4th Battle: The Games

33 1 1
                                    

Kinabukasan, matapos ni Juliet ang kanyang 1st and 2nd class ay dumiretso na agad siya sa Club House nila.

Nauna siya sa CH this time dahil may 3rd subject pa sila Monique at Niña.

Humiga siya sa sofa at kumuha ng isang magazine. Sinubukan niyang magbasa-basa pero sa di alam na dahilan ay may mga ala-alang bumabalik sa kanya...

"Hey, Julie..."

Napalingon si Juliet sa tumawag sa kanya. Agad siyang napangiti nang makitang nakatayo si David sa pintuan ng library kung saan naroroon siya ngayon.

"Tapos na ba ang practice niyo?" Tanong ni Juliet nang makalapit na siya sa binata.

"Oo. Nag hintay ka ba ng matagal?" tanong ng binata saka kihuna kay Juliet ang mga dala nitong libro at sabay na silang naglakad.

"Hindi naman. May tinapos din kasi akong biology homework." Sabi ni Juliet.

Ganito sila araw-araw, nag-aantayan. Kapag may practice si David ng sports niya, pumupunta naman si Juliet sa library upang hindi mainip.

Kung ibang tao siguro ang makakakita kanila Juliet at David, iisipin nilang magkasintahan ang dalawa dahil sa mga ikinikilos nila.

Pero dahil alam ng lahat na may nililigawang Junior si David, alam nilang imposibleng maging silang dalawa.

"I saw Kathy kanina nga pala. I think hinahanap ka niya. Pinuntahan ka ba niya sa practice mo?" Juliet said to start a conversation.

Sa mga oras na ito at hindi pa nag-aayos si Juliet ng sarili niya. At si Kathy ang Junior na babaeng nililigawan ni David.

"Yeah, I saw her. She just told me na hindi siya makakarating sa date namin mamayang gabi." Malungkot na wika nito.

Nakaramdam naman ng kirot sa puso si Juliet. Pero tinago niya ito upang hindi makita ni David.

Dahil ayaw ni Juliet na masira ang pagkakaibigan nila. Ayaw niyang mawala yung friendship na tanging meron lang sila ngayon.

"Hey, cheer up, will yah? Hindi pa naman katapos ng mundo. Besides, its just one date. Ask her out again this weekend, sure ko papayag yun." Assured ni Juliet sa kaibigan.

Mataga bago sumagot ang binata, "Yeah. Thanks Julie." Maya-maya ay anya.

Isang kanto na lang at malapit na sina Juliet at David sa bahay ng dalaga nang hindi sinasadyang may nakabunggo kay Juliet, sa lakas ng impact ay napaupo ang dalaga sa sahig.

"Awwww." Mahinang anya.

"Hoy! Mag ingat-ingat ka sa dinaraanan mo." Ani ng nakabunggo kay Juliet, parang medyo lasing pa.

Napatingala si Juliet sa lalaki, at nag-iisipi na sana kung papaano niya ito aatakihin, nang--.

"G*go ka ba, pre?" Hawak na ni David ang damit ng lalaking bumunggo kay Juliet. "Ikaw ang nakasakit, pero ikaw pa ang galit." Halata sa mata ni David ang galit. How dare this stupid man hurt his Julie? Anong karapatan ng g*gong ito!

Bago pa makasagot ang lalaki ay binigyan na niya ito ng malakas na suntok, at agad naman itong nakatulog.

David faced Juliet and bend down para magkapantay na ang mukha nila. "Okay ka lang ba, Julie?" He asked softly. Nawala ang kaninang galit nito at napalitan ng matinding pag-alala para sa kaibigan.

Nagulat man si Juliet ay agad siyang nakabawi. "O-okay lang ako. Hindi mo dapat yun ginawa. Baka mamukhaan ka niya at abangan sa susunod." Ani Juliet habang tumatayo, inaalalayan siya ni David.

Battle For The Throne And LoveDove le storie prendono vita. Scoprilo ora