7th Battle: Lea, From Department One

21 0 0
                                    

It was Saturday morning, and Juliet was taking her walk sa park ng Village nila.

One week na lang, mag-uumpisa na ulit ang Battle. Ani sa sarili ni Juliet. Katulad ng mga nakaraang taon ay busy ang lahat sa paghahanda ng mga kakailanganin sa Battle. Kaya, habang may bakanteng oras pa si Juliet ay sinusulit na niya ito. Panigurado kasing haggard sila ng isang buong buwan for the Battle.

Nagpatuloy siyang maglalad hanggang sa narinig niya ang isang sigaw ng galit na babae. Pamilyar ang boses na iyon, pero dahil alam niyang masama ang makinig sa usapan ng ibang tao ay, minabuti niyang dumaan na lang sa ibang routa.

Pero nang tatalikod na sana siya ay napahinto siya sa narinig.

"If you really love me, magpapatalo ka sa Battle!" Ani ng babae.

Napaisip si Juliet. Battle? Sa university ba namin sila nag-aaral? Anong Campus? Kay David ba? Kaya ba confident silang mananalo ngayong taon ay dahil sinusuhulan niya ang mga West Civilian? Tanong niya sa sarili.

"I love you, so much. Pero hindi ko kaya ang pinapagawa mo." Ani ng lalaki.

Hindi na napigilan ni Juliet ang sarili, kailangan na niyang makialam at pagsabihan ang babaeng nanunuhol ng kanyang pag-ibig para lang manalo sila sa Battle.

Pero laking gulat ni Juliet ng ang makita ang babaeng akala niya ay sugo ng East Campus.

"Lea?" Halata sa mukha ni Juliet ang gulat. Mukhang baliktad ang kinalabasan ng kanyang hinala.

Tama ba itong nakikita niya? Si Lea na taga West Campus ay sinusuhulan ang isang Star Player ng East Campus para sila ang manalo?

Sabay na napalingon ang dalawang tao na kanina'y nag-uusap.

Rumehistro agad ang gulat sa itsura ni Lea, at gan'on din sa lalaki.

"Anong ibig sabihin nito?" Unti-unti nang lumalabas ang galit sa tinig ni Juliet habang nakatingin kay Lea.

As much as gusto niyang manalo, ayaw na ayaw na naman niyang mandaya sa kahit na anong paraan.

"Ms. Sandoval, please, wag po kayong magalit kay Lea. Hindi niya po to sinasadya." Depensa agad ng lalaki.

Juliet glared at the guy, and heck napashiver ito. If looks could kill. Ani ng binata sa sarili.

"Stay out of this, East Civilian. This is now between Lea and I." She said in a cold voice.

Sinulyapan ni Lea ang lalaki. "Mauna ka na, Jason. My goddess wants to talk to me." Anya sa mahinahong boses. Pero deep inside, natatakot na siya sa kalalabasan ng pag-uusap nila.

'My goddess' ang tawag kadalasan ng mga West Civilian at DL sakanila Juliet.

Tumango si Jason at sinunod ang kanyang mahal.

Hinantay muna ni Juliet na makaalis ang lalaki bago nagsalita, "explain." She said. Still in a cold voice.

Bumuntong hininga muna si Lea. "I want us to win. Nalaman naming mga DL ang patungkol sa 'bet' na ginawa ng mga East Men, and I want them to pay for even thinking na pwede kayo nilang utusan pag nanalo sila. So, kahit na alam kung ayaw mo ang mag-'cheat' ay nag-risk ako para masigurado natin ang panalo natin." Lea said.

Sobrang loyal ng mga DL sa West Goddess, hindi lang dahil sa magaling na ruler sila Juliet, kundi dahil, minsan nang binago ng mga West Goddess ang buhay ng limang DL. And it was for the better.

Katulad na lang ni Lea, dati siyang rebel. She would go against any rule and break it. She was a play girl, she even used to take drugs, and she was one of those people that would pick a fight with anyone who'd look her way.

