13th Battle: To Hell With It!

17 0 0
                                    

Naglalakad si Juliet papuntang conveniet store na malapit sa kanila. Maaga kasi siyang dumating at dahil nasa trabaho pa ang mga magulang niya ay naisipan niyang lumabas muna ay bumili ng kung anong mabibili. Pwede sana niyang iutos na lang ito sa mga kasambahay nila, pero mas gusto ni Juliet na siya ang lumabas upang makapili siya ng maayos.

"Julie..."

Napalingon ang dalaga sa pamilyar na boses na iyon na tumawag sa kanya.

Pagharap niya sa may-ari ng tinig na iyon ay agad siyang nagulat dahil sa biglang yumakap ang binata sa kanya.

"D-david..." Anya rito, pero lalo lang hinigpitan ng binata ang yakap niya sa dalaga.

"You idiot... You stupid...idiot..." Ani David.

Sa narinig ay nainis si Juliet. "Stupid, idiot ka jan! Pakawalan mo nga ako! Baliw ka na ba, Mr. Garcia!" Sigaw niya rito.

"Why does it have to be you, Juliet? Why?" Mahinang anya. Ngunit patuloy pa ding hindi maintindihan ni Juliet ang pinapahiwatig ni David. At muli, lalong hinigpitan lang ni David ang yakap niya rito. "Pero... kung hindi lang din naman ikaw, ayoko na lang..." Ayoko na lang ng iba, kung hindi lang din ikaw ang makakasama ko.

"A-ano bang pinagsasabi mo, David? Hindi kita maintindihan." Ani Juliet.

"Really, Julie... Hanggang kailan ka ba magiging manhid? Kulang na lang ipagsigawan ko sayo ang nararamdaman ko, alam mo ba yun?"

Manhid? Ako! Manhid? G*go ka ba, David? Ikaw itong hindi nararamdaman na mahal kita, eh! Noon... "Let go, Mr. Garcia." Mahinang ani Juliet. Pero hindi man lang gumalaw si David. "Bitiwan mo ako, David." Mariing anya.

"No... Hindi... Kahit na kailan... Hindi... Hindi ko kaya, Julie..." Si David. Hindi kita papakawalan. Hindi ko kaya.

"Fvck you." Sabay tulak ng napakalakas ni Juliet kay David.

Sa gulat ni David ay hindi agad siya nakapagsalita nang maitulak na siya ni Juliet.

Napansin ng binata ang mga luhang gumilid sa mga mata ng dalaga, at dahil dito ay agad na pinagalitan niya ang sarili.

"Julie..."

"Pag nanalo ang West Campus sa Battle at yung Bet..." Mahinang ani Juliet habang nakatalikod sa binata. "...iuutos ko sayo na... wag ka nang lalapit sa akin..." Dahil nasasaktan mo lang ako kapag nakikita kita, pero hindi kita mahawakan.

Muli, hindi agad nakapagsalita si David.

Lagi na lang ganito. Sa harap ni Juliet ay hindi niya masabi ng buo ang nararamdaman niya, kahit pa ang totoo, nais niyang ipagsigawan na To hell with it, Julie! Mahal kita! MAHAL KITA!

"Julie..."

Pero naglakad na papalayo ang dalaga.

***

"The next game is Volleyball." Ani Niña.

"Sa game na ito, ang West Goddess na naman ang magpapakita ng gilas." Nakangiting pahayag ni Monique.

"We will win." Si Juliet.

***

Time skips at second week na ng Battle.

"Coffee shop." Ani Juliet.

"Ano ang pwede nating gawin para pumatok ang Coffee shop natin?" Tanong ni Mica.

Kasalukuyang nasa Garden ng West Campus ang West Goddess at ang kanilang limang DL.

"Bakit hindi nating gawing egypt theme ang atin? Tapos yung costume natin, yung parang mala-Cleopatra." Suggestion ni Veronica.

Battle For The Throne And LoveWhere stories live. Discover now