Siri's POV
Hi! Ako nga pala si Siri Aphrodite Evans, Maganda,Sexy,Mabait,Maputi. Lahat ng katangian na Positive ay nasaken! Which is kagaya din ng mga kaibigan ko! Wahahaha!
d^.^b
Ang mga kaibigan ko na pumapangalawa sa ganda ko, si Niana Zein Scoth at Kira Arshira Meghan.
Im 17 years old, yung dalawa ay kaedad ko lang, mas matanda lang ako ng araw. Mweheheh! Bat araw? Kase isang Month lang ang birthday naming tatlo, at September iyon.
*tok* *tok* *tok*
"Siri! Kain na, at papasok pa tayo!" Sigaw ni Zein, matapos kumatok sa kwarto ko.
Di ko pa pala nasasabi sainyo, nasa iisang bahay lang kame-- Apartment. Apat na taon na kaming naninirahan dito.
"Oo, susunod na!"
6 years na kameng magkakaibigan nan, Buti nga at hindi sila nagsasawa saken, pano ba naman oras-oras kame lang ang magkakasama.
Nasa 4th year highschool na pala kame ngayon, At eto nga firstday of school-- sa bago naming school.
"Dalian mo!" Sigaw na naman nya.
d-.-b
"Teka! Eto na!" At binuksan ko na yung pinto ng kwarto ko, tumambad naman saken yung dalawa.
"Ano? Eto na nga diba?" Natatawa pang sabi ko.
At sabay-sabay kaming bumaba,
Umupo na naman kame, si Kira nagluto neto pustahan, sya lang naman magaling samin magluto e, Tho magaling din kami ni Zein, pero mas lamang si Kira.
"Sa iisang motor na muna tayo ngayon, yung sakin muna. Di pa daw kase tapos ayusin yung inyo." Salita ni Zein.
"Ah sige, kakasya ba tayo don? Hehehe." Tanong ko.
d^_^b
"Oo naman." Taas kilay nilang sabay na sagot.
d-.-b
"Bat ba ang susungit nyo?!" Nakangusong tanong ko sakanila, kase naman! Tss.
"Tapusin mo nalang yang kinakain mo, at baka malate tayo." Kira.
Hindi nako umimik pa at tinapos ko nalang ang pagkain ko, Pagkatapos ay dumiretso sa kwarto para kunin ang gamit ko. Kahapon pala nakuha na namin ang Uniform namin, at ang masasabi ko lang ay hindi ako masyadong kumportable!
Above the knee ba naman! Long sleeve, Pero mahaba naman mejas, hanggang tuhod. Kulay Black and White.
Pagkatapos kong kunin ay bumaba na ako, nandun na naman yung dalawa.
"Sya nga pala, pano yan ang ikli ng suot naten?" Tanong ko.
"Suotin muna naten yung P.E na jogging pants, dun nalang naten hubadin." Kira.
Umakyat ulit kame sa taas, at kinuha ang P.E namin, sa locker nalang siguro namin to iiwan.
Bumaba ulit kame at, lumabas ng bahay, Ako naman ang nag lock, lahat kame may duplicate ng susi neto.
Malaki naman ang Motor ni Zein e, Sya ang may pinaka malaki samin, pang dalawahang sakay lang kase yung aken.
Sumakay na kame, Excited nako sa bago naming papasukan!
"Larga!" Masayang sigaw ko, Ako kase ang nasa dulo si Kira ang nasa bandang gitna.
At pinaharurut naman ni Zein.
Nung marating namin ang paaralan ay pumarada na kame sa Parking lot, ang laki ng parking lot nila.
May Cr dto sa parking lot, kaya naman pag-baba namin ay pumasok kami doon. At hinubad ang pants.
BINABASA MO ANG
Just A Memory
ActionIsang Ordinaryong Babae, Hindi lahat ng katangian ng isang babae ay sakanya mo makikita. Unique sya---Kakaiba sya sa lahat, Maganda pa sya sa maganda, Mabait pa sya sa mabait, IBA PA SYA SA IBA. Wag na wag mo lang susubukan saktan ang mga taong mala...