She was a waste.

Pero nang makilala niya sila Juliet, Niña at Monique, she saw the world differently.

Para bang lumiwanag ang madilim niyang buhay. Nagkaroon ng kulay ang nakakatakot ng mundo niya. Para bang ipinanganak siya ulit.

Her goddess accepted her the way she was, and she was very thankful.

Kaya naman, habang buhay niyang tatanawin ng isang napakalaking utang na loob ang West Goddess.

At nang malaman ni Lea ang kakapalan ng mukha ng mga East Men na hamunin sila Juliet ng isang 'bet' ay sinabi niya sa sariling gagawin niya ang lahat para manalo sila ulit ngayong taon.

This time, si Juliet naman ang napabuntong hininga. Hinawakan niya ang sarili niyang beywang bago nagsalita. "Lea, hindi mo dapat ginawa yun. Kaya nating manalo without doing this. Wala ka bang tinawala sa kakayahan natin?" Tanong nito sa mahinahon nang tinig.

Napayuko si Lea. Napahiya siya. " I-I'm sorry, my goddess. Gusto ko lang po kasing masecure ang pagkapanalo natin this year." Anya sa mahinang boses pero alam niyang naririnig ito ni Juliet.

Muling nag sigh si Juliet. Really, what am I going to do with this? Tanong niya sa sarili. "You love him, don't you?" Ani Juliet.

Ang alam ni Juliet ay matagal nang may gusto si Lea sa Jason na iyon, pero dahil magkaibang Campus sila ay pinipigilan ni Lea ang nararamdaman niya.

Napatingin bigla si Lea sa goddess niya kasabay ng pamumula ng mukha niya.

"Its okay to like or even love him, Lea. Walang masama d'on." Ani pa ni Juliet.

"P-pero isa siyang E-east Civilian." Wika ni Lea.

"So?" Si Juliet.

"Kaaway natin sila." Si Lea.

Napataas ang kilay ni Juliet. "It doesn't mean na bawal nang magkaroon ng relasyon sa pagitan ng magkaaway na Campus. Lea, you love him. Go get him. Don't lock your feelings just because magkaiba kayo ng campus. Let your heart be happy, wag lagi ang pride mo ang pinapasaya mo. Sige ka, baka dumating yung time na kung kailan ready ka na, siya naman ang taken na." Payo ni Juliet.

Matagal bago nagsink-in kay Lea ang mga sinabi nito. At matapos makapag-isip ay agad siyang ngumiti at niyakap si Juliet.

"Thank you." Lea said.

Napangiti naman si Juliet at niyakap na din niya ang kaibigan niya.

***

Time skips at Wednesday na. Next week ay start na ng Battle.

"Handa na ang Basketball players natin, Juls." Wika ni Monique noong umagang iyon.

Kakausapin ng mga West Goddess ang mga Basketball player upang sanay bigyan ng encouragement.

"Sige, kausapin na natin sila." Sabi nito at naglakad na sila papuntang Court ng West Campus.

Pagpasok ng West Goddess ay para bang mga nagkakarerahan ang mga lalaki patungong harapan nila Juliet.

"My goddess." Ani ng Ace player nila.

Napangiti si Juliet. "Nice to see you, too, Joshua."

-----

Time Check: 4:53pm, Jan.18.14

PrinceNatsu: Yeeeeeeess! Another Chappy done! Hope you all like it:**

Comments from you will make my update faster! Kaya naman V&C! ^_^

Next Chapter: West Goddess, Cheerleaders? What?

Published Date: Feb.3.14, Monday

PS: Hindi ako makapag-edit kasi phone lang gamit ko.. Promise, kapag nakapag-internet na talaga ako.. Haha! XD

2nd Editing: Feb.5.14

PS: Na-edit ko na! HahahXD

Battle For The Throne And LoveWhere stories live. Discover now