12th Battle: The Answers And The Explanations

27 0 0
                                    

'Kailan?' Isang tanong na tanging si Monique lang ang nakakaalam ng sagot. 'Kailan ko nga ba minahal ang isang Gerald Dela Cruz?'

Idinilat ni Monique ang kanyang mga mata. Kailangan na niyang puntahan sina Juliet dahil baka nag-aalala na ang mga ito sa kaibigan nilang nawawala.

Sinimulan ni Monique ang paglakad, kasabay ng pagtanaw niya sa nakaraan... Ang dahilan ng labis na pagmamahal niya noon kay Gerald. Ang sagot sa katanungang 'kailan?'...

Naglalaro ng swing isang hapon ang anim na taong gulang na si Monique sa park na di kalayuan sa may village nila.

Siya lang mag-isa sa swing, samantalang ang lahat ng bata ay naglalaro ng habulan, mataya-taya, o di kaya ay tagotaguan.

Wala pang kaibigan ang batang si Monique dahil sa nagbabakasyon lang sila noon sa village na iyon.

Napabuntong hininga ang maliit na Monique at napaisip kung kailan nga ba siya magkakaroon ng kaibigan sa bagong lugar na iyon.

Pero para bang may nakarinig sa itaas ng kanyang hiling, ay saktong may isang batang lalaki ang tumambad sa harapan niya.

Napatingala si Monique.

"Bata, gusto mo bang itulak kita para mas malayo ang marating ng swing mo?" Tanong ng isang batang lalaki. Ang tansiya ni Monique sy sing-edad niya din ito.

Ngumiti ng mapalad ang batang babae saka tumango ng mabilis.

"Ako nga pala si Gerald." Pakilala ng batang lalaki bago pumunta sa likod ni Monique at inumpisahang itulak ang swing nito.

Simula noon, hindi na nakalimutan ni Monique ang batang lalaki, ngunit dahil nga sa nagbabakasyon lang sila noon ay hindi nagtagal ang kanilang pagkakaibigan.

Sobrang nanlumo ang batang Monique dahil hindi na niya pa makikita ang batang lalaking iyon.

Ngunit, muli atang may nakarinig kay Monique sa itaas dahil, maypasok niya ng High School sa Polo University at nalaman niyang school mate pala niya ito.

Ngunit, mukhang hindi nakilala ni Gerald si Monique.

***

"Oh, Monique, san ka ba galing? Tinatawagan ka namin, ah." Tawag ni Juliet rito. Nagulat si Monique sa tumawag sa kanya. Nagkasalubong kasi silang tatlo sa corridor.

Napahinto ang dalaga at napakamot sa noo. "Hehe... Sorry, I kinda got lost." She lied.

Nagpout si Niña, "paanong nawala ka, eh halos parehas lang ng facilities ang West at East Campus. Ultimo fountain, parehong nasa gitna ng magkaibang campus." Anito.

Mas lalong tumawa ng pilit si Monique, "gabi na kasi. Kaya hindi ko na matandaan." Again, she lied.

"Tama ka, gabi na. Kaya umuwi na tayong tatlo." Juliet said then started walking.

Sinundan naman siya ng dalawa pa niyang kaibigan.

After this Battle, kapag nanalo kami, mapasayo na ang kalayaan mo, Gerald. She silently said.

***

Samantala, sa di kalayuan ay tinatanaw lang ni Gerald ang babaeng may hawak ng puso niyang maglakad kasama ng dalawa nitong mga kaibigan.

Really, Monique... Kung ako bulag noon, ikaw naman manhid ngayon. He silently smiled. How ironic this is, yung dating nagmamahal sa kanya ng patago ay siyang minahal niya ngayon ng patago.

"Paano ko ba maibabalik ang dati?"...

"Shit, anong gagawin ko dito pare? Kulang na kulang ako sa oras. Hindi ko pa natatapos itong nakaassign sakin." Ani Gerald sa kaibigan. Ang tinutukoy niya ay ang dingding na kailangan niyang pinturahan. Hindi naman talaga siya magagahol sa oras kung di lang dahil sa ibang bagay na kailangan niyang asikasuhin kaagad.

Battle For The Throne And LoveWhere stories live. Discover now