6th Battle: This Is How 'He' Feels

20 0 0
                                    

"Uyy! David!" Tawag ng dalaga sa kanya. Ahh. Hearing David's name from her mouth makes him want to jump the girl. "Kanina pa kita hinahanap." Dugtong ng dalaga ng nakalapit na si David sa kanya.

Napangiti si David. "Namimiss mo ba agad ang kagwapuhan ko, Julie?" Biro nito.

Yeah. Juliet Sandoval is the most beautiful girl in the world in David's eyes. And she's his bestfriend.

Ang saklap.

"Utot mo. Hinahanap kita kasi pinapatawag ka ni Ma'am." Sabi ni Juliet.

David chuckled. Okay lang sa kanya na hanggang kaibigan lang ang turing ng dalaga sa kanya, basta't walang pumorma dito. Dahil hindi niya kakayanin.

Hindi niya kakayanin na may ibang tumingin sa Julie niya. Hindi niya kayang may ibang makakita ng mga ngiti nitong para kay David lang.

Hindi niya kakayanin kung biglang may mang-agaw sa Julie niya.

He'd die for sure. Definitely.

"Fine, fine. Nasaan ba si Ma'am?" Natatawa pa ding ani David habang inilagay niya ang kayang kamay sa balikat ni Julie. In short, inakbayan niya ito.

It was normal for them to do that. Kung ibang tao siguro ang makakakita sa kanila ay iisipin nilang magkasintahan sina Juliet at David. And that was just David wanted.

David couldn't ask for more at that time. Maganda ang relationship nila ni Juliet as friends. At walang kakompetensiya si David sa atensiyon ng dalaga.

Until one day.

Naglalakad si David sa hallway papunta sa room nila nang mapansin niyang ang daming mga lalaking nasa harap ng pintuan nila, yung iba sa bintana nakatingin. Parang may sinisilayan silang lahat, pero halatang-halata na sumisilay sila.

"Anong nangyayari dito?" Tanong ni David sa isang classmate niya na lumabas ng room nila.

"Si Juliet, n--." Umpisa ng babae, pero hindi pa man din natapos ng babae ang kanyang sasabihin ay agad na kumaripas ng takbo ang binata papasok sa classroom nila. Nag-aalala na baka kung anong nangyari sa dalaga.

Pero, pagpasok niya sa loob ng room at makita kung anong pinagkakagulohan ng lahat ay natulala siya.

Right now, ang tanging nakikita niya ay isang Anghel. Isang Anghel na kamukha ni Juliet, minus the big glasses and thr braces.

"David..." Sabi ng Anghel.

Napakurap naman si David. Paanong nalaman ng Anghel na ito ang pangalan niya?

"Hey, Juliet you look pretty today. Wanna have lunch with me?" Napalingon si David sa nagsalita.

Nakatingin ito sa Anghel niya at tinawag niya itong Juliet?

"S-sorry, but I'm having lunch with the girls." Ani ng Anghel.

Ibinalik ni David ang tingin niya sa Anghel. He looked closer.

"Juliet?" Napakunot ng noo si David. No, this can't be! Inikot ni David ang tingin niya sa paligid. Wag! Wag niyo siyang tignan! Akin lang siya! Akin! He shouted inside.

Ibinalik niya ang tingin niya kay Juliet. "Bakit ganyan ang ayos mo?" Tanong ni David, sounding disgusted. But not with his Juliet. He was disgusted by all these men drooling all over his Juliet.

Pero ang akala ni Juliet ay para sa kanya ang tonong iyon. "M-my Mom forced me to change. Sabi niya I have to act like a lady." Ani Juliet.

"Tsk." Sabi lang ni David bago niya tinalikuran ang dalaga. "Hoy! Kayong lahat, magsipunta na kayo sa mga classroom niyo!" Sigaw ni David.

This will be my hell. Sabi ni David sa sarili.

For the following days and weeks, pinilit ni David na umaktong normal, kahit na ang totoo ay gusto na niyang pasabugin ang mata ng bawat lalaking tumitingin kay Juliet.

Pero, dahil natatakot siyang baka makagawa siya ng masama ay iniwasan niya si Juliet. Kahit pa, labag ito sa kalooban niya.

Then,

"David, are you mad at me?" Juliet asked nang makorner siya ito one after noon.

Nagulat man si David ay hindi niya ito pinahalata.

"No." Hindi makatingin ng maayos si David sa dalaga.

"Your mad." She stated.

"I'm not." He said.

"You can't look at me in the eyes. That means your mad."

Sapul si David r'on. Kabisado na talaga ni Juliet si David. "I'm not, Julie." Pilit ni David.

"Eh, bakit mo ako iniiwasan?" She asked.

"Things change... Like you." Matagal bago nasabi ni David ang mga katagang iyon.

"Y-you don't like the change?"

"Hey, Juliet! Pwede ka bang makasama sa lunch today?" Bigla ay singit ng isang classmate nilang lalaki kay Juliet. For that instance, gustong-gusto nang manapak ni David, lalo na ang lalaking istoebong ito.

"Joshua, pwedeng mamaya na lang? Nag-uusap pa kami ni David, eh." She said politely.

"Please, please, please Juliet? Just one lunch date, just one. Promise you'll like it." The guy begged.

Napabuntong hininga si Juliet, "Joshua..."

"Anong bang na gustuhan niyo kay Julie? Bakit ba habol kayo ng habol sa kanya? Nag-ayos lang siya ng konti, para na kayong mga langaw na umaaligid sa kanya. Siya pa rin naman ang panget na Juliet noon, ah? Can't you see she doesn't like any of you?" Bigla ay ani David. Nasa mukha nito ang inis para sa lalaki.

"Panget na Juliet noon?" Ulit ni Juliet sa mga katagang binitawan ni David.

Sandaling napatigil si David. "N-no, no. T-that's not what I meant." Pinilit niyang sabihin. Pero parang hindi na siya naririnig ni Juliet.

Nang makita niyang may tumulong luha sa mga mata ni Juliet ay gusto niyang sapakin ang sarili! Ang tanga-tanga ko! Bakit iyon pa ang lumabas sa bibig ko! Fvck! He repeatedly said inside his head.

"Ang yabang mo. Porque may itsura ka lang." Cold na sabi na lang ni Juliet sabay tulak ng napakalakas kay David, making him fall to the ground. Pagkatapos ay umalis na si Juliet.

And that's where it ended.

Napabuntong hininga si David. He never meant what he said that day, sadyang nadala lang siya ng selos.

But, he'll make it up. For sure. Pag nanalo na sila sa Battle, mapapasakanya na talaga si Juliet.

"My Juliet." He whispered as he close his eyes.

-----

Time Check: 7:32PM, Jan.17.14

PrinceNatsu: Yeeeeeeees! Two Chappy in one day! Take that, Lazyness! Buwahahaha! V&C po kau haXD

Next Chapter: Lea, From Department One

PS: I will also be editing this soon! Kapag nakapag computer na ako:)) Hehe.. Nga pala para sa mga nag-aabang ng kwentong ito (meron ba? haha..kawawa naman ako.. hehe..), ang UD sked ko ay tuwing Monday AT Thursday.. Oo, twice a week ako mag-a-update.. hehe.. pero misan, baka malate lang ng ilang araw.. kagaya nito.. anong araw na? sabado, late siya ng two days.. hehe..

Published Date: Feb.1.14

2nd Editing: Fe.5.14

PS: Na-edit ko na!

Battle For The Throne And LoveWhere stories live. Discover now