindi kakayanin ng isa lang. Thus, nangyari ang East at West Campus.

Pero since ang East Campus talaga ang original na SC noon, sakanila napunta ang SC office. Meron din namang office na ginawa sa West Campus pero balita nila ay pinapagamit ito ng West Goddess sa mga Department Leader nila dahil may ibang lugar na ginagamit ang SC ng West Campus.

At since nahati ang campus nila, hindi naiwasan ng dalawang campus ang magkairingan lagi, o kaya ay magkakompetesya sa isang laban. Both campus wants to be at the top, and they will do anything just to claim the throne.

"Tayo lang ba o kasama ang SC ng West Campus?" Tanong ni David nang makaupo na siya sa kanyang lamesa.

"I think kasama sila." Sabi naman ni Anthony Mendoza habang ang tingin ay sa mga papel na hawak nito, Anthony is the secretary ng SC.

Napangiti naman si David sa narinig. So and'on si Juliet? This day couldn't be better. Anya sa sarili.

***

Tapos na ang lunch time at oras na para kanila Juliet upang magtungo sa Dean's office.

"Juls, may report nga pala yung department 2 kanina, Maya said nagkaroon daw ng gulo kagabi sa canteen." Biglang ani Monique kay Juliet habang naglalakad sila.

"Tsk, Monique! Why didn't you mention this kanina nang nasa CH pa tayo?" Medyo inis na ani Juliet.  Ayaw kasi niyang hindi agad nalalaman ang mga report ng bawat department niya dahil kapag gantong may gusot, mahihirapan siyang ayusin ito agad.

"Hello, makalimutin ako, diba? So just be greatful na naalala ko pa siya ngayon. Unlike dati na umaabot ng tatlong araw bago ko maalala." Komento ni Monique. Oo, ulyanin ang dalagang  ito. Suuuper.

"Tsk. Niña, call Maya. Tell her kakausapin ko siya regarding sa report niya after school hours." Sabi na lang ni Juliet.

Juliet might be heartless, pero alam niya ang mga responsibilidad niya bilang pinuno.

"Kie." Tipid lang na sagot ni Niña bago inilabas ang iPhone nito at nagdial ng number.

"And Monique, please, next time, can you just write the report on a sticky note tapos ilagay mo sa desk ko nang malaman ko kaagad?" Si Juliet.

"Yeah. Sure. I'll try to remember that." Wika ni Monique.

Hindi tuloy alam ni Juliet kung seryoso ba si Monique sa sinabi nito o she's just being sarcastic?

Pero hinayaan na lang ito ni Juliet.

Nang malapit na ang West Goddess sa office ng kanilang Dean ay saka lang naramdaman ni Juliet ang pagtawag sa kanya ng kalikasan.

Battle For The Throne And LoveWhere stories live. Discover now