"I-ikaw mismo n-nagsabi noon. Why do you have to concern yourself now?" Unti-unting tumulo ang luha ni Monique at nakaramdam ng galit sa sarili si Gerald.
"M-monique..." He said softly, pero hanggang doon lang. Hindi na niya alam pa ang susunod na sasabihin.
"I-ikaw ang nag-umpisa, Gerald. And I w-want to keep it this way. I don't wanna be the old Monique na nakilala mo noon." I don't wanna be the Monique na minahal ka ng sobra. Then, with all her might, she pushed the guy and tried to run away as fast as she can.
Habang tumatakbo ay para bang may isang TV sa utak niya at ipinapalabas ang mga ala-alang ayaw na niyang balikan pa...
"Monique, this is the picture of your fianceé." Kinuha ni Monique ang larawan na iniabot sa kanya ng kanyang Mommy.
Napangiti si Monique dahil kilala niya ang lalaking ito. Siya si Gerald. Gerald Dela Cruz. Schoolmate niya ngayong HS siya sa PU. Kabarkada nito ang bestfriend na lalaki ni Juliet na si David. At matagal na siyang may paghanga sa binata.
"This is Gerald, 'My. I know him." Anya.
Napangiti naman ang kanyang Mommy. "Its good to know that you like him. Ngayon, hindi na kami mahihirapang isagawa ang engagement niyo." Sabi nito. "This Friday, we will officially meet the guy. So, be ready and impress his family, okay?"
"Yes, Mommy."
***
Time skips at Friday na, kasalukuyang nasa private restaurant ang pamilya ni Monique at ang mga magulang ni Gerald, samantalang ang kanyang soon-to-be-fianceé ay on the way pa lang sa naturang restaurant.
"Mom, magugustuhan po kaya ako ni Gerald as his fianceé?" Inosenteng tanong ni Monique.
Although mag-schoolmate silang dalawa ay hindi sila gaan'on masyadong nakakapag-usap dahil sa ang grupo nila Gerald at David ay competitive sa grupo nila Juliet at Monique.
Ngumiti ang kanyang Mommy. "It seems na gusto ka na nila Mr. & Mrs. Dela Cruz. So bakit naman hindi ka magugustuhan ng kanilang anak?" Encouragement na ani ng kanyang Mommy.
Monique smiled to herself. Sana, magustuhan niya ako. She silently prayed.
"Hello? Son, asan ka na ba? Aba, nakakahiya sa magiging balae ko na sobrang late ang magiging manugang nila." Narinig ni Monique na sabi ni Mrs. Dela Cruz. Busy din ang Mommy niya sa kausap nito sa telepono.
"Son, please... Don't say that... Hindi mo--... Look... No... You listen to me young man! You are to come here and meet--... Look, please Gerald... For me... Thank you... Okay..."
Napakunot ang noo si Monique. Base sa naging pag-uusap ni Mrs. Dela Cruz at Gerald sa phone ay paarang may paparating na hindi maganda.
Napabuntong hininga na lang si Monique, and prayed silently again.
***
Ilang minuto pa ang lumipas at naisipan ni Monique na pagpahangin muna sa labas.
Naisipan ni Monique na puntahan ang garden na nakita niya kanina.
"Anong ibig mong sabihin, Gerald?"
Napahinto si Monique. Boses iyon ni Mr. Dela Cruz, ah? Gerald? Dumating na ba siya? Ang bilis naman. Sabi niya sa isip.
"Pa, I don't wanna get engaged sa taong hindi ko kilala. At lalong-lalo na kung dahil lang sa business."
Tuloyan nang nakinig si Monique sa usapan nila. Si Gerald!
KAMU SEDANG MEMBACA
Battle For The Throne And Love
RomansaEast and West Campus had looooong started a battle. A battle of who gets the 'throne'. Pero papaano kung ngayong taon, hindi lang ang naturang 'throne' ang hingiin ng East Campus na prize, kundi pati ang West Student Council mismo kapag ang East Ca...