10th Battle: Jealousy Brings Out Your Deepest Emotions

26 0 0
                                    

"Joshua, anong nangyayari? Bakit ang taas ng lamang nila sa inyo?" Bungad kaagad nito nang makalapit siya sa binata. Halata sa itsura ni Juliet ang galit. Pero kahit na nakakunot ang noo niya ay hindi maikakaila ang ganda nito.

"Here, tubig para malamigan kayo." Narinig ni Juliet na ani Monique sa isa pang player.

"What happened?" Si Niña naman habang kausap ang isa pang player.

"Wala kasi kayo. You promised na iche-cheer niyo kami." Maktol ni Joshua. Nakikita niya sa bench ng mga East Campus ang tatlong lalaking nanlilisik ang mga mata. "By the way, hot outfit." He commented.

Napabuntong hininga si Juliet kasabay ng paghawak niya sa noo niya. "Fine, andito na kami. We'll cheer for you guys. Pero don't expect us to do what the cheerleaders do. Simpleng pagche-cheer lang ang gagawin namin." Anito as if defeated.

Joshua stood up and patted Juliet's head. "That's my girl." Anyang nakangiti.

"I'm not your girl." Nagpout si Juliet.

"Your my girl." Kulit ni Joshua sabay pisil sa magkabilang pisngi ni Juliet.

***

"That's it! Makakatikim talaga ang Joshua na yan sakin!" Sigaw ni David matapos itapon ang basong may lamang tubig. Tatayo na sana siya upang maghamon ng suntukan pero napigilan siya nila Anthony at Gerald.

"Hey, hey. Calm down pare. We know how you feel, pero we can't risk to be disqualified at matalo dito. Dahil kapag nagtuloy-tuloy ang talo natin, mas lalong mahihirapan tayong makuha sila Niña." Sabi ni Anthony.

Napahinto man si David ay nanlilisik pa din ang mga mata niyang nakatingin sa hampaslupang nilalang na kausap ng kanyang Angel.

"Mananalo tayo sa Battle na ito..." He said.

***

Nag-umpisa na ulit ang laban at nagche-cheer na sila Juliet. Pero simpleng mga, "Go! West Team!", "Galingan mo, Joshua!", at "Bumawi tayo, guys!" ang mga sinasabi nila.

Unti-unting nakahabol ang West Team dahil sa mas lalo silang ginanahan sa paglalaro dahil may mga magagandang dilag ang nagche-cheer sa kanila.

Samantalang distracted sila David, Anthony at Gerald dahil ang dahilan ng kanilang paglalaro ay iba ang sinisigaw na pangalan.

Nagtagal pa ang laro at neck-on-neck na ang labanan ng score ng parehong campus.

Napatingin si Juliet sa score board. Home (East Team): 120 at Visitors (West Team): 118. Tsk, lamang sila ng 2 points. Kailangan maka 3 points kami. Sabi nito sa sarili.

Napaisip si Juliet kung ano ang magandang sabihin para mas lalong magpursige ang team nila, nang--.

Hehe, alam ko na. "Joshua! Pagnanalo kayo, my kiss kayong lahat sa sa amin!" Malakas na sigaw ni Juliet.

Nanlaki ang mga mata ni Niña at Monique sa narinig.

Napahinto ang lahat sa pagtakbo at napanganga. Pati sila David ay nagulat.

"Yun, oh! Team! Kailangan nating manalo!" Para bang narefill-an ng energy ang West Team at agad na inagaw ang bola sa mga nakatunganga pang East Team.

***

Time skips at natapos na ang laban.

"Fvck!" Galit na galit na ani David habang sinisipa ang locker nila sa shower room.

Sinuntok naman ni Gerald ang locker niya, samantalang nakangangang nakatulala si Anthony.

"Natalo tayo." Mahinang wika ni Jason, halatang nanlulumo din.

Battle For The Throne And LoveWhere stories live. Discover